Nagising ako mula sa mahabang pagkakatulog, inayos ko ang sarili ko bago tumayo at tumingin sa paligid. Kaagad na kumunot ang noo ko nang mapagtantong nasa ibang lugar ako.. oo nga pala, kinuha nga pala ako nila Isabelle ngunit nasaan sila
Dahan-dahan akong tumayo at inayos ang sarili bago pihitin ang door knob, naglikha ito ng maingay na tunog kaya napatigil ako sa ginagawa. Hindi ko alam kung itutuloy ko ba ang ginagawa ko dahil kinakabahan ako sa maaring mangyari sa akin once na makalabas ako dito.
"Lumabas kana diyan" rinig kong sabi mula labas, I knew it was Blaze, hinding-hindi ko makakalimutan ang nakakainis ngunit ma awtoridad niyang boses.
Huminga ako ng malalim.
Tuluyan kong binuksan ang pintuan at bumungad sa akin ang isang kulay puting paligid. Nagmistula itong malawak na garden dahil sa napaka raming magagandang bulaklak ang makikita dito, bukod doon ay napakaraming paro-paro ang pakalat-kalat sa paligid. Hindi ko napigilan ang sarili kong hindi mamangha.
"Andito ka sa jardín de flores , ang tahanan ng mga bathala ng Hermania" Napunta sa kanila ang atensyon ko nang magsalita ang diyosang si Isabelle, seryoso ako netong pinagmamasdan at nasa tabi niya si Blaze na masama ang tingin sa akin.
"Marahil ay naguguluhan ka, sumama ka sa amin at pupunta tayo sa palasyo" dagdag nang mapansin na wala akong imik, kaagad akong lumapit sa kaniya.
Nag-umpisa kameng maglakad, habang naglalakad ay panay ang tingin ko sa paligid.. napaka ganda dito dahil punong-puno ng mga bulaklak ang matatayog na mga puno. May ilan ding babae na mga nagsasayawan at tila nagkakasiyahan, nakasuot sila ng mga mahahabang saya na pinapalibutan ng mga kumikinang na bulaklak, para itong may mga buhay dahil para silang sumasayaw sa paningin ko..
Lalo pang nadagdagan ang pagka mangha ko nang makita ang mga pixies na nakikisali sa kasiyahan nila.
"Pixies.." mahinang bulong ko, mukang narinig iyon ng dalawa kong kasama ngunit hindi ako pinansin. Nagpatuloy kame sa paglalakad hanggang sa tumambad sa aking harapan ang napaka laking palasyo.
"Welcome sa bayan ng jardín de flores, ang Sacred garden sa hermania kung saan naninirahan ang mga diyos ay diyosa" ani Isabelle, wala akong isinagot kundi ang tango. Nanatiling naka buka ang aking mga bibig habang pinagmamasdan ang matayog na palasyo, napaka ganda neto ngunit hindi maikakaila na may kalumaan na ito. Nag umpisang bumukas ang malaki at matayog na gate kung kaya nag umpisa nanaman kameng maglakad.
Bumungad sa akin ang napaka raming Centaur, isa silang uri ng mga nilalang na kalahating tao at kalahating kabayo. Base din sa aklat na nabasa ko, isa sila sa pinaka malalakas na creature sa hermania. They posses human intelligence and speech.
"Bakit sila andito?" Takang tanong ko, ang alam ko kasi ay matatagpuan lang sila sa Forest at bihira silang magpakita sa iba pang nilalang.
"They are guarding the garden" maikling sagot ni Blaze, tanging tango lang ang naisagot ko.
Tumigil kame sa harap ng isang kahoy na pinto, kumikinang ito at may mga dahon na nakapalibot dito.
"Ingresar" basa ko sa naka ukit na salita doon, kumunot ang noo ko dahil hindi ko maalala ang ibig sabihin noon. Ang alam ko lang ay salitang spanish iyon.
"Ingresar means Enter in english" sabi ni Blaze sa masungit na boses, pasimple ko siyang inirapan.
Pinanood ko siya habang dinadasalan ang pinto, may sinabi siya na kung doon bago ito tuluyang nagbukas, pagpasok namin ay mas lalo akong namangha dahil kung may kalumaan ang labas ng palasyo ay siya namang kinaganda ng loob neto.
BINABASA MO ANG
HERA ACADEMY: THE LEGENDARY SCHOOL
FantasyTo know her past, Charizel Madrid accept the invitation of Hernandez to go to unknown school. Lumaking ulila at walang magulang si Charizel at tanging ang nag-iisang kaibigan lamang ang kaniyang kasama. At first, she hesitated because she felt that...