CHAPTER 43: BEFORE YOU GO
MILLETE (POV)
“Nay? Nay hindi po. Nay hindi ko po kayo iiwan. Ayoko pong malayo sa inyo.” Lumapit ako kay Nanay. Sabay sa bawat hakbang ang pagtulo ng aking mga luha.
“Aalagaan ka ni Brix anak. Gusto kong maging masaya ka sa kanya. Ayokong maging dahilan ng kalungkutan mo. Ayokong maging hadlang sa pagmamahalan niyo. Buong buhay mo ngayon mo lang naramdaman yan kaya hindi ko hahayaang ako lang ang makapigil sa kaligayahan mo.” Ibang Nanay ang kaharap ko ngayon. Mabilis ding pumatak ang luha sa kanyang mga mata na kalimitang nangyayari.
“Huwag niyo naman pong isiping hadlang kayo sa amin ni Brix. Kahit kailan po Nay hindi mangyayari yun. Nakapagdesisyon na po ako Nay. Hindi ako sasama sa kanya dahil aalagaan ko po kayo. Ayoko pong magdesisyon na sa huli ay pagsisisihan ko. Paano po kung mawala kayo.” Napatakip ako sa aking bibig. “Paano nalang po kapag nangyari yun. Kahit masakit isiping mangyayari yun kayo nalang po ang magulang namin ni Lily at natatakot po akong mangyari yun na malayo ako sa inyo.” Nasabi ko rin sa kanya ang kinatatakutan ko.
“Anak huwag mong isipin yan. Mawala man ako sa mundong ito na wala ka sa tabi ko ay magiging masaya pa rin ako. Alam ko kasing kasama mo ang lalaking mag-aalaga at magmamahal sayo kahit wala na ako. Sumama ka na kay Brix. Pipilitin kong patuloy na magpalakas at mabuhay pa ng matagal para sa inyong magkapatid. Iyon nga lang ay hindi naman natin alam kung kailan Niya tayo kukunin eh.” Pagmamatigas ni Nanay.
Lalo lang akong naiyak sa sinabi niya. Tila handa na talaga siyang mawala. Mas lalong ayokong umalis. Gusto kong kasama niya ako sa mga huling sandali ng buhay niya. Ayokong maging katulad ng nangyari kay Tatay na nawala siyang malayo sa amin dahil sa isang aksidente. Gusto kong makitang mawawala siya rito sa mundo na masaya at hawak ang mga kamay ko, naming magkapatid.
“Nay huwag na po nating pagtalunan to. Buo na po ang desisyon kong huwag sumama. Aalagaan ko po kayo. Don’t make this hard to me.” Hahawakan ko sana ang mga kamay niya ngunit iniwas niya ito. Natigalgal ako sa ginawa niya.
“Pupunta ka ngayon sa asawa mo at sasabihing sasama ka sa kanya.” Nagpunas siya ng luha. Muli kong nakita ang tapang sa kanyang mukha.
“Nay naman. Nay anak din naman kayo. Alam niyo rin siguro ang pakiramdam ng isang anak na ayaw malayo sa kanyang ina.” Saad ko habang patuloy sa paghikbi.
“Oo alam ko. Pero asawa rin ako at higit sa lahat ina rin ako. Mas marami akong papel na ginamapanan at ginagampanan kaya mas alam ko ang tama Millete. Pupunta ka sa asawa mo at sasabihin sa kanyang sasama ka sa Amerika.” Saka niya ako tinalikuran at pumasok sa kanyang kwarto.
Napaupo nalang ako habang patuloy sa pag-iyak. Naramdaman ko ang mga bisig ng kapatid kong si Lily na nakayapos sa akin.
“Tama na Ate. Tama na. Sorry Ate pero hindi ko alam kung ano ang tama sa sitwasyong ito. Alam mo namang support ako sa inyo ni Brix eh pero naiintindihan naman kita bilang anak din ako. Mabuti pa kausapin mo na rin ang asawa mo. Sabihin mo kanyang tulungan kang kumbinsehin si Nanay. Naiintindihan ka naman niya na hindi ka sasama hindi ba?”
BINABASA MO ANG
TWO FOR THE PRICE OF ONE (DOUBLE THE PLEASURE)
General FictionTHIS STORY IS WORTH ADDING ON YOUR READING LIST- seryoso :! I love him... I love him????? Na-love at first sight si Millette kay Brix. Hindi sinasadyang may nangyari sa kanila. Pinaglaban niya ito. Ikinasal ang dalawa. Pero si Brix may kakambal pala...