level twenty one

45 4 0
                                    

    "Guys this is not a simple murder. All of these were forms of punishment. I mean, an old version of punishment for sinners and criminals a long time ago," seryosong saad ni Daz natapos naming madiskubre ang mga drawing.

     "This must be connected to the public execution craps that's on the newspaper from Nath's phone," dagdag niya pa dahilan upang muli kong maramdaman ang tingin ng mga kasama.

     "May public execution na naganap noon dito sa Yawaka?" bulalas ni Chenzo at maski ang iba ay nagulat din. Muli kong pinagmasdan ang mga drawing na mukhang dugo pa ata ang ginamit na pinta.

     "Maski ako hindi ko rin nga alam ang bagay na 'yon. Parang katulad ng ibang karahasan sa bayang ito ay binaon 'din sa lupa ng Nobe Families ang tungkol doon," pagsisimula ko at bahagyang napatingin sa direksyon ni Ivan.

    Gusto ko sanang magsabi ng, "No offense," dahil isa nga pala siyang Dazarencio, pero mas pinili ko nalang na panatilihin ang pagtitig sa mga mata niya.

    "Nalaman ko lang ang tungkol sa public execution dahil sa mga dyaro doon sa kuta na inembestigahan namin ni Ivan noong nakaraan. Para bang ipinapaalam talaga ng salarin kung ano ang pinagmumulan nila. Na para bang pinapaalam niya na ang dahilan kung bakit siya humantong sa lahat ng ito."

     "Are you saying the culprit was also just a victim of this shitty city? That he's just doing a massacre for vengeance?" seryosong tanong ni Markian at humakbang palapit sa 'kin.

     Bahagya akong natigilan dahil sa tanong niyang iyon, ngunit bago pa man makabuo ng mga salita para sa sagot ay naunahan na ako ni Ivan. "But if it's a public execution then the one who is being executed were criminals. No matter how horrendous their punishments before, criminals aren't innocent either. They are not victims."

     Muli ay seryoso akong pinukol ng tingin ni Ivan bago dumagdag. "It's not because you can understand where they came from, doesn't mean that you should tolerate them."

    "Iyan ay kung mga totoong kriminal talaga ang nadadali ng mga brutal na parusang 'yon."

    Halos lahat kami ay napalingon kay Rui dahil sa naging turan nito. Hindi alintana na kakaunting flashlight lang ang gamit naming ilaw upang makita ang sinseridad sa mga mata niya.

    "What do you mean?" ani Dennis at mas lalong sumiksik kay Markian.

    "I know it's cliché but what if the history is just repeating itself? If Nathalie was innocent but is being judged and percecuted, then how are we sure that everyone that has been slain by the brutal punishment before were really guilty?" Bahagya itong natawa at napasulyap kay Daz.

    "Knowing how biased and crooked the justice system here in Yawaka, what if those Misfits were killed not because they are criminals but because Noble Families wanted to shut them up," nakangisi nitong pahayag na para namang katuwatuwa ang salitang pumabas sa bibig niya.

    "No offense, Ivan Dazarencio," dagdag niya pa ngunit inismiran lang ito ni Ice Bear.

    "Chrisostomo ang apilyedo ko."

    "Okay, chill. But seriously, we need to investigate further and also equip ourselves with weapons that can protect us. Because if this house is a place where those people dwell, then how are we going to make sure that they won't come back here?" Napatigil si Rui at isa isa kaming tinapunan ng seryosong tingin.

    "And how are we going to make sure that those people aren't here to begin with? What if they're just hiding in the dark and waiting for the perfect moment to prey us?"

    Kapwa kami nagpalinga linga sa paligid dahil doon, sa huli ay napagdesisyunan ni Ivan na sundin ang sinabi ni Rui. Na imbestigahan ang buong bahay, i-lock ang pwedeng pasukan ng kung sino at maghanap ng mga armas na maaaring magamit laban sa mga Manslaughterer wanna be na iyon.

my name is not loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon