Third Person's POV
"Orion, calm down," marahang saad ni Cat at nagpalinga linga sa paligid.
"H-how can I…"
"As I said earlier, the flames won't be the cause of death but a person with grunge. So as of this moment, there's a possibility that they are still alive. Hope, did you manage to call the cops?"
Mabilis na tumango si Hope sa kabila ng pagaalala sa mga mata nito. "Good. Right now we need to retreat and go to a safer place. Let the police and firefighters do their jobs."
Tumalikod na si Catastrophe sa nagaapoy na bahay sa kabila ng ulan. Ibinigay niya kay Chenzo ang wala pa ring malay na si Rui at siya ang pinagakay dito, saka niya binalingan ang babaeng may kaparehong mata na taglay ni Orion. Patay.
"You, the last braincell."
Kumurap kurap si Daz at napaturo sa sarili niya. "Eh?"
"Yes you. I'll drive the van and you sit on the front seat. Tell me everything you've witness and learn from all of this mess. Let us investigate this crap on our own way too."
Walang lingon likod na isinenyas ni Cat ang kanyang mga kamay at punamunuan na sila. "The rest, follow me."
Sa mga oras na iyon ay parang mga basang sisiw na nagsunuran ang mga ito sa inahin nila. Dala na rin siguro ng pagod at ng bigat ng sitwasyon, maski sila Orion ay Markian ay tahimik lang na sumampa sa van. Ni hindi na sila pumalag, nagwala o nagtatakbo pabalik.
Pinanghawakan nalang talaga nila ang sinabi ni Cat at sana nga ay tama siya.
Nath's POV
Nagising akong naka higa sa malamig na sahig. Mariin pa ako napapapikit pikit dahil sa sakit ng mga kasukasuan pati narin dahil sa sobrang liwanag ng paligid. Gusto kong itanong sa sarili kung patay na ba ako at nasa langit na, pero ang gaga ko naman kapag ganoon. Sa dami dami ng mga kabulastugan ko sa buhay, paniguradong ipanggagatong ako sa impyerno kung sakaling katapusan ko na.
But nevermind. It's not like I was afraid though, they can save my seat in hell for all I care because I might come with a throne anyway. Pagak akong natawa dahil sa sariling isipin at nang unti-ynti nang nakakapag-adjust ang mga mata ko sa paligid, agad akong natigilan.
Puro puti ang lahat. Ang sahig, ang kisame, ang dingding. Pati na rin ang suot kong… hospital gown?
Marahas akong napaupo at nagpalinga linga sa paligid. "Anak ng—Nasa mental ba ako?" bulalas ko at kasabay ng pagsubok na maging alerto ay ang pagbalik din ng mga alaala ko sa mga pangyayari.
Abandonadong mansyon. Kagubatan. Sunog. Manslaughterer wannabes. Si Ivan.
"Hala oo nga pala si Ivan!" Sa pagkakataong iyon ay tuluyan na akong napatayo. Agad akong sumugod sa direksyon ng nagmimistulang pinto ng blankong kwarto na ito. Sinubukan kong kumatok at pwersahang buksan ang bakal pinto kahit alam ko namang kagaguhan lang iyon.
Pero wala na akong pakialam. Ang mahalaga ay mahanap ko si Ivan at maisugod siya sa pinakamalapit na ospital. Dahil kung hindi… baka …
"Oh my gosh! You're finally awake!"
Ang malalalim kong paghinga ay pansamantalang naurong nang marining ang pamilyar na boses na iyon. Napatingala ako at doon nagtama ang mga mata namin ng bruhang may pakana ng lahat lahat.
Nakasuot ito ng itim na tracksuit habang naka lugay naman ang hanggang baywang niyang buhok na hindi naman pantay ang pagkakagupit. Nasa labas ito at nakasilip lang sa maliit na glass panel ng bakal at puting pintuan. Natatakpan pala ito kanina kaya hindi ko napansin, mukha ngang wala naman talaga iyong glass at nagsisilbing maliit na bintana lang, pero wala pa rin naman iyong kwenta dahil hindi ko parin naman maaabot ang lock sa labas.
BINABASA MO ANG
my name is not love
Mystery / Thriller"Love doesn't exist, literature does." For the aspiring author Nathalie, what's worse than being a primary suspect is the fact that she literally made the murder ideas and designed the fictional serial killer herself, only for someone to plagiarized...