61. Do It for Love

2K 53 15
                                    

CHAPTER 61: DO IT FOR LOVE

 

MILLETE’S (POV)

Lakas loob ko ng tinanong si Brian. Once and for all, I want to know the truth. I want to know it straight from his mouth.

“Wh-what?” nauutal nyang tugon. I know it’s quite awkward na ako pang babae ang nagtatanong ng ganitong bagay but I want to settle this. After ng mga na-absorb ko nitong mga nakaraang araw sa pagsisimula kong mag-move on, I think I know how to handle this.

“Sabi niya sa akin mahal mo raw ako?” muli ko iyong tinanong sa kanya. Pinagdaop ko ang aking mga palad. “I just want to confirm if it’s true Brian. I know na hindi naging maganda ang pakikitungo ko sayo the other day. Actually, naging ganon ako dahil nga sa mga kinikilos mo. I find you weird. Alam kong tinutulungan at inaalagaan mo lang naman ako dahil asawa ako ng kapatid mo. Magkaibigan na rin tayo kaya mo iyon ginagawa. May iba pa ba’ng dahilan why you become extra caring… sweet…”

I suddenly felt his hands on my shoulders. He was looking straight to my eyes. My heart was about to escape on my chest but I took a deep breath in front of him to prepare for the words that will slip out on his mouth.

“I think I love you Millete. Hindi iyon mahirap gawin. Hindi mahirap maramdaman.” And he said those words. Seconds passed, I have no reaction at all. Ang puso ko, nagawang tumibok ng banayad. Sa dami ng mga nagsilbing clue nitong mga nakaraang panahon na darating ang sandaling ito ay parang handang-handa na ako. But I will still admit, I felt something. Hindi ko iyon itatago kay Brian. Bigla akong yumakap sa kanya. I hugged him tightly and hugged me back. I felt the warmth of his body. Ngayon ko lang iyon  napansin dahil noong mga nakaraang panahon na nagdikit ang aming mga katawan ay masyadong abala ang puso ko sa pagiging malungkot.

Ako pa rin ang unang kumawala sa yakap na iyon. I gave him a sweet and honest smile. “Thank you. Thank you for loving me. Kahit na you think palang na you love me ay maraming salamat na Brian.”

Napangiti siya sa naging tugon ko sa pagtatapat niya. “Thank you talaga ah.” Napakamot pa siya sa ulo niya na parang batang nahihiya.

“Nakakatuwa lang. Nakakataba ng puso na kayong magkapatid, magkakambal pa ay parehong nagkagusto sa akin. Ayoko nalang mag-isip ng masama na after mamatay ng husband ko ay ang kapatid naman niya ang nagkagusto sa akin. Kamukha niya pa talaga.” Sinabi ko sa kanya ang appreciation ko sa ipinagtapat niya. Blangkong titig ang iginanti niya sa akin. Halatang nagtataka.

“Iyan talaga ang reaction mo? I don’t get your point Millete.” Nagsasalubong ang kanyang mga kilay.

Kinuha ko ang kanyang mga palad. Nabigla siya. Kanina ay mainit pa iyon ngayon ay nanlalamig na. “Alam mo isa ka sa dahilan kung bakit naging positibo na ako ngayon uli. I’m optimistic like never before. Thankful talaga ako sa nararamdaman mo sa akin. I find it nice to have you as a friend and knowing that you love me.”

Pinisil niya ang mga palad ko. “Kung gayon magagawa mo rin ba akong mahalin?” this time bumilis na talaga ang tibok ng puso ko. I know, iyon na ang kasunod na aalamin niya. I’m still human and I can’t control my emotion kahit na na-predict ko na ang mga mangyayari. Kahit na kinakabahan na ako ay dapat tama pa rin ang magawa ko. Isa na namang malalim na paghinga. Hindi ko iwinaksi ang ngiti sa aking mga labi. Hinigpitan ko rin ang pagkakahawak sa mga kamay nya.

TWO FOR THE PRICE OF ONE (DOUBLE THE PLEASURE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon