Chapter 36

260 12 0
                                    

Kaagad akong naaptungo ng may malakas an pagsabog ang nangyari sa babang parte ng building kung nasan ako, nang tumigil ay hindi ako nag aksaya ng panahon at bumalik sa pagasinta.

"Joshia nasaan ka" rinig kong tanong ni Clara sa isipan ko.

"Nasa building A--"

"Joshia WAG!" dagdag pa niya na talagang nagpagul sa isip ko, inalis ko ang isipin na iyon at bumalik sa pagtira ngunit napatigil ako ng biglang sumabog ang building kung nasaan ako kaya tumalsik ako palabas dito.

"Finally, nagpakita ka din"

Mabilis akong tumayo kahit na masakit ang pagkakatalsik ko, nanghihina na ako dahil sa matagal nang pakikipaglaban ngunit hindi ito ang dahilan para sumuko ako.. tinignan ko ng masama ang lalakeng nasa harapan ko, nakangisi siya habang masama ang tingin sa akin. Kung hindi ako nagkakamali ay Isa siya sa mga naunang sumugod dito sa Academy.

"Alam mo Prinsesa kung ako sa iyo ay kusa kana lamang na sasama sa amin dahil hawak namin ang halos lahat ng estudyante dito" aniy at itinuro ang likuran niya kaya napatingin ako doon.

Napaawang ang labi ko habang nakatingin sa mga estudyanteng nag-iiyakan, may ilan pang sumisigaw na sumama na daw ako, hindi ko alam pero nasasaktan ako.. ito ba ang mga taong gusto kong mailigtas....gusto akong ipahamak. 

"At ang mga kaibigan mo maging ang pinaka mamahal mong lalake" dagdag pa niya at tumawa ng lumakas.

Hindi ako nagsalita at napaatras, hindi maaari. Pinigilan kong maiyak habang pinagmamasdan ang mga kaibigan ko na hawak na ng mga taga Hermonio. May mga malalaking nilalang ang hawak sila at halatang nasasaktan sila..ang ayoko sa lahat ay nakikitang nagdudusa ang mga taong nasa paligid ko ng dahil sa akin..Ano ang gagawin ko.

"Sumama kana, buhay mo kapalit ng buhay nila" sabi ng lalake ngunit hindi ko siya pinakinggan.

Umangat ako sa ere at pinatamaan siya ng mga kidlat ngunit wala iyong epekto sa kaniya, tumawa lamang siya at tinignan ako ng masama bago ako hinagisan ng bolang apoy, kaagad akong naalerto ngunit huli na ang lahat. Tinamaan ako non kaya tumalsik ako sa isang building, sa sobrang lakas ng impact ay gumuho ang ilang bahagi ng building.

"Joshia!" rinig kong sigaw ng mga kaibigan ko.

Dahan-dahan akong tumayo at pinunasan ang dugong tumulo mula sa noo ko, tinignan ko nang masama ang lalake habang mariing iniinda ang pagsakit ng likod ko. Pakiramdam ko ay nabalian ako ng buto dahil doon.

"Kung patuloy kang lalaban ay tutuluyan kona ang mga ito.." aniya kaya napatingin ako sa lahat.

Pinagmasdan ko ang mga batang umiiyak habang nakatingin sa akin, para silang nag mamakaawa na iligtas ko sila. Pinahiran ko ang mga luhang tumulo sa mga mata ko, hintayin niyo ako at ililigtas ko kayo.

"Mahina ka dahil hindi pa kumpleto ang marka mo, nanghihina din ang mga dragon mo dahil nanghihina ka, Sa tingin moba ay matutumbasan mo ang lakas namin?" 

Napatingin ako sa nagsalita, nanlalaki ang mga mata ko habang pinagmamasdan si Sir Hernandez na nag-iiba ng anyo. 

"traydor!" galit na sigaw ni Elijah at nagpumilit na makaalis sa halimaw na may kapit sa kaniya ngunit bigo siya. 

"Hindi traydor si Hernandez pero nasisiguro kong mga tanga kayo dahil hindi niyo napansin na hindi si Hernandez ang kausap ninyo" aniya at tumawa ng malakas, ikinumpas niya ang kamay niya at lumabas ang isang katawan na nanghihina na.

Tuluyan akong nanghina habang pinagmamasdan si Sir Hernandez na nakahandusay sa lapag at nanghihina, puno ito ng sugat sa katawan at halos maputol na ang kaliwang braso. Natuyo nadin ang ilang dugo sa katawan niya, mariin kong ikinuyom ang kamao ko dahil sa galit na nararamdaman ko.

HERA ACADEMY: THE LEGENDARY SCHOOLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon