Chapter 15

304 13 1
                                    

WARNING: R-18 (kung kumakaen ka then stop muna heheh)

Hapon na nang makarating kame sa gitna ng bundok, hindi naman nabanggit na sa gitna pala ang pupuntahan namin.

Ang init ng panahon ngayon, hindi nakikisama sa amin. Kanina ko pa nga gustong mag paulan pero hindi ko magawa, sabi kasi nila ay mas madalas daw ang mga hayop kapag maulan kaya natakot naman ako. Hinawakan ko ang batok ko at pinunasan ang pawis doon. Kinuha ko ang panali sa bag ko at inipit ang buhok ko.

"Pawisan kana nga pero ang ganda mo parin!"

Natawa ako sa sinabi ni Clara, nasa mission kame pero nagawa pa din niyang mag biro. Inirapan ko siya at inipitan din ng buhok, hindi kasi niya magawa dahil hawak niya ang bag ko.

"Wag mong biruin si Charizel baka maniwala" ani Calix at inagaw ang inumin na hawak ko, mabilis ang naging galaw ko pero huli na ang lahat. Nainuman na niya.

"Tss, nainuman kona iyan!" Naiinis na sabi ko sa kaniya

Ngumisi siya " ano naman?" Aniya bago tumalikod, hindi ako makapaniwalang tumingin sa likod niya. Lumapit ito kela Lian  at nakipag usap.

"Problem?" Kaagad akong napalingon kay Vladimir, umiinom ito ng tubig. Grabe din ang kgwapuhan ng isang ito e. Mabait nanga gwapo pa hindi kagaya ni Calix.

"Saan dito ang sinasabing hindi kayo makapasok?" Tanong bigla ni Elijah.

Itinuro ni Vladi ang isang malaking kweba, sobrang dilim noon at naiisip ko palang na may aswang doon ay natatakot na ako.

Kaagad na naglakad papunta si Calix doon kaya sumunod kame, ipinasok niya ang kamay niya at lumusot iyon. Napaawang ang labi ko ng biglang lumitaw ang isang  barrier na unti-unti nang nasisira.

"Matalino ang gumawa neto, alam nilang hindi kayo basta- basta makakapasok dito" aniya at nauna nang pumasok sa loob.

Pumulot si Calix ng mga kahoy at iniabot iyon sa amin tsaka niya sinindihan para may ilaw kame. Nang mag umpisa na kameng maglakad ay grabeng kaba na ang naramdaman ko.

Naramdaman ko ang isang malakas na enerhiya, hindi ko mapaliwanag kung ano iyon.

"May nararamdaman akong isang malakas na enerhiya" sabi ko sa kanila kaya napatigil sila sa paglalakad

"Ako din" sabi ni Calix kaya nag ka tinginan kame, kaagad din akong nag-iwas at nag patuloy kame sa paglalakad.

Nang magtagal ay nakakita kame ng liwanag, mukang iyon na ang hangganan ng kwebang ito kaya mabilis kameng naglakad. Pero habang papalapit kame sa katapusan ay may naamoy akong isang masangsaang, amoy nabubulok na katawan ng tao.

"WAHHHHHHHHHHHHH" Sigaw ko nang bumungad sa amin ang mga bangkay ng tao na nakalambitin, para silang mga baboy na may gilit sa leeg habang nakabitin at may sumasalong balde sa dugo nila.

Napapikit ako at hindi maiwasang hindi makaramdam ng takot, napaupo ako at hindi mapigilang hindi maiyak sa sobrang kilabot at takot na nararamdmaan, napamulat lang ako nang higitin ako ni Calix at yakapin.

"Shhhh dont be scared, dont be scared" pag aalo niya sa akin. Nang kumalma ako ay kusa akong humiwalaay sa kaniya, nakaramdam kasi ako ng hiya. Pero hindi parin ako makatingin sa mga bangkay.

Nanlaki ang mata ko ng lapitan nila Clara ang bangkay, pipigilan ko sana sila pero huli na ang lahat. Sinuri nila iyon na parang wala lang sa kanila.

"I think.. hindi sila tao o nilalang dito sa Hermania" sabi ni Lian na parang nag-iisip pa.

Kaya si Calix ay biglang hinila ako papunta doon, kahit naman ayoko ay wala na akong magawa. Si Vladi naman ay nakatitig lang at parang  nag-iisip din.

"Yeah, hindi sila nilalang dito... Sila ay mula sa mundo ng mga tao" sabi ni Calix sabay tingin sa akin.

Umiling ako, naalala ko si Andre. Kaagad kong inilibot ang mga mata ko sa bangkay at hinanap ang muka ni Andre pero laking ginhawa ko ng wala siya doon.

"Pero paano sila napunta dito?" Tanong ni Clara.

"Marahil kinuha sila at dinala dito, siguro ay dugo din nila ang ibinebenta" paliwanag ni Calix.

Ako naman ay nakaramdam ng pandidiri, hindi ko mapigilang hindi masuka. Kahit ikaw kapag nakainom ka ng dugo ng patay na tao ay baka mabaliw ka sa sobrang pandidiri.

"Pero nasaan ang may gawa neto?" Tanong ko sa kanila.

Nagkatinginan sila pero walang nakasagot. Ilang minuto din ang lumipas na walang nagsasalita sa amin.

"Marahil ay wala na sila dito, kailangan na nating bumalik sa Palasyo para mag report" sabi ni Vlad at nauna nang maglakad kame naman ay sumunod.

Tama, kailangan na naming umalis dito dahil baka  pag nagtagal pa kame ay masuka na talaga ako. Kaagad kameng lumabas ng kweba at nag simulang mag lakad.

"Mukang may nais dumagdag sa mga source of blood  natin"

Sabay-sabay kameng napalingon sa nagsalita, lima silang lalake na pula ang mata at nakakatakot ang itsura.

"Hmmm ang bango ng dugo" sabi nung isa at umamoy pa sabay tingin sa akin, lumabas ang pangil neto kaya napaatras ako.

"Charizel" mahinang sabi ni Calix at inilagay ako sa likod niya, si Vlad naman ay hinarangan din ako maging si Elijah. Magkatabi kame ni Clara sa likod  at ang mga lalake ay nakapalibot sa amin.

"Gusto kong tikman ang dugo mo binibini" ani ng isa at tumawa pa ng malakas.

Nag kapit kamay kame ni Clara, ramdam ko ang  panginginig niya dahil sa takot. Wala paring nagsasalita sa amin at nakikiramdam lang sa susunod na gagawin ng dalawa.

"Prinsipe andito ka pala, salamat sa pagkaeng dala mo" ani ng isa at sumugod na kaya ang apat na lalake ay sumugod din.

Mabilis na natalo ng lima ang apat bampira ngunit ang isa ay mabilis na nawala, inilibot ko ang paningin ko at nanlaki ang mata nang makita ang lalake na bumubulusok papunta sa akin na nakalabas ang pangil.

"ANG PANGIIIIT!" naisigaw ko sa  sobrang takot at napapikit nalang.

"Charizel!" Rinig kong sigaw ni Calix ngunit hindi ako nagmulat ng mata, hinantay kong may kumagat sa akin ngunit ng lumipas ang ilang segundo ay wala akong naramdaman.

Mabilis kong iminulat ang mata ko at kaagad na napatayo nang makita ang lalake na patay na. Kaagad akong lumayo doon at pumunta sa likod ni Calix.

"Ibang klase ka din talaga, mamamatay kana lahat-lahat pero mas nauna mo pading napansin ang muka niya" aniya sa mapaglarong boses.

Sasagot pa sana ako nang biglang gumalaw ang bampira, nahila ko ang damit na suot ni Calix dahil sa takot.

"Umm sorry" sabi ko at biglang binitawan ang damit niya, nasasakal na yata kahiya naman.

Nag-umpisa kameng maglakad ulit at iniwan ang mga patay na bampira doon, naging mabilis ang pagbaba namin sa bundok at kaagad na nag report si Calix at Vlad sa hari at reyna. Kaagad naman silang nagpadala ng kawal sa bundok upang kunin ang mga bangkay. Kame naman ay kumaen na at pinagpahinga, hindi panga ako naka kaen ng maayos dahil  naaalala ko yung mga bangkay na nakita ko kanina. Baboy pa naman ang ulam na nakahanda. iwwwww

---

HELLO HEHE:)

HERA ACADEMY: THE LEGENDARY SCHOOLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon