CHAPTER 45: GOODBYE
BRIX (POV)
Maagang akong gumising para sa aking flight. Two in the morning ay handa na akong umalis. Handa na akong umalis kung ang pagbabatayan ay ang mga dadalhin ko. Kung ang puso ko naman ang magiging batayan ay hindi pa ako handa. Heto ang puso ko maiiwan kay Milette.
Pinagmamasdan ko siya habang mahimbing na natutulog.
“I will really miss you. Don’t worry hindi magtatagal yun.” I whispered. Then I kissed her on her cheeks. Napabiling siya sa kanyang pagkakahiga. Muli kong pinagmasdan ang mukha ng babaeng pinakamamahal ko. Titiisin ko ang konting panahong milya-milya ang layo namin sa isa’t-isa. Ganoon naman talaga, may mga panahong dapat kaming magkalayo. But that is never an excuse para tumigil ang pagmamahalan namin sa isa’t-isa. Huwag lang talagang masyadong matagal. Mahirap ma-miss ang babaeng ito eh. Baka araw-arawin ko ang pag-uwi mula Amerika pabalik ng Pilipinas.
Hindi ko na nagawa pang hintayin pa siyang magising. Maaga ang flight ko kaya kaagad akong pumunta sa airport. Habang nasa sasakyan ay si Millete pa rin ang iniisip ko. Mga ala-ala niya lang naman ang mababaon ko ngayon eh.
See you soon Millete. I love you.
MILLETE (POV)
Wala na si Brix pagkagising ko.
Dumiretso ako kaagad sa closet niya sa kwarto namin. Hindi ko alam pero umaasa pa akong hindi siya matutuloy na umalis. Pero syempre pa halos maubos na ang mga damit niya sa loob ng closet.
Napaupo nalang ako. Ilang oras palang kami na magkahiwalay ay miss na miss ko na sya. Hindi ko na napigilan ang pagkaiyakin ko. Dinaan ko nalang sa iyak ang nararamdaman kong pangungulila.
Nang mapagod na akong umiyak ay minabuti ko ng pumunta sa sala. Bawat sulok ng bahay ay puno ng ala-ala ni Brix. Saan man ako lumingon ay maraming masasayang memories naming dalawa. Ilang sandali pa ay napatingin ako sa pinto ng aming bahay. Parang nakita kong nakatayo roon si Brix.
Imposible. Naisip ko saka ko iniwas ang aking tingin sa gawing iyon ng pinto.
Sa iba na nakatuon ang aking paningin ngunit sa peripheral view ng aking mata ay tila nakatayo pa rin sa pinto si Brix. I must be out of my mind. Kinabahan ako. Muli kong nilingon ang pinto. Nandoon nga siya. Nakatayo. Smiling back at me.
“Brix?!” malakas kong tanong. I can’t hardly believe na nandito siya. Hindi ko na hinintay pang sumagot siya. Dali-dali akong tumakbo palapit sa kanya. Saka ko siya binigyan ng isang mahigpit na yakap. Na-miss ko siya kaagad kahit naman pala siya umalis.
“Na-miss mo ako kaya hindi ka umalis no?” tanong ko sa kanya habang patuloy na nakayakap.
“Hindi mo pa ba nare-realize na hindi ko si Brix? Magkaamoy ba kami?” sagot niya. Sagot niya? Ganoon ang sagot niya sa akin? Inamoy ko tuloy ng mabuti ang lalaking kayakap ko ngayon. Sumnghot-singhot ako. Mabango rin naman siya. Kaso lang hindi masyadong matapang ang pabango ng Brix na kayakap ko ngayon.
BINABASA MO ANG
TWO FOR THE PRICE OF ONE (DOUBLE THE PLEASURE)
Ficción GeneralTHIS STORY IS WORTH ADDING ON YOUR READING LIST- seryoso :! I love him... I love him????? Na-love at first sight si Millette kay Brix. Hindi sinasadyang may nangyari sa kanila. Pinaglaban niya ito. Ikinasal ang dalawa. Pero si Brix may kakambal pala...