CHAPTER 30: HEARTBREAKS

4.7K 82 7
                                    

CHAPTER 30: HEARTBREAKS

BRIX (POV)

Tama si Millete from the very start of this relationship ay tila namamalimos na siya sa pagmamahal ko. Ngunit hindi na niya kailangan pang gawin iyon dahil mahal ko na rin siya. We can work all things out and have a give and take relationship as husband and wife.

Ngunit bakit siya ngayon nilalamon ng malaking glass door ng second floor ng Brixian. Pinagmamasdan ko lang siya palayo. I’m helpless. Hindi ako makagalaw. May mga kasalanan ako pero ano ba’ng alam niya. Alam niya ba ang totoo? Yung totoo at walang kasinungalingan.

“Brix run. Habulin mo siya.” – Kareena.

Hindi man ako makagalaw sa kinatatayuan ay gumagana pa rin naman ang iba kong sistema. I can still hear, and see but I can’t hardly feel because of too much pain. Pain that any moment she will be gone in my life forever.

“Bro! Stop staring at her! Hindi niya alam ang totoo. Habulin mo siya.”

Niyugyog ako ni Brian. Nag-aalala siya.

“Ano pa ba ang dapat niyang malaman. Niloko ko siya.”  

Hindi ako sanay na ganito for the past ten years of my life. Sampung taon akong naging manhid mula ng mawala sa akin si Steph. Kung tutuusin mas pinili ko na nga si Millete kaysa kay Steph. Kung alam lang ni Millete ang mga sinakripisyo ko para sa kanya ay dapat hindi na siya umalis.

“I can’t hardly believe bro. You are so  weak. She must be the reason of this. It was a very great change that happened to you pero hindi ibig sabihin nun na magiging sobrang hina mo naman. Run for you life bro! Run for your love!”

Then everything changes. I suddenly went back to myself. Tama si Brian.

“What are you talking about Brian? You are lying to that Millete girl. He doesn’t love that girl dahil niloloko niyo lang siya.”

Napapalibutan nga pala nila ako. Hindi ko na pinansin pa ang sinabing iyon ng girlfriend ni Brian. I hurriedly run. Every step is for Millete and for my love for her.

…..

“Angeline you don’t know anything but still you ruined everything.”

Halata sa mukha ni Brian ang pagkadismaya. KItang-kita ni Kareena ang naiinis na mukha ni Brian na talagang sumisimpatya sa kakambal. Malakas ang kabog ng kanyang dibdib. Malungkot siya para sa best friend niyang si BRix pero hindi naman niya maiwasang matuon ang atensyon kay Brian na halatang apektado rin. Isa pa ay mahal niya pa rin ito. Sa loob niya ay gusto na nga niyang mag-away at maghiwalay ngayon sina Brian at Angeline at baka sakaling mapansin na siya nito.

“I ruined everything? Pasalamat ka inalagaan pa rin kita kahit…”

“Kahit ano? Kahit hindi mo ako mahal?! Kahit nagpapakatanga lang ako sayo?!”

Matagal na live drama show ang nasasaksihan ngayon ng mga empleyado. May importanteng appointment ngayon si Mr. P kaya wala siya sa BRixian ngunit kung nandito siya ay siguradong kanina pa natigil ang kaguluhan sa kanyang kumpanya.

TWO FOR THE PRICE OF ONE (DOUBLE THE PLEASURE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon