33. MOVING ON

4.6K 80 4
                                    

CHAPTER 33: MOVING ON

 

Tulad ng sinabi niya ay pinipilit na ni Millete na magpatuloy at makalimot ngunit sa tuwing naaalala niyang nawala ang kanyang anak ay hindi pa rin nito maiwasang maiyak. Bumabalik pa rin ang sakit.

MILLETE (POV)

Papunta sana ako sa Brixian upang iabot ang resignation letter ko pero hindi ko pa rin magawang pumunta roon. Matindi kong kalaban upang makapagpatuloy sa buhay ay ang mga ala-ala. Sa Brixian kami unang nagkakilala ni Brix ngunit sa Brixian ko rin nalaman ang lahat. Saksi ang Brixian kung paano ako nahulog sa kanya at kung paano rin mawala ang tiwala ko. Hindi ko pa kayang balikan ang lugar na iyon.

“Sure ka ba ate? Uuwi na ba tayo?” Kasama ko ngayon si Lily na nakasakay sa taxi. Sasamahan sana niya ako.

“Pumunta nalang siguro tayo sa mall.”

“Oh! Ngayon ka lang nag-ayang pumunta sa mall ate? Hindi ka ba nagkakamali?!” Pabiro pa rin ang tugon niya kahit alam kong pinipilit nalang niya iyon. Alam naman niya ang pinagdaraanan ko ngayon eh.

“Gusto mo bang huwag nalang.”

“Manong narinig mo di ba? Sa mall na ho tayo!”

Pagdating sa mall ay hindi ko naman alam ang gagawin doon. Maraming lilibutan, maraming pwedeng pagkabalahan upang makalimot pero hinko alam kung paano sisimulan.

“Ate kung napipilitan ka lang na pumunta rito, ipagpatuloy mo lang yan.” Pilit siyang ngumiti. “Pipilitin ko ring pasayahin ka ate sana magtagumpay ako.”

“Salamat Lily. Tara na saan tayo una?”

Hinawakan niya ang aking mga kamay. Alam kong gagawin niya ang lahat upang mapasaya ako. Ako naman pipilitin ko hanggang sa muli ko ng maramdaman kung paano maging masaya.

“Ate kahit minsan ay hindi ka pa nagshopping ng damit mo di ba? Kadalasan kami lang ni Nanay ang namimili ng damit mo. Gusto mo pa yang manang outfits.” Tinuro niya ang suot kong blouse na may blazer at ang suot kong palda na lampas tuhod. “So cheap Ate!”

“Sayo pa talaga nanggaling yan? Look at you.” Ako naman ang tumingin sa kabuuan niya. Naka-t-shirt siya na superman ang design, slim fit na pants, rubber shoes at higit sa lahat ay nakasuot siya ng cup. “Hindi ko naman kokwestyonin ang cup sa loob ng mall pero ang dalas ng pagsuot mo ng cup gawain bang babae yun?”

“Ate naman! Ganito man ako sa iyong paningin babae pa rin naman ako na naghahanap ng lalaki. Dito ako komportable eh at nakasanayan ko na ito dahil na rin sa mga tropa ko dun sa atin.”

Humalukipkip ako. “You know what I think one good start to move on is to try new things.”

She smirked. “Try new things ka dyan.”

“Gusto mo akong tulungan di ba? Gusto mo akong mag-enjoy?” She nodded while pouting. “Kung gayon sasamahan mo akong sumubok ng mga bagong bagay. Magpapakababae tayo ngayon. Bibili tayo ng sexy dresses at makikipaglaro tayo sa mga lalaki.”

TWO FOR THE PRICE OF ONE (DOUBLE THE PLEASURE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon