54. Two Sides of Two Separate Hearts

2.3K 65 17
                                    

A/N   Merry Christmas and Advance happy new year sa inyo dear readers! Para sa inyo ang mas pinaganda at exciting na huling season ng TFTPOO. J till next year! Continue to Vote, share and join the comment party! Enjoy the season! Mwah! Wink!

Social Media Spontaneous Lady -- Get to know me! Magkulitan tayo!

 

twitter: @lady_25me

facebook: https://www.facebook.com/jayson.aldama.5

booklat: http://www.booklat.com.ph/profile/14488

 

CHAPTER 54: TWO SIDES OF TWO SEPARATE HEARTS

 

BRIX (POV)

Tama na ang katangahan ko nitong mahigit isang buwan na nakalipas. Kailangan kong mag-isip ng maayos kahit halos isuka ko na ang lugar na ito. I need to focus and do all the necessary things para makaalis ako rito. Ayoko ng magtagal pa rito. I miss Millete so much. Alam kong labis na rin ang pananabik sa akin ng asawa ko. Alam kong lagi siyang malungkot at umiiyak dahil malayo ako sa kanya and she has no idea of my situation now.

Nakahiga ako sa kama sa loob ng impyernong kwartong ito. Walang tv. Walang kahit na isang painting o kahit na anong ayos. Napakatahimik. Sarili ko lang ang naririnig ko kapag gumagawa ako ng sarili kong ingay. Nakakabaliw! Dinaig pa ang bilangguan.

Umaga na naman. Siguradong pupuntahan ako ni Steph kasama ang nurse. Ilang saglit pa ay narinig ko na ang pagpihit sa knob ng pinto. Tinuon ko lang ang atensyon ko sa taong papasok sa loob. Hindi naman ako nagkamali. Sina Steph at ang nurse nga ang pumasok.

“Good morning. Gising ka na pala.” Bati ni Steph na may malawak na ngiti sa kanyang labi. Hindi pa rin nagbabago ang ngiting iyon. I fell in love with that smile before but that was before.

Ngayon ako naniniwalang hindi totoo ang first love never dies. Yes importante sa kahit na sinong tao ang first love kasi doon nila naramdaman sa kauna-unahang pagkakataon ang mix-emotion na dulot ng pag-ibig. Pero iba pa rin ang true love. Kapag true love na ang tinibok ng puso ay mababago na ang lahat sa buhay ng isang tao. That was the magic of love. Ako ang tipo ng taong hindi magsasabi ng mga ganyang salita pero dahil naramdaman ko ang true love sa katauhan ni Millete ngayon ay naniniwala na ako. Nang pabagsak na ang eroplano ay alam kong katapusan na ng buhay ko. Kung hindi ako madudurog pagasog niyon ay lalapain naman ako ng mga pating sa dagat o kaya naman ay mamamatay sa pagkalunod. Si Millete nalang ang iniisip ko. Pinagdarasal ko na sana ay mapagbigyan pa rin ako na makabalik sa kanya. A magic happened and a miracle took place, heto ako at nabuhay. Iyon nga lang ay hindi pa rin tapos ang pagsubok. Kailangan kong makaalis dito. I want to feel that magic na kay Millete ko lang naramdaman.

Tumango lang ako. Matipid din na ngiti ang iginanti ko sa kanya. Kitang-kita ko ang pagtataka sa mga mata niya. Araw-araw kong pinagkakait sa kanya ang kahit na kapirasong ngiti ngunit ngayon ay ipinagkaloob ko iyon kay Steph. I need to do this. I need her to trust me.

“Totoo ba ang nakita ko Brix?” halos hindi niya matuloy ang paghakbang palapit sa akin. “To-totoo bang you smiled back at me?” tanong niya.

TWO FOR THE PRICE OF ONE (DOUBLE THE PLEASURE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon