Pagdating namin doon ay nadatnan namin ang walong titan kasama sila Titus. Kaagad akong naexcite at tumakbo palapit kay Titus.
"Hi!" Bati ko dito kaya kaagad siyang napatingin sa akin.
"Kamusta binibini" aniya at inilahad na ang palad sa akin. Sasagot na sana ako sa kaniya ng biglang magsalita si Clara.
"Seryoso ka talaga nung sinabi mong nakakausap mo siya?" Ani Clara na parang naguguluhan at tinuro si Titus.
Ngumuso ako at dahan-dahang tumango "Yap, lahat silaa" sagot ko at sinabi pa ang pangalan nung walong titan. Umawang pa ang labi ni Clara, halatang hindi makapaniwala.
"But how? Sa tagal kong nanirarahan dito sa Hera ngayon lang ako nakarinig na nakakausap ng isang tao ang Titan, maging ang Royals ay hindi iyon nagagawa" ani Lian at napatingin pa kay Calix na seryoso ding nakatingin sa akin.
Nagkibit balikat nalang ako at hindi na sumagot, hindi ko din alam ang nangyayari kaya wag na nila akong tanungin.Sasakit lang ang ulo ko kakatanong sa sarili ko, Basta nagagawa ko iyon tapos ang usapan.
Mabilis lang ang naging pagpunta namin sa Hermenia dahil kela Titus. Kaagad akong namangha nang makita ang palasyo na nasa gitna ng isang dagat na kulay pink. May ganito palang dagat?Napaka ganda ng paligid, napaka daming puno at maliliit na isla ang makikita dito. Magaganda naman ang tatlong bayan dito pero ito ang masasabi kong pinaka maganda para sa akin.
"Beautiful" manghang-mangha na sabi ko habang inililibot ang tingin sa paligid. Kaagad na nanlaki ang mata ko nang makita ang mga isdang naglalakad at tila mga nag-uusap pa.
"Look!" Excited na sabi ko at itinuro pa ito kaya napatingin din sila doon.
"Cute!" Ani pa ni Clara kaya parehas kameng nagtawanan, kahit si Andre ay nakisali sa tawanan namin kaya napangiti ako. Natigil lang iyon ng may nagsalita.
"Welcome to Hermenia" ani ng isang babae na mukang Reyna ng Hermenia.
Kakaiba ang itsura ng mga sirena at sireno dito kesa sa mga napapanood ko sa TV. Dito ay may mga paa sila at hindi masyadong makaliskis at hindi mukang malansa. Maging ang mga Sireno ay maayos ang itsura at hindi nakakatakot.
" Who are you?" Nagulat kame ng biglang tinanong ng Reyna si Andre, pero ang mas ipinagtataka ko ay ang pagalit netong tono.
"A-ako po si Andrea kamahalan" halata sa boses ni Andre ang pagka balisa, yumukod ito pagkatapos ay tumungo na lamang at hindi na muling tumingin sa Reyna.
Nanatiling tahimik ang Reyna at nakatitig lamang kay Andre, medyo naguguluhan at natatakot kame sa inaasta niya mabuti nalang at biglang nagsalita ang Hari at niyaya na kameng pumasok sa loob. Kaagad nila kameng pinakaen at pinagpahinga muna at bukas na daw namin pag-uusapan ang tungkol sa Mission.
--
Maaga akong nagising dahil sa isang malakas na halinghing, parang nagmumula ito sa isang balyena. Kinusot ko ang mga mata ko at dahan-dahang tumayo. Dumeretso ako sa banyo at kaagad na inayos ang sarili ko bago lumabas."Umaga na pala" bulong ko. Mukang napasarap ang tulog ako. Ang sarap kasi ng sariwang hangin dito, hindi masyadong malamig at hindi masyadong mainit. Tama lamang oara antukin ako ng bongga.
Pagbaba ko ay inabutan ko sila doon na magkakasama, kung maaga ako ay mas maaga pala sila.
"Mabuti naman at naisipan mo pang gumising?" Ani Clara kaya inirapan ko siya.
"Kung hindi kapa gisingin ng isang balyena ay talagang hindi kapa tatayo" ani Elijah na talagang nakapag palaki ng mata ko. Kung pwede lang itong lumuwa ay baka lumuwa na talaga.
BINABASA MO ANG
HERA ACADEMY: THE LEGENDARY SCHOOL
FantasyTo know her past, Charizel Madrid accept the invitation of Hernandez to go to unknown school. Lumaking ulila at walang magulang si Charizel at tanging ang nag-iisang kaibigan lamang ang kaniyang kasama. At first, she hesitated because she felt that...