49: OPINIONS

2.5K 68 12
                                    

A/N      Hello sa inyo TFTPOO lovers J wink! Hay sorry kung hindi ko kaagad na post ang new chapter na ito na sigurong ikakataas niyo ng kilay at dapat lang na ilabas ninyo ang inyong nararamdaman sa comment party! J Takas lang po ito sa office kaya ako nakapag-update, hehe. Sasagutin kop o ag comments sa chapter na ito at sa previous chapter kapag nakapagpaload na ako ng internet sa bahay. Thank you.

 

May FB friend na ba ako na galing sa TFTPOO readers?

 

Add me at accept ko po kayo J

Follow me din po sa twitter and booklat! Thank you!

 

 

CHAPTER 49: OPINIONS

 

MILLETE (POV)

Umalis sa pagkakayakap sa akin si Brian. Dala marahil ng pagkabigla sa pakiusap ko. Kahit na halos matakpan na ng luha ang aking mga mata ay malinaw pa rin ang pagkakakita ko sa reaksyon sa kanyang mukha. Pagkabigla. Pagtataka. Pagkaawa. Lahat ng yan ay halu-halong mababasa kanyang mukha. Nakakunot ang kanyang noo. Tumigil din ang pagpatak ng kanyang luha. Pinigilan marahil ng hiningi kong pabor sa kanya.

“B-brian please.” Pakiusap ko. He moved backward. I think na-realize niyang seryoso ako. I’m desperate na makasama pa si Brix. I’ll die kung isa pang araw ay hindi ko makakasama si Brix. Kahit ilang araw na siyang araw na hindi nakikita at ang iba ay patay na ang turing sa kanya ay nanatili pa rin ang aking pag-asa na buhay siya. It’s very difficult for me to accept na sa isang iglap ay wala na si Brix sa buhay ko. I really don’t know if I can accept it.

“Naririnig mo ba ang sarili mo Millete? Kahibangan yan. Tutulungan ka naman namin eh. Magtutulungan tayo rito. Iba-iba ang sakit na nararamdaman natin sa pagkamatay ng kapatid ko. Ako nasasaktan ako bilang kapatid niya. Si Daddy bilang ama. Ang mga kaibigan niya bilang kaibigan. At ikaw bilang asawa. But the point here Millete ay pare-pareho lang tayong nasasaktan kaya dapat tayo ay magtulungan.” He’s voice was serious. May serious part din pala itong si Brian. May kaonting Brix din pala sa kanya. Siguro ay dahil kambal nga sila. Mas lalo lang akong naging pursigidong ituloy ang gusto kong mangyari.

“Kahibangan ban a magmahal ng buong-buo? Kahibangan ba na mabigyan ng pagkakataon na makasama pa ang lalaking isinumpa kong mamahalin ko ng habang buhay? I understand the point pero ikaw na rin ang nagsabi na iba-iba tayo. Asawa niya ako. Sandaling panahon palang kami nagiging masaya. Sandaling panahon palang ang binigay sa amin para matuwid ang mga pagkakamali noon at humilom ang mga sugat ng nakaraan. Yung lalaking pinangarap ko ay kailan ko palang nararamdaman ang pagmamahal niya. Si nerd girl nakilala na ang knight in shining armor niya. Nagpaalam lang si prince charming na sandaling aalis. Pagkagising ni princess ay wala na si prince without her knowing na hindi na pala ito babalik.” Halos habulin ko na ang hininga ko habang nilalabas lahat ng sakit habang umiiyak pero hindi pa rin ako natapos.

“Brian sobrang sakit na malamang paggising mo wala na ang mahal mo. Pero yung malamang hindi na siya babalik ay para kang pinapatay. Yung pagkagising mo hihilingin mong sana ay hindi ka nalang nagising pa. My heart is aching na parang may dumidikdik dito.” Pagpapatuloy ko. Muling lumapit sa akin si Brian at ako’y niyakap.

TWO FOR THE PRICE OF ONE (DOUBLE THE PLEASURE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon