level fifteen

92 6 0
                                    

   "Anong misyon?" kunot noong tanong ko ngunit nagpatuloy lang siya sa pagmamaneho sa kahabaan ng daan.

     "Just wait and see." Inayos niya ang frame ng suot na salamin at habang pinagmamasdan ito ay doon ko natanto ang isang bagay.

    "Kulay itim na ulit ang buhok mo!" wala sa sarili kong saad at inosenteng napaturo sa ulo niya.

    Kaya pala medyo iba na ang vibe niya ngayon at napagkamalan ko pa siyang ibang tao! Teka, masyado na ba akong nasanay sa puti niyang buhok nitong nakaraan?

    Bahgaya siyang natawa at kinabig ang manibela upang maka liko. "And you're just now figuring that out?"

    Napakurap kurap ako at mas lalo pinagmasdan ang mukha niya mula sa gawi ko. Kung tutuusin, bakit nga ba siya nagpakulay dati? Well, don't get me wrong, pero nasabi ko kasi sakanya dati noong estudyante niya pa ako na baka bumagay sa kulay asul niyang contact lense ang puting buhok since kutis nyebe din naman siya.

    Kaso agad niya lang na iniwagli ang ideya kong iyon niya ata sa 'kin at sinabing hindi daw siya interesado sa mga gano'ng bagay dahil kahit naman daw color white ang symbolism ng pride niya bilang tao, ayaw daw niyang maging kakulay ang buhok ng tatay niya o maski maging kamukha ito.

    Although noong panahon na iyon ay hindi ko pa alam kung sino ang tinutukoy niyang tatay kaya tumango nalang din ako at nanahimik. Saka wala naman akong pakilam, nagkataon lang na biglang bumalik sa isipan ko kaya medyo na curious lang. Dahilan upang hindi mapigilan ng bibig ko ang mag tanong.

    Bahagya lang siyang natawa dahil doon. "Because someone dared me to, and I owe him a favor so I did."

     Napaangat ang isa kong kilay dahil sa narinig. "At kailan ka pa tumatanaw ng utang na loob sa isang tao?"

     "Just when I met this certain person and it won't happen ever again. Anyway, paano mo nga pala nalaman na mayroon akong contact kay Typo?"

     Woah, ang galing makapalit ng topic ah.

    Bahagya akong napa iling at itinoon nalang ang pansin sa labas ng bintana.

    "Anong ibig mong sabihin?" pamaang kong sambit kahit alam ko namang wala 'yong epekto sakanya.

    "Nong hinatak mo ako papunta sa hindi gamit na cr.  You just blantly asked me to contact his nurse. You didn't even ask if I did have his number or anything first."

    Napatungo ako at sinabing kahit naman maitim ang budhi niya, kahit papaano alam kong may pakialam pa rin siya kay Typo. Ang reaksyon ng mga mata ni Ivan nang sumbatan siya ni Typo na kesyo marunong na ba daw itong manatili at hindi tinatalikuran ang mga tao sa paligid niya at kung ano ba daw kaya ang mararamdaman ng lahat ng taong sinukuan ni Ivan noon kapag nalaman nila iyon.

     Lalo na noong makita ko siya sa labas ng sementeryo noong libing ni Doña Celeste na parang balisa. Although hindi pa rin ako 100% sure na walang kinalaman si Ivan sa Manslaghterer wanna be, dahil narin sa mga naganap doon sa mansyon, pero kung ganoon nga ay ano pa nga bang magiging ibang dahilan ni Ivan para magpunta sa sementeryo noong araw na 'yon?

    Galit si Typo sakanya at alam niya 'yon. Kahit sinusubukan ni Typo na umaktong kaswal at ipamukha kay Ivan na hindi na niya ito kailangan at hindi na siya affected dito, alam kong alam ni Ivan na pinepeke lang 'yon ni Typo. Simula rin nang makita ko ang totoong kalagayan ni Typo bago siya inilipad sa France, natanto kong baka umpisa pa lang nang umalis si Ivan sa mga Dazarencio ay alam na niya ang mangyayari sa kapatid niya kapag iniwan niya ito.

    Doon ko lang din napagtanto na hindi 'yon ang unang beses na may napapansin akong naka puting nilalang na parang sumusunod sa amin sa kung saan saan simula bata pa lang kami. Kasi kahit naman siguro naglayas si Ivan at iniwan niya si Typo, palagi pa rin naman niya itong binabantayan kahit sa malayo.  Katulad nga doon sa sementeryo.

my name is not loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon