Hindi ko alam kung nang-aasar lang ba si Satanas, pero simula nang makita ko 'yong mamaw na naka puting hoodie sa kuta, aba hindi na talaga niya ako tinigilan!
Ang mapayapa kong pag-eensayo para sa tournament ay naging kalbaryo dahil sa mga tawa at panlalait niya. Kaya heto ngayon, habang nasa kalagitnaan siya ng panghuhusga sa mga ginagawa kong exercises, marahas kong itinuon sa direksyon niya ang suntok imbis na sa punching bag na katabi.
Gusto ko sanang magdiwang ngunit ganoon nalang ang panlalaki ng mata ko nang mabilis niya itong masalag at sa isang iglap, iginapos niya ako!
Sinubukan kong magpumiglas ngunit masyadong mahigpit ang hawak niya. Ni hindi ko nga alam kung paano niya nagawang itali ang mga kamay ko ng ganoon kabilis! Para bang eksperto siya sa larangang ito!
Kulang na lang ay may lumabas na usok mula sa mga ilong ko nang tapunan ko ito ng masamang tingin. "Bitawan mo ako!" sigaw ko pa at nagpatuloy pa sa pagpupumiglas.
Hayop naman, nahahawakan niya 'yong mga sugat ko sa braso!
"Can you atleast listen to me? Don't let your emotions overrule your actions, okay?" aniya at walang ano-ano'y itinapon ako sa nagkapatong patong na mga karton sa gilid.
Sa sobrang bilis ng pangyayari ay hindi ako nakapalag at nawalan pa ng balanse! Nadaganan pa tuloy ako ng mga 'yon, mabuti nalang at wala itong mga laman!
"Ano ba, kalagan mo nga ako! Magpa-practice pa ako sabi!" giit ko ngunit napahawak lang siya sa sentido niya. "Why the hell are you so stubborn?"
"Why the hell do you care?" pasigaw ko ring sagot at gusto na nga talaga siyang kagatin, ngunit agad ding natigilan nang maupo siya't ini-lebel ang sarili sa 'kin.
M-masyado siyang malapit!
"Bakit mo ba ginagawa 'to? Pinaparusahan mo ba ang sarili mo?"
Bahagya akong natawa dahil doon at napairap. "Hindi. Nagsusumikap ako ng ganito, para makalaya kami sa parusang iginawad sa 'min ng bayang 'to." Gusto ko sanang sabihin ngunit agad nalang akong napa iwas ng tingin.
"W-wala lang 'to, naglalabas lang ako ng sama ng loob." Agad kong nilagyan ng isang pekeng ngiti ang mga labi. "Saka gusto ko lang matuto ng self defense," dagdag ko pa at painosente itong tinignan.
Mukhang tama nga si Archie. Magaling nga ata talaga akong um-acting.
Pero kasi, hindi ko naman pwedeng sabihin sa lalakeng 'to na may plano akong makipagpatayan sa isang tournament at magkapera. Baka mamaya mabulilyaso pa lahat ng plano ko, mahirap na.
Saka sino ba naman kasing magtitiwala sa estrangherong naka face mask, shades at puting hoodie na may design ni Ice Bear? Mas mukha pa siyang may masamang balak kaysa sa 'kin e!
Napatango lang ito dahil sa naging sagot ko at mabuti naman at napagdesisyunan na niya akong kalagan. "Well, if that's the case. I can help you."
Pakag akong natawa at binawi ang sarili sakanya. "Ay nako, huwag na Ice Bear. Hindi ko kailangan ng tulong mo." Umiling ako't bahagyang dumistansya.
Huwag mo akong paausahin sa isang bagay na paulit-ulit din namang winwasak ng mundo sa mismong harapan ko.
Aktong tatalikuran ko na ito, ngunit agad ding natigilan nang sa pagkakataong ito ay siya naman ang natawa. To think of it, parang pamilyar ang boses niya, lalo't hindi na siya ganoon ka paos. Napalingon naman ako dahil doon at pinanliitan ito ng mga mata. "Ano sa tingin mo ang nakakatawa?"
BINABASA MO ANG
my name is not love
Mystery / Thriller"Love doesn't exist, literature does." For the aspiring author Nathalie, what's worse than being a primary suspect is the fact that she literally made the murder ideas and designed the fictional serial killer herself, only for someone to plagiarized...