level thirteen

87 5 0
                                    

   "Chenzo! Huy!"

    "Bakit?"

    "May napansin akong kakaiba sa video niyo nila Orion kanina." 

    "Bakit anong meron?"

    "Nag-eedit na kasi ako para sa presentation, kaso napansin ko sa video, isang estatwa nalang ni Medusa ang naka tayo doon sa fountain." 

"Diba dalawa 'yon kanina?"

    Agad kong nilukot ang papel at ibinalik sa bag ko, lalo na nang magsi pasukan sa kwarto namin ang boys it iginigiit na kesyo akala daw ni Mark no'ng una ay nawala lang bigla, kaso habang nagvi-video daw si Rui ay nahagip talaga ng camera na lumingon sa direksyon namin 'yong estatwa bago ito dahan dahang mawala sa frame. Tapos pagbalik daw kuno ng focus sa fountain ay isang estatwa nalang ang naiwan. 

    Sa gitna ng napakalakas na ulan at malamig na hangin mula sa malaking bintana, sama sama naming pinanood ang nasabing footage at ganoon na mga ang nangyari. Lahat ng tinuran ni Markian ay totoo. Biglang nawala 'yong estatwa ni Medusa at— 

    "Aaaahh!"

    Halos magkagulo ang lahat nang biglang namatay ang ilaw. Kasabay kasi noon ay ang pag kidlat sa labas at ang pagkahagip ko sa isang anino na para bang mayroong maliit na tenga na nagmumukhang sungay. Katulad ng sorong maskara na idinesenyo ko para sa fictional character ko noong si Manslaughterer. 

    Tanging ang ilaw nalang mula sa screen ng cellphone ni Markian ang nagsilbi naming liwanag kaya walang ano ano'y nakisali nalang din ako sa sigawan nila para sana maagaw 'yong phone at mahagilap lalo ang pinagmumulan ng anino. 

    Ang kaso lang ay biglang sumigaw si Chenzo na may malamig daw na kamay ang humawak sakanya, dahilan upang mas magkagulo ang mga mokong at tuluyan nang mailayo sa 'kin ang cellphone. Inagaw na kasi 'yon ni Daz at sinubukang pakalmahin ang sitwasyon. 

    Ngunit nang i-on niya ang flashlight ay muli lang nagsigawan sila Markian kaya maging ako ay nakisabay nalang para kahit papaano ay magmukhang hindi kahina hinala habang palihim na hinawakan ang gunting sa bulsa. 

     Dahil sa sigaw ay agad ding napalingon si Daz sa likuran niya, pero nang makitang wala namang kung ano doon ay agad uli niya kaming binalingan. 

    Ganoon nalang ang pagkamot sa batok ni Markian at natawa ng pilit.

    "Pasensya na Daz, nadala lang ng emosyon. Akala ko kasi black lady ka na may hawak na flashlight." 

    Kung normal na overnight lang 'to ng magbabarkada ay baka natawa pa ako sa mga kalokohan ni Markian, kaso may mamatay ngayong gabi at andito na rin mismo sa lugar na 'to ang magiging salarin! 

     Inilibot ko ang paningin ngunit andito naman sina Rui at ang iba ko pang pinaghihinalaan kaya malamang ay ibang tao 'yong may ari ng anino kanina. Kung may iba pa silang kasabwat o ano, wala na akong pakialam basta kailangan ko paring iligtas si Demise at hulihin ang Manslaughterer wanna be. 

    Buti nalang talaga at inagaw na ni Ivan ang cellphone mula kay Daz at siya na ang namuno sa 'min. Bahagya niya pang inayos ang natabinging salamin at seryoso kaming binalingan. 

    "Walang engkanto okay, this might be a misunderstanding," pagpapa kalma nito sa amin. Inutusan niya agad kaming kuhanin ang kanya kanyang mga cellphone para dumami daw kuno ang ilaw na agad din naman naming ginawa.

     Lalo't kailangan kong mahanap si Demise sa lalong madaling panahon, pero at the same time ay kailangan ko paring magmukhang normal. Pansin kong nawala wala na 'yong anino nang naka maskara kaya nagmadali akong nagtungo sa may bag ko para i on ang flashlight ng sariling cellphone. 

my name is not loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon