level one

481 15 11
                                    

——

  Trigger warnings!

This contains profanities, abusive behavior and sadistic thoughts. However, every part of this story is essential for its plot, so please be guided. 

——

     "What if love was a deception all along? What if we're just craving for something fictional?" 

      Bahagya akong natigil sa pagsusulat at napako ang tingin sa mga katagang nasa notebook. Oo nga ano, as in sa tagalog, paano kung kagaguhan lang naman talaga ang pagmamahal? Though, hindi ako ang pinakamagaling na translator sa mundo, pero parang ganoon na rin naman.

     Simula kasi nang ipinanganak ako sa Yawaka City, ang bayan ng mga huwad na santo. Puro ganoon naman halos ang nakikita ko. Paglabas na paglabas mo sa sinapupunan ay sasampalin ka na ng mundo kung magiging sino ka; kung anong magiging pangalan mo, kung anong dapat mong paniwalaan at kung ano ang dapat mong maramdaman sa mga taong nakapaligid sa 'yo.

     Para bang... nakasulat na sa mga libro ang lahat. May mga pangalan at terminolohiya na para sa mga bagay, bago mo pa man ito totoong maramdaman at maranasan. Para bang, sinasalampak na ng mundo sa mura mong isip kung ano ang dapat i-expect sa paligid. 

   So what if we're just being blinded by literature and norms of what we should feel towards certain persons in specific circumstances? What if love doesn't really exist at all? What if we're just longing for something fictional?

     "Can you tone down your music? Naka earphone ka na pero rinig ko pa rin 'yang mga rock songs na pinapatugtog mo." 

     "Zoeni, Nu-metal 'to, hindi rock." 

     Sinubukan kong hindi pansinin ang mga boses sa kabilang dako, ngunit nagtagumpay pa rin ito na ibalik ako sa reyalidad. Doon ko natagpuan ang sariling halos humandusay na sa sahig, suot pa rin ang kulay pink na denim jacket sa kabila ng init ng panahon. Pinalilibutan ako ng mga libro tungkol sa pag-ibig at lahat ng nga drafts ko para sa assignment na ito. Akala mo talaga walang tinakasang responsibilidad, eh.


       Napabuntong hininga ako't sinubukang mag concentrate ulit, ngunit ilang saglit palang ang nakakalipas ay mukhang sinusubukan ata talaga ni Satanas ang pasensya ko. 

      "Whatever, just lower it down. Your gruesome music taste is giving me a headache." 

    "Hoy bago ka manlait ng music taste, siguraduhin mong tama nag genre na sinasabi mo!"

    Takte, saan ba kasi sa parte ng "Silence please." Ang hindi nila maintindihan sa library? Naka paskil na nga sa may pintuan at sa kung saan saang sulok pero nag-iingay pa rin.

    Napa irap nalang ako at padabog na bumaling sa sariling notebook. Agad kong pinunit ang pahina kung saan nakasulat ang draft ng poem. Naisip ko kasi, bakit nga ba ako nag-effort at nagse-seryoso sa assignment na 'to? 

    Writer ako, hindi poet. Dapat nga nagpo-pocus na ako sa on going patayan story ko pero heto ako, parang tangang nagpapakahirap na gumawa ng tula kahit hindi naman ako nakaka relate sa tema nito.

my name is not loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon