A/N Isang pang kasagutan ang masasagot sa chapter na ito! I-comment party mo na ang reaksyon mo sa revelation! Wink!
Social Media Spontaneous Lady -- Get to know me! Magkulitan tayo!
twitter: @lady_25me
facebook: https://www.facebook.com/jayson.aldama.5
booklat: http://www.booklat.com.ph/profile/14488
CHAPTER 52: ALIVE
MILLETE (POV)
Ilang araw na ang lumipas mula ng tapusin ko ang aking kahibangan. Mula ng tapusin ko ang sarili kong pantasya. Nandito kami ngayon sa pribadong museleo ng mga Pineda. Nagtutulos kami ng kandali sa isang puntod na wala namang laman. May lapida na ang nakaukit na pangalan ay sa aking asawa. Kung kaya ko lang galugarin ng mag-isa ang karagatan ay ginawa ko na. Kahit bangkay lang sana niya ay mabigyan naman namin ng maayos na libing. Hindi yung ganito. Nagluluksa kami sa isang puntod na wala naman sa loob ang bangkay ng taong pinagluluksaan namin. This was very embarrassing. It doubled the pain. Mas tagos. Mas makirot.
Napagdesisyunan ni Daddy na galing Amerika na magkaroon na ng pormal na death rights si Brix. Immediate family and some close friends nalang ang inimbitahan.
Malungkot ang atmosphere sa loob ng museleo. Majority ng lungkot na iyon ay si Daddy, Brian, Kareena at syempre ako ang may dala. Hindi ko alam kung paano o kung gaano kabigat para sa kanila ang pagdadala ng lungkot at sakit na iyon. Isa lang alam ko. Iyon ay ang sakit at lungkot na naandito sa puso ko. If my heart is made up of glass it is now broken into pieces. Sobrang sakit. Sobrang bigat. Sasabog ang puso ko anumang oras pero imposible namang mangyari iyon. Human heart is a muscle capable of bearing emotions. Iyong emosyon na iyon ang talagang sasabog. Sasabog sa kahit na anong paraan. Sasabog para malabas ang sakit. Sakit na hindi mawawala. Pansamantalang maiibsan pero alam kong babalik din sa anumang oras na makaramdam ako ng pangungulila.
Hinimas ko ang lapida kung saan nakasulat ang pangalan ng lalaking pinakamamahal ko. My tears automatically fell from my eyes.
“Liar.” Bulong ko. “Sinungaling ka. Akala ko pa naman makatarungan kang tao. Ang alam ko suplado ka lang pero hindi ko akalaing sinungaling ka pala. I thought I loved all of your imperfections. You didn’t warn me that you’re also a liar. Sana hindi ako naniwala sayong babalik ka pa. Sana hindi ako umasa. Higit sa lahat sana hindi kita pinayagang umalis.” I paused while continuously crying.
Binagtas ng aking mga kamay ang aking sinapupunan. Marahan ko iyong hinimas. Naroon ang bunga ng pagmamahalan namin ni Brix. Hindi na bunga ng isang hindi sinasadyang insidente. Hindi na bunga ng kalasingan. The baby in my womb is our child. Hindi ko na hahayaang mawala pa ang sanggol na ito tulad ng nangyari sa una naming anak. Ang masakit lang ay wala na si Brix para maging ama sa batang ito.
“Hindi ko pa alam kung magiging babae o lalaki ang anak natin. Gusto ko ay maging lalaki siya. I want him to be just like you. Gusto kong ma sumunod sa mga yapak mo. Gusto ko kapag nagka-girlfriend siya ay walang effort niya ring mapapakilig ang babae sa. There is no need for pretensions because being himself can make the woman fall for him every single moment that they are together. Kahit man lang sana itong anak natin magkaroon ng epic love story. Love story na hindi mawawala ang isa. Hindi maagang iiwan. Masasaktan pero hindi katulad ng sakit na nararamdaman ko ngayon.” Muli kong ibinalik ang aking mga palad sa lapida. Pinilit ko pang higpitan ang pagkakakapit ko pero nanghihina na ang mga kamay ko. Nanghihina na ako.
BINABASA MO ANG
TWO FOR THE PRICE OF ONE (DOUBLE THE PLEASURE)
Ficción GeneralTHIS STORY IS WORTH ADDING ON YOUR READING LIST- seryoso :! I love him... I love him????? Na-love at first sight si Millette kay Brix. Hindi sinasadyang may nangyari sa kanila. Pinaglaban niya ito. Ikinasal ang dalawa. Pero si Brix may kakambal pala...