"At bakit ngayon lang kayo?" salubong sa 'min ni Markian habang nakasuot ng pulang bandana sa noo.
Malumanay naman akong ngumiti at nagdahilan na lang para magpatuloy na kami sa ginagawa. Kumaway pa sa 'kin si Rui habang may hawak ng camera kaya naman ay tinugunan ko nalang din ito at nagpanggap na normal lang ang lahat.
Na para bang isa lang akong tipikal na senior high school student na ine-enjoy ang bawat sandali ng buhay niya. Kami ni Daz ang naging script writer kaya malaya kaming tumambay sa gilid kung saan mayroong swing, habang ang iba naming groupmates ay abala sa pagsasabuhay ng isinulat namin.
Parang mga timang na ngliliwaliw ang mga ito sa napaka laking espasyo sa backdoor. Kung tutuusin ang gara ng buong lugar maliban na lang talaga sa katotohanang nagmumukha itong haunted house dahil sa kulay grey na pintura. May nadaanan na pa nga kami kanina na dalawang estatwa ni Medusa malapit sa luma nilang fountain.
Dahilan para bahagya pang magsitayuan ang balahibo ko sa katawan dahil pakiramdam ko ay sinusundan ako nito ng tingin. Kahit nasa likod ay mahahagip pa rin ang mga ito. Ngunit imbis na magpaapekto ay sinubukan ko nalang na balewalain ito't nagpatuloy nang itinuon ang pansin sa nilalang na nasa harap ko.
"Rui, kuhanan mo na sila! Kung saan saan mo nalang fini-focus 'yang camera e! Kapag talaga 'yan puno ng mukha mo, tsk," panenermon ni Markian, dahilan upang agad nang ibinalik ni Rui ang atensyon sa iba naming kagrupo at nagsimula na silang mag-shoot.
Pero kung tutuusin, kahit hindi pinagalitan ni Mark si Rui ay hindi ko naman inaalis sakanya ang paningin ko simula pa kanina. Maliban kasi sa bumabagay sakanya ang pagkaka-pony tail sa mahaba niyang buhok at ang ang ganda nga ata talaga niyang pagmasdan sa malayo. Isa pa, siya nga rin kasi ang ikatlo sa mga posible kong suspect kaya babantayan ko talaga lahat ng kilos niya.
Kasabay noon ay ang paunti-unti kong pagkausap dito kay Daz at pagkuha ng mga impormasyong kailangan. Pwera nalang talaga nang biglang iluwa nang backdoor ang pagmumukha ng Orion na 'yon kasama ang iilan pang mga lalake na mukhang kaklase niya.
"Naks naman Markian, feel na feel pagiging master ah?" natatawang saad noong lalakeng halos hanggang balikat lang no'ng Orion at ng iba ba. At ganoon nalang talaga ang panliliit ng mga mata ko habang pinapakinggan ang usapan nilang lahat. Na kesyo welcome na welcome din daw silang makishooting dito sa masiyon ng Montoya at kung gusto nila ay si Markian nalang din daw ang maging direktor ng video presentation nila.
Akala mo naman talaga sakanya 'yong bahay. Pff.
Bahagya akong natawa at nagpatuloy nalang sa pakikipag usap kay Daz habang ini-enjoy ang pagsu-swing. Pasimpleng inililigid ang mata sa paligid para hanapin ang kahit na isang miyembro ng pamilya na may ari ng bahay, na kanina ko pa hindi namamataan.
Magaling naman ako sa pagmu-multi task at pagpapanggap kaya hindi na ako masyadong nahirapan. Nakakaasar lang na dalawa at isang tulay na ang kailangan kong bantayan ngayon ng sabay sabay, pero sa tingin ko hindi kaya pa naman. Hindi naman...
Agad nanlaki ang mga mata ko nang kakabantay ko sa bawat galaw ni Rui kasabay ng pakikipag usap kay Daz, ay biglang nawala si Orion sa kinatatayuan niya kanina!
Pambihira!
"Is that Jason Voorhees?"
Sa isang iglap ay agad akong napahiwalay sa swing na kinauupuan at agad na sinapak ang nilalang na nasa likuran. Kasabay ng pagtama ng kamao ko sa pisngi niya ang ang katahimikang bumalot sa buong lugar. Animo'y natigil ang oras habang ang lahat ng mga mata ay nakatitig na sa direksyon namin ni Orion.
Anak ng... Sana naman nagmukha 'yong aksidente!
Mabilis kong nilakihan ang sariling mga mata at suminghap ng may buong pag-aalala.
BINABASA MO ANG
my name is not love
Mystery / Thriller"Love doesn't exist, literature does." For the aspiring author Nathalie, what's worse than being a primary suspect is the fact that she literally made the murder ideas and designed the fictional serial killer herself, only for someone to plagiarized...