42. LOVE IS SACRIFICE

3.3K 75 13
                                    

CHAPTER 42: LOVE IS SACRIFICE

 

BRIX (POV)

Hindi ko lang siguro naipapakita pero ako na ang pinakamasayang lalaki sa buong mundo dahil sa wakas nagkaayos na kami ni Millete. Siya ang babaeng pinakamamahal ko. Ngayong ayos na ang lahat sa amin, wala akong ibang gagawin kundi iparamdam sa kanya na mahal na mahal ko siya. I’m not expressive hindi tulad noong teenage years ko noong kami pa ni Steph. Pero masaya ako ngayon dahil sa kaunting effort ay napapangiti ko na si Millete. Ako rin naman napapasaya niya without exerting to much effort. Kayakap ko lang siya magdamag at katitigin buong maghapon ayos na. Ganun kasi siguro talaga ang pagmamahal, knowing na nandyan yung mahal mo ay kuntento ka na, masaya ka na.

Iyon nga lang hindi kumpleto ang isang love story kung walang pagsubok. Sinubok na kaming minsan noong mawala ang anak naming heto na naman ang bago. It’s a dream for the Brixian to be known worldwide. The only person na pinagkakatiwalaan ni Dad to do the job properly ay ako. Pangarap ko rin naman ito para sa kumpanya. For more that two decades ay na-invade na rin naman ng clothing line ang Southeast Asia but now we are bringing it to US and other European countries. Ang kapalit, malalayo ako kay Millete. Life is really cruel.

Narito ako ngayon sa unit ng kakambal kong si Brix. Naiuwi na si Nanay sa bahay nila. Doon na muna raw tutuloy si Millete. Limang araw nalang at aalis na ako.

“Akala ko pa naman mas matalino ka sa akin Bro. Alam mo pwede pa kayong magkasama ni Millete sa US.” Suhestyon ni Brian habang nakaupo sa couch at walang tigil sa pagyugyog ang hita.

“So ano na naman ang matalino mong ideya?” I asked him curiously.

“Isama mo ang pamilya ni Millete sa US.” Sagot niya.

I massaged my forehead. “As if ganun kadaling kumuha ng tatlong visa at iba pang requirements sa loob ng limang araw. Kung yung kay Millete kaya ko pang ipalakad sa mga koneksyon natin. Yung tatlo hindi na kakayanin pa yun.”

“Why don’t you cancel yung pag-alis mo. Tapos ayusin mo na ang lahat. Mas makakabuti rin sa nanay ni Millete kung sa US siya magpapagamot. US is US lahat nandun na.” Muli niyang suhestyon.

“Nandun na rin ako sa pagpapagaling ni Nanay pero hindi nga ganun kadali yun.Hindi na makakapaghintay ang Brixian International at ang mga investors. Naka-set na ang lahat. Ako nalang ang hinihintay. Bakit kasi hindi ka tumulong dito sa family business natin eh.” Sagot ko sa kanya.

“Ayoko nga! I love photography and girls!” Natatawang tugon niya sa akin. Sobrang magkabaligtad talaga ang mga hilig namin nitong kakambal ko. Itsura lang ang pareho sa amin. Walang girlfriend ngayon yan kaya siguradong pambababae ang hobby niya ngayon. Napag-iwanan pa rin ang best friend kong si Reena na matagal ng may gusto sa kanya. “Ayokong magpaka-boss Bro!”

All of a sudden ay nakaisip ako ng ideya.

“May mahalaga kang gagawin para naman magkaroon ka ng silbi sa akin. Puro babae ang alam mo!”

“Ano naman yan?” kumunot ang noo niya.

“Para sa amin to ni Millete.”

 

MILLETE (POV)

Nakalabas na si Nanay ng ospital. Buo na ng desisyon kong hindi sumama kay Brix. Mahirap sa akin yun pero ayoko namang iwan si Nanay dito sa Pilipinas pero siya naman ang inaalala ko habang nasa Amerika kami. Hindi rin naman siguro hahayaan ni Brix na magtagal dun dahil mami-miss niya ako.

Pumasok si Lily kaya naman ako ngayon ang kasama ni Nanay sa bahay. Pumayag naman si Brix na dumito na muna ako para mabantayan ang Nanay. Ilang araw nalang at aalis na siya. Gusto ko sanang sulitin ang mga huling araw niya rito sa bansa na kami ang magkasama pero kalalabas palang ni Nanay sa ospital eh.

TWO FOR THE PRICE OF ONE (DOUBLE THE PLEASURE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon