51. RANDOM EMOTIONS

2K 71 15
                                    

A/N     Na-miss niyo ba si Brix? Sama-sama tayong mag-pretend sa chapter na ito na nagbalik na siya. Alamin din ang katotohanan sa kahibangan ni MIllete. Sorry po dahil sa likod ng kilig moments sa chapter na ito ay isang matinding sakit ang mabubunyag at ating mararamdaman L Thank you pos a patuloy na suporta sa TFTPOO! Comment party and vote nap o kayo after. Please share it na rin po. Thank you! Mwah!

 

Social Media Spontaneous Lady -- Get to know me! Magkulitan tayo!

twitter: @lady_25me

facebook: https://www.facebook.com/jayson.aldama.5

booklat: http://www.booklat.com.ph/profile/14488

 

CHAPTER 51: RANDOM EMOTIONS

 

MILLETE (POV)

Pinatahan ako ni Brian as if he was Brix. Hindi naman siya nahirapang gawin iyon dahil ako mismo sa sarili ko ay napaniwala ko ng siya talaga si Brix. Magaling siyang umarte. Marahil dahil na rin sa naaawa siya sa akin. Higit pa sa pagpapanggap niya ay ginusto ko ito. Importante sa akin ang dalawang araw na ito. Two days of recovering all the regrets, the what ifs and the moments that we could have made if Brix was still here.

“Okay na ako. Tara na.” sabi ko sa kanya ng may ngiti sa aking mga labi. Totoo namang gumaan na ang aking pakiramdam. Isipin ko lang na si Brix talaga ang kasama ko ay gumagaan na ang pakiramdam ko. Sana ay hindi na matapos ang pantasyang ito. Sana naman.

“Are you sure?” paniniguro ni Brix. Oo ni Brix. Ayoko na munang isipin ni si Brian ang kasama ko. Ayokong isipin na pagpapanggap lang ang lahat ng ito. Sa ngayon ay bumalik si Brix. Mananatili siya sa loob ng dalawang araw. Muli kong mararamdaman ang pagmamahal niya sa loob ng panahong ito na ipinahiram sa amin.

“Yes Brix. Let’s go.” I respond with another sweet smile. May pagkabigla sa mga mata niya pero mabilis din iyong nawala. Sa tingin ko ay nakuha niya na rin ang gusto kong iparating. Si Brix ang kasama ko ngayon at hindi si Brian.

Hindi na siya kumibo pa. Seryoso siyang nagmaneho papunta sa pupuntahan namin. Wala na kaming tugtog sa pagkakataong ito. Nakakabingi ang katahimikan sa loob ng kotse. Kung saan-saan bumabaling ang paningin ko. Naroon na ang tumingin ako sa labas ng bintana. Kapag nakakuha naman ang pagkakataon ay sumisilay ako sa kanya. Ganyan talaga si Brix, masyadong seryoso kahit sa pagmamaneho.

“Pwede mo naman akong titigan. Wala namang nagbabawal sayo.” he uttered after all of a sudden. Nakatuon pa rin ang tingin niya sa daan at ang pansin niya sa pagmamaneho ng sabihin iyon.

Ramdam ko ang pamumula ng pisngi at mukha ko tulad ng nakagawian ko na. Nahalata niya pala. I felt shy about it. Nahihiya ako sa sarili kong asawa. Na-miss ko kasi siya talaga.

“What are you talking about?” pagde-deny ko sabay kagat sa aking lower lip habang nanatili akong nakatingin sa labas upang hindi niya makita ang reaksyon ko.

Very manly na tawa lang ang naisagot niya sa tugon ko sa kanya. Tanda iyon na nakuha niya ang reaksyon ko.

TWO FOR THE PRICE OF ONE (DOUBLE THE PLEASURE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon