"Anak, ba't hindi mo pa ginagalaw ang pagkain mo?"
Nabalik ako sa reyalidad dahil sa naging tanong ni Nanay. As usual ay ikinubli ko nalang sa pamamagitan ng paglalambing ang lahat. Kesyo marami lang kuno akong iniisip, pero huwag na siyang mag alala. Hindi na nga rin alintana kahit pa kami na ngayon ang kasabay ni Don Alejandro sa hapagkainan.
Wala naman siyang choice, patay na si Doña Celeste, ipinatapon ni sa France si Typo at tanging si Nanay na lang ang natitira niyang asawa. Idagdag mo pang matagal na pala siyang nilaysan no'ng panganay niya, kaya heto't mukhang wala rin akong choice kundi ang maging anak anakan sakanya.
Gusto na nga niya akong tuluyang i-adopt at i-convert bilang isang Dazarencio, pero syempre tumanggi ako at sinabing mas gugustuhin ko paring maging servant. Bahala sila d'yan. Mahal ko ang apelyido na mayroon ako at hindi ko 'yon ipagpapalit sa kahit na ano.
Matapos kumain ay tumulong parin ako sa paghuhugas ng plato at pag aayos ng kusina. Katulad pa rin ng dati ay naglilinis ako, ngunit hindi na pinapasuot ng unipormeng pang katulong. Sa katunayan, hindi na kami sa servant's quarter ngayon natutulog.
Mabuti nalang talaga at nahuli ni Don Alejandro na sinasabunutan ni Kuya Bogart si Nanay. Kaya ayon at sinesante na. Although namasukan lang din siya bilang school staff ng Somber High, at nagkakasalubong kami paminsan minsan, pero atleast naman hanggang doon na lang siya. Hindi na niya maaapi si Nanay.
Dahil din sa pangyayaring 'yon ay napag desisyunan ng Don na magsama nalang sila ni Nanay sa iisang kwarto. habang malaya namang pinagagamit sa 'kin ang dating kwarto ni Typo. At yon na nga, dahil sa sobrang bigat ng pakiramdam ay agad na akong dumiretso doon matapos makapagtrabaho.
Ibinagsak ko ang sarili sa kama niya at binaon ang mukha sa paborito niyang unan. Pakiramdam ko nga andito pa rin ang amoy niya. Maliban kasi sa mga kakaunti kong gamit ay wala naman talaga akong binago sa kwartong 'to. Sakanya pa rin naman 'to at hindi nakatutuwang wala akong paraan para malaman ang kalagayan niya sa France.
Maayos pa ba siya o kung buhay pa ba kaya? Kasi pardita, kung si Manslaughterer wanna be nga ang naglagay ng note sa locker ko, at sinusunod niya ang sequence ng mga nasa Death List na gawa ko, edi si Typo talaga dapat ang isusunod niya kay Doña Celeste.
Kaya hindi ko mapigilang isipin na baka ang daliri na nagpuan ko kanina ay kay Typo. Baka pinaslang doon Mental Institution na pinagdalhan sa kanya sa ibang bansa at nakakainis lang dahil wala ako doon para protektahan siya!
Although hindi naman 'to mukhang daliri ni Typo. I mean, palagi kaming magkasama, madalas niya rin akong niyayakap at hinahawakan sa kamay. Hindi nga niya ako halos binibitawan kaya kabisado ko na rin halos lahat ng parte ng katawan niya.
Saka ayon na nga, pakiramdam ko hindi talaga ito sakanya. Pero kahit na ganoon, hindi ko parin maiwasang mabahala. Kaya kinabukasan ay natagpuan ko nalang talaga ang sarili sa baba ng HUMSS building namin, bitbit sa kukote ang planong maaaring makahuli sa Manslaughterer wanna be, at pasimpleng inaabangan 'yong nilalang na may puting buhok na itago natin sa pangalang Ice Bear.
Nang sawakas ay mamataan siya ay agad ko nang isinuot ang hood ng jacket ni Typo at tinakpan ang bibig ni Ivan. Hindi naman siya pumalag at hinayaan lang ang sarili na matangay papunta doon sa out of order pa na boy's restroom.
Sinigurado kong walang makakakita ng ginawa ko at marahas na isinara ang pinto ng CR pagkapasok kami sa loob. Pagkatapos no'n ay mabilis kong tinanggal ang face mask na suot pati na ang hood sa ulo.
"Tawagan mo ang nurse ni Typo," walang paligoy ligoy kong saad habang pinanatili pa rin ang distansya dito.
Kung pwede ko nga lang sanang kornernin 'to ng magkabila kong braso ay ginawa ko na. Kaso madali lang niya 'yong matatakasan at babaliktarin niya lang ang pusisyon namin kaya huwag na. Hindi ako ganoon ka tanga.
BINABASA MO ANG
my name is not love
Mystery / Thriller"Love doesn't exist, literature does." For the aspiring author Nathalie, what's worse than being a primary suspect is the fact that she literally made the murder ideas and designed the fictional serial killer herself, only for someone to plagiarized...