CHAPTER 46: MOST PAINFUL BATTLE
MILLETE (POV)
“Ano ho?” walang paggaralgal ang aking boses kahit na patuloy sa pagragasa ang aking luha.
Lumapit sa akin si Nanay. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa mga braso ko. Mabilis namang sumunod si Lily. Hindi ko sila tiningnan pero naririnig ko ang pag-iyak nila. Nakatuon lang ang mga mata ko sa malulungkot na mga mata ng ama ni Brix. Gusto kong bawiin niya ang sinabi.
“Bumagsak ang eroplano Millete.” Ngunit inulit lang niya ang sinabi kanina.
Nadudurog ako. Nanghihina. Nawawasak. Mahirap ipaliwanag pero binabalot ako ng labis na pagkabigla, lungkot at ng mga emosyong labis na nakakapagpabigat sa nararamdaman ko. I want to break down but I just can’t. They must be kidding me. It’s a great prank. I’m going to wait until they told me it’s a big joke. Part siguro ito ng surpresa ni Brix.
Tumawa akong bigla habang patuloy sa pag-iyak. Oo. Para akong baliw. Tumatawa habang umiiyak. Kitang-kita ko ang pagtulo ng luha sa mga mata ni Daddy. Si Nanay naman ay mas humigpit ang pagkakahawak sa aking mga braso. Lalo ring tumindi ang pag-iyak nila ng kapatid ko. Si Brian lang ang walang reaksyon sa kanila.
“Bakit kayo ganyan? Bakit kayo umiiyak? It’s a joke right? Come on! I got it! Tumigil na kayo sa pag-arte! Si Brix talaga tinuruan pa kayong umarte para sa surprise niya.” Yes. I’m pretending kahit na obvious na ang totoo. Paniniwalain ko lang ang sarili ko.
“Hija.” Hahawakan sana ako ni Daddy ngunit tumanggi ako.
HUmarap na ako kay Nanay. Niyakap ko siya ng mahigpit. I suddenly bursted in tears. Mas naramdaman ko pa ang sakit. Mas nadudurog ako. Mas nawawasak. Mas mabigat.
“Ano’ng nangyari?! Bakit?! Paano?! Babalik pa siya eh!” Bulalas ko habang yakap si Nanay. Nakapikit ako ngunit ang luha ko ayaw magpapigil sa paghanap ng espasyo upang lumabas sa aking mga mata.
“Binalita kanina sa TV. According sa latest statement ng airlines based sa news at tinawagan ko na rin ang may-ari mismo ng airlines, bumagsak daw sa Pacific ocean ang eroplano.” Unang bahagi ng paliwanag ni Dad. Nakikinig ako kahit na umiiyak ngunit lalo lang nadadagdagan ang sakit na parang wala na akong na-aabsorb. “I-imposible raw na may makaligtas pa. Sumabog ang eroplano bago bumagsak ng karagatan. Nagsimula ng hanapin ng search and rescue team ng Pilipinas at iba pang mga bansa ang eroplano.”
Paulit-ulit na pumasok sa isipan ko ang salitang imposible at sumabog. Mga negatibong salita. Mga salitang halos basagin na ang bungo sa aking ulo sa pag-iisip. Mga salitang halos putukin na ang mga ugat sa aking puso para mamatay na ako. Hindi ko magagawang tanggapin na sa isang iglap ng paghihiwalay ay mamamatay ang asawa ko. Hindi pwedeng mawala ang unang lalaking nagmahal sa akin. Hindi pwedeng mawala ang huling lalaking mamahalin ko. Hindi!
“Mga sinungaling kayo!” umalis akong bigla sa pagkakayakap kay Nanay. Lahat na ay nailahad sa kain pero hindi ganong kadaling tanggapin ang lahat. Hindi sa loob lang ng isang minuto. Hindi isang araw. Hindi isang linggo. Hindi isang buwan. Hindi isang taon. Hindi habang buhay. Kahit pa sumabog ang eroplanong iyon. Kailangang kahit isang bahagi ng katawan o gamit ni Brix ay kailangan kong makita upang maniwala akong patay na siya.
Tumakbo ako palayo. I don’t know where to go. Pwede bang mapunta ako roon sa Pacific ocean ngayon din? Ako mismo ang hahanap kay Brix. Wala akong pakialam sa mga nakakasalubong ko. Walang akong pakialam kahit na nasaan na ako nakarating. Masakit na ang mga paa ko pero wala pa rin akong pakialam. Nang makarating ako sa isang eskinita na walang tao ay saka ko muling inilabas ang nararamdaman kong sakit.
BINABASA MO ANG
TWO FOR THE PRICE OF ONE (DOUBLE THE PLEASURE)
General FictionTHIS STORY IS WORTH ADDING ON YOUR READING LIST- seryoso :! I love him... I love him????? Na-love at first sight si Millette kay Brix. Hindi sinasadyang may nangyari sa kanila. Pinaglaban niya ito. Ikinasal ang dalawa. Pero si Brix may kakambal pala...