Chapter 43

224 10 0
                                    

Nang matapos ang pag-uusap ni Blaze at ng head ng Academy ay nagpasiya siyang umalis kaagad. Dumidilim na din kasi at mahigpit na utos ni Arthur na huwag kameng gagabihin.

"Hindi kaya ng portal ang 50 students kaya hanggang maari, by 10 lang muna" sabi niya, nasa unahan kame ngayon ng mga estudyante at ilang staff.

Nakatungo lang ako habang sinasabi niya iyon, kung bakit kasi hinila niya pa ako at sinaman dito sa unahan. Pakiramdam ko tuloy ay kanina pa ako pinapatay sa titig ng mga estudyanteng natatandaan ang nangyari noon.

Nag-umpisa ang pagpasok ng mga estudyante sa portal, sampung estudyante muna dahil hindi daw pwede na maramihan at baka masira ang portal. Isang portal lang kasi ang pinayagan ni Cascades na gamitin dahil baka daw may mangyari. Every portal na ginagawa daw kasi nila ay connected sa ibat-ibang lugar dito sa Hermania.

"Last" ani Blaze at tinignan kame.

Napatingin din ako sa likod ko, kame nalang pala ang natitira dito kasama ang Phoenix na ngayon ay tahimik, natatakot daw kasi sila kay Blaze.

Ewan ko ba sa Lalakeng ito at kanina pa masungit, akala mo nireregla.

Nagulat ako nang hawakan ni Blaze ang kamay ko at higitin, mabilis ko naman na nilingon ang mga kaibigan ko sinenyasang sumunod na.

Nakit ko pa ang galit na mata ni Calix habang nakatingin sa kamay namin ni Blaze na magka kapit. Bumuntong hininga ako, nagseselos ba siya...

"Blaze teka" sabi ko nang makalabas kame sa portal, naabutan din namin doon ang mga estudyante na pakalat-kalat na. Pinayagan din kasi silang mag libot muna habang may oras pa.

Tinanggal ko ang kamay ni Blaze sa kamay ko at lumayo sa kaniya, feeling ko kasi ay anumang oras magkakagulo dito kapag hindi pa kame naglayo. Mas magandang ako na ang mag adjust para sa pag-iibigan nilang dalawa tss.

"Ang ganda dito!" Ani Clara na nakalapit na pala sa akin, kasunod niya ay si Ash.

Ngumiti ako. "May ipapakita ako sa inyo" sabi ko sa kanila, akmang hihilahib kona sila ng marinig si Blaze na nagsalita.

"Bumalik ka kaagad" aniya, mabilis akong tumango para hindi na humaba ang usapan.

"Topak" mahinang bulong ko bago tuluyang higitin ang dalawa.

Naramdaman ko naman ang mga Boys na sumunod sa amin.

"Mukang may nagbabakod ngayon a, ano pre kaya paba?" Rinig kong sabi ni Railey sa likod namin.

"Ano pre, papalag kaba sa God?" Narinig ko pang sabi ni Elijah at nagtawanan sila.

Tumigil ako sa paglalakad at tinignan sila ng masama.

"Huwag nga kayong mag gawa ng issue!" Naiinis na sabi ko bago tinignan si Calix na nakasimangot.

Bumuntong hininga ako, mukang kailangan naming mag-usap mamaya ng isang ito.

Niyaya kona sila na magpatuloy sa paglalakad..

"O to M to G! OMG!" clara shouted with excitement, akmang tatakbo na siya palapit sa mga Centaurs ngunit kaagad ko siyang pinigilan.

Nagtataka niya akong tinignan.

"Hindi mo sila pwedeng basta-basta lapitan lalo at hindi ka nila kilala, mga sensitive ang mga Centaurs. Hantayin niyo ako dito" sabi ko at nilagpasan sila.

Nakangiti akong lumapit sa mga Centaurs, busy sila ngayon para sa kasiyahan.

"Hello! Kasama ko ang mga kaibigan ko, maaari ba nila kayong makilala? Kung hindi ay ayos lang" magalang na sabi ko, napansin ko din na andoon ang hari nila at ito ang humarap sa akin.

HERA ACADEMY: THE LEGENDARY SCHOOLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon