62. Almost with You

2K 52 7
                                    

CHAPTER 62: ALMOST WITH YOU

 

MILLETE’S (POV)

“Li-lily?” tanong ko sa kapatid kong nakatulala while her eyes were wide open.

“A-ate! Hi!” patay-malisya naman siyang tila bumalik sa ulirat. “Hello din Brian”, saka siya bumaling kay Brian at binigyan ito ng pilit na ngiti.

“Hi Lily.” Tugon naman ni Brian sa kapatid ko. “I have to go na.” Siya naman ang muling bumaling sa akin. Parang okay na siya. Iyon ang sinasabi ng mga mata niya na mariing nakatitig sa akin. Sana lang talaga hindi ganon katindi ang sakit na binigay ko sa kanya. Ayoko namang dumating ang panahon na mas matinding sakit ang maidulot ko sa kanya. Then suddenly in front of my sister ay mahigpit niya akong niyakap.

“I will be fine.” Bulong niya. Hindi naman ako nagdamot. Ubod ng higpit ko rin siyang niyakap.

“I will always be your friend. You will always have a special place in my heart.” This time ay nag-enjoy na akong muli sa init ng kanyang mga bisig. This guy is also priceless.

“Ehem!” kinuha naman ni Lily ang aming atensyon.  Naghiwalay na tuloy kaming dalawa. Pareho pa kaming napangiti.

“Bye!” he said without taking away that big smile of him.

“Bye! See you around!” tugon ko. Saka siya tuluyang lumabas ng opisina.

Bumalik na ako sa swivel chair ko. “So ano’ng atin huh Lily?” pinaningkitan ko siya.

“Wala naman ate. Aayain lang sana kita for a vacation. Sagot ni Kevin, ng boyfriend ko. Speaking of boyfriend, kumusta na kayo nung si Brian? Huh?” ginantihan niya ako. Pinaningkitan niya rin ako. Iba na naman ang iniisip nitong kapatid ko.

“Kapag boyfriend ang pinag-uusapan kukumustahin talaga si Brian?” sarkastiko kong tanong. “Lily, wala kaming relasyon. Katunayan niyang tinapat ko na siya na si Brix lang ang mahal ko. Ang mamahalin ko ngayon, bukas...”

“At magpakailanman! Si Ms. Mel Tianco ang host niyan!” seryoso naman ako pero sinumpong na naman ang kapatid ko. Pero ikinabigla ko ang biglaan niyang pagyakap sa akin. Napapikit nalang ako. Madalang lang maglambing itong si Lily eh.

“Mabuti naman ate. Tama yan. Kung ano ang nasa puso mo, sundin mo. Huwag kang mahihiya kung yan ang totoo.” Sambit pa niya.

“Parang kanta yun ah?” natatawang tugon ko sa kanya.

“Sexbomb ate ang kumanta nun. Bago ako makisamang tumambay sa mga kanto boys doon sa atin ay naging fan muna ako ng Sexbomb nung bata pa ako.” Umalis siya sa pagkakayakap sa akin habang may malawak na ngiti sa labi. “Madalas niyo nga akong pasayawin ng spaghetti nun eh! Ako naman makasayaw wagas!” bulalas niya. Sabay naman kaming napahalakhak habang binabalikan ang mga alaalang iyon.

Hinawakan ko ang pisngi ng kapatid ko. She’s really beautiful. Thank God at hindi siya naging tomboy.

TWO FOR THE PRICE OF ONE (DOUBLE THE PLEASURE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon