"Hello Students! Gusto ko lang ipabatid sa inyo na kanselado ang klase ngayong araw" sabi ni Dean at kaagad na din kameng pinaalis. Humikab-hikab pa ako habang masamang nakatingin sa Dean, kung makita man niya ako ay wala na akong pake. Ginising kame ng 6 am tapos ayon lang ang sasabihin niya?!
Napag desisyunan naming tumambay nuna sa garden kaya kasalukuyan kaming naglalakad papunta doon, wala naman din kasi kameng klase kaya naisipan naming tumambay muna doon. Ang tino talaga ng utak namin, imbes na matulog ay mas naisip pa naming tumambay.
Ang apat naman ay ipinatawag sa palasyo kaya hindi namin sila kasama.
Pagdating sa garden ay kaagad kameng umupo sa Damuhan, humiga ako dahil pakiramdam ko ay inaantok ako.
"Hoy babaita ka! Bakit mo naman pinagseselos ang Prinsipe" Sabi niya kaya kaagad akong napa bangon at tinignan siya ng nagtataka.
"Kanina niyo pa sinasabi na nagseselos si Calix e hindi naman, bakit naman iyon mag seselos?" Naiinis na tanong ko sa kaniya.
Nginisian niya ako at hinagisan ng bato, maigi nalang at nakailag ako kaagad.
"Ikaw bruha ka! "Aniya sa naiinis na boses.
" Ewan ko sa iyo!" Naiinis ko ding bulyaw sa kaniya.
Umirap ako at humiga sa damuhan, mas maganda pala dito dahil mas tahimik kumpara sa dorm. Malakas din ang hangin dito kaya nakaaantok pero hindi ko naman magawang matulog.
Nanlaki ang mata naming dalawa ni Clara ng biglang bumaba si Calix galing sa itaas ng puno, nagkatinginan pa kameng dalawa ngunit kaagad din akong nag iwas ng tingin.
"Kanina kapa ba diyan?" Kinakabahang tanong ko sa kaniya.
Tumango naman siya, ibig sabihin ay narinig din niya ang pinag usapan namin ni Clara. Speaking of Clara nawala na siya, ang bruhang iyon iniwanan ako!
"Tara" napatalon ako sa gulat ng hawakan ni Calix ang kamay ko, ipinag intertwined niya pa iyon, jusko puso wag kang magmadali.
"S-saan?" Kinakabahang tanong ko, nginitian niya lang ako at nagsimulang hilahin papunta kung saan.
Napaawang ang labi ko, Na miss ko yata ang ngiti ni Calix.ilang araw din kasi niya akong hindi kinibo.
Bati na ba kame? teka nag-away ba kame?err
Nagtaka ako nang pumasok kame sa Gubat, namamangha pa ako habang tumitingin sa paligid. Hindi ito ang unang beses na nakapasok ako dito pero namamangha padin ako, kung gaano kaganda ang Academy ay mas maganda ito.
"Calix, Unicorn!" Gulat na sabi ko habang nakaturo sa mga Unicorn na nagkukumpulan.
Napakurap-kurap pa ako ng tumingin ito sa akin at ngumiti, nginingitian nila ako? Waaaaaa
"Huwag mo silang tignan ng ganiyan, baka isipin nilang nababaliw ka na" ani Calix at tumawa.
Napanguso nalang ako sa sinabi niya, habang naglalakad ay may nakasalubong pa kameng mga kakaibang nilalang kagaya ng Pegasus, Fairies, Ahas na tao ang kalahati at iba pa.
Tumigil kame sa isang malaking puno, nagulat pa ako nang naghikab ito at kumurap kurap ang mata.
"Prinsipe, ano ang iyong kailangan" aniya at nag bow kay Calix.
Tinignan ako ni Calix bago muling tinignan ang Puno.
"Punong taga bantay, palabasin si Oreo" aniya kaya ngumiti ang Puno.
Sino naman si Oreo? Kaibigan niya?
Napa pikit ako ng biglang magliwanag ang bunganga ng puno, nagmulat lamang ako ng mawala ito.
BINABASA MO ANG
HERA ACADEMY: THE LEGENDARY SCHOOL
FantasyTo know her past, Charizel Madrid accept the invitation of Hernandez to go to unknown school. Lumaking ulila at walang magulang si Charizel at tanging ang nag-iisang kaibigan lamang ang kaniyang kasama. At first, she hesitated because she felt that...