CHAPTER 25: FAMILY BONDING

4.6K 72 5
                                    

CHAPTER 25: FAMILY BONDING

 

MILLETE (POV)

Pagmulat ko ng aking mga mata ay si Lily ang tumambad sa akin.

"Lily?"

"Wala ka ng ibang kapatid ate, ako lang."

"Nasaan ako?", tanong ko.

"Nananaginip ka ate", seryosong sagot nito.

"Ha? Huwag mong sabihing...", natigilan ako.

"Oo ate panaginip lang ang lahat ang kasal, ang Palawan, ang honeymoon. Ang bawat masasayang tagpo sa buhay mo ay panaginip lang kaya ngayong gising ka na ay panahon na upang harapin mo ang katotohanan", maiiyak na sana ako sa sinabi ng kapatid ko pero parang may mali.

"Paano mo nalaman ang lahat ng iyon eh panaginip ko yun di ba?, kunot noo kong tanong.

"Hindi ka na mabiro ate, Nakakainis naman kasi ang tanong mo. Nasaan ka? Malamang nasa bahay natin!", sabi na nga ba pinaglololoko ako ng kapatid kong ito.

"Pero paano ako napunta rito?"

"Minsan talaga hindi ko alam kung sino sa atin ang genius eh pero sa tingin ko ay ako talaga. Nakatulog ka raw kasi habang nasa copter kayo ni bayaw kaya ayun binuhat ka niya sa pagsakay nyo sa taxi at super sarap talaga ng tulog mo ate ah", paliwanag ni Lily.

"Alam ko siya ang tulog kanina eh."

"Nagtutulug-tulugan lang daw siya. Naririnig ka raw niya noong sinabi mong mahal mo siya at best honeymoon ever yun", namula ako sa sinabi ni Lily.

"Sinabi nya yun?", nahihiyang tanong ko.

"Yes ate! Maharot ka sa part na yun. Bakit the best ang honeymoon nyo te? Masaya ba talaga?", excited na tanong niya at talagang napaakbay pa sa akin ang kapatid ko.

"Pwede ba huwag malisyoso ang isip mo. Basta masaya", at saka ako napangiti. Napakasarap balikan ng mga sandaling magkasama kami ni Brix sa isla.

"Grabe wala naman akong sinabi! Ikaw ang malisyoso ang isip eh ate!"

TWO FOR THE PRICE OF ONE (DOUBLE THE PLEASURE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon