level sixteen

59 6 0
                                    

      Dumating ang byernes, apat na araw matapos ang insidente, ngunit usap usapan pa rin ang mga nangyayaring mga pagtatapon ng mga bangkay sa school. Unti unti na rin na rin nilang natatagpi na baka nga ay konektado ang mga ito doon sa nangyaring pagpaslang kay Doña Celeste noon.

      At heto ako ngayon at napagiwanan nanaman nila Cheena at hindi na isinabay sa recess. Kinompronta pa nila ako kagabi sa groupchat dahil madalas daw ang pagsama ko kila Daz, talagang nakipag hang out pa daw ako sa bahay nila Markian kahapon at kung ano ano pa. Ngunit hindi ko na lamang 'yon ininda at nagpatuloy sa pagsusulat sa sailor moon kong notebook.

      Hindi ko nalang din pinansin sina Rui at Chenzo (hindi mamin ka klase pero lumalagi na ng tambay da section dahil barkada sila ni Rui) na kapwa abala sa susuotin sa nalalapit naming aquintance party o si maski si Daz na kasalukuyang hawak ang cellphone ko upang makisearch dahil may load ako.

      Mangongopya din naman kasi si Rui sakanya at mangongopya ako kay Rui kaya ayos lang. At ayon na nga at nagpatuloy lang ako sa ginagawa, ngunit nang bahagyang mawalan ng ideya ay muli kong nginatngat ang ulo ng kuneho kong ballpen at napatitig nalang talaga sa magulong pahina.

     Listahan ng mga namatay/papatayin
1. Dona Celeste - eliminated
2. Typo - skipped
3. Bogart - eliminated
4. Lia - eliminated
5. Demise - skipped
6. Reki - eliminated
7. Chin - pending
8. Astro - pending
9. Kalix - pending
10. Kira - pending

•••

      Mahina kong nailapat ang mukha sa desk sabay buntong hininga. Hindi ko nalang din kasi talaga alam kung may nasasgot ba ako sa lahat ng misteryo sa krimen na 'to o mas nadadagdagan lang ng nadadagdagan ang mga katanungan. Pakiramdam ko mas nagiging komplekado lang ang lahat kasi maliban sa kayang talaga mag shape shift ng nilalang na 'yon at gumagamit pa talaga siya ng voice changer, parang napaka layo ko parin para makilala kung sino talaga siya sa likod ng maskara.

      Kung ano ang dahilan kung bakit niya ginagawa lahat ng 'to at kung bakit kailangan niyang idamay ang listahan at gayahin ang fictional character ko. Kasi sa lakas at talento na mayroon siya, kayang kaya naman ata niyang gumawa ng krimen na hindi ako ginagamit!

     "Aaaggrrh!" Hindi ko mapigilang mapa daing at guluhin ang sariling buhok. Lalo na nang maalala na kung hindi talaga niya mukha 'yong pamilyar na wangis na pinakita niya doon sa masyon, na kamukha ng batang babae na bigla ko nalang naalala noong nag aaway kami ni Demise, edi sino siya?

     Bahagyang nanliit ang mga mata ko nang biglang maalala ang pag uusap namin ng nilalang na 'yon noong mga sandaling siya ang nakadagan sa 'kin.

     "P-pero patay ka na?"

     "Patay na nga ba? Eh ba't palagi mo akong kasama?"

     Sa isang iglap ay parang gusto kong iuntog ang sariling ulo sa desk kasi hindi ko alam kung sino ang tinutukoy niya! 'Yong mukha ba na gamit niya o ang tunay niyang katauhan na baka konektado sa 'kin. Sa huli ay napa buga nalang talaga ako nang dahil dahil kompermadong napaka walang kwenta pala ng pagpunta ko sa warehouse na 'yon. Nadagdan lang talaga ang mga tanong na maglalagi sa isipan ko nito! Saka hindi ko nga alam kung bakit ako nagpapaka detective e ang gusto ko nalang naman sa buhay ngayon ay ang maging hotdog!

     Waaaaaaasfjjf!

      "Tapos hindi parin sinasagot ni Typo ang tawag ko," pagmamaktol ko pa at hindi na napigilang mapapadyak. Kasi sa dami dami ba namang bagay na bumabagabag sa isipan ko lately, ano ba naman 'yong kaunting pahinga hindi ba? Ilang taon din kaming walang komonikasyon sa isa't isa at talagang natatawagan ko lang siya sa cellphone ni Ivan, kasi nga bantay sarado ni Don Alejandro ang mga ganap sa cellphone ko at lagot ako kapag nilabag ko siya.

my name is not loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon