level four

178 8 0
                                    

    Simula bata pa ako ay hindi ko na alam kung anong pagkakaiba naming mahihirap na nasa Meager Class, doon sa mga kriminal at masasamang loob na tinatawag na Misfit. Pareho lang naman kasing pang gagago ang natatanggap namin mula sa mga Noble Family.

    Pareho kaming tinanggalan ng maraming karapatan. Pareho kaming nalulublob sa putikan at hindi maka-ahon ahon. Sa Bloodshed Tournament nga na sasalihan, ganoon din. Para kaming mga manok na isasabong at ang mga Aristokrata ang may ari sa amin. Ang parokyano ay mga taga kabilang bayan na kapwa rin mayayaman at may kapangyarihan. 

    Nakakagago lang diba. Kasi oo, mahirap kami, pero hindi naman kami lumalabag sa batas, katulad ng karamihan sa nababansagang Misfit. Mahirap kami, pero hindi kami masamang tao. 'Yon nga ang laging isinasaksak sa ku-kote ni Tatay sa 'kin. 

    Sabi nga ni Nanay ay ganoon din ang paniniwala ni Kuya Rio noon. Na karangyaan lang sa buhay ang wala kami, pero hindi ang puso. Na kahit anong mangyari ay huwag kong kakalitaang piliin kung ano ang tama. Gusto ko na nga lang matawa, dahil nang lumaki ako ay unti-unti kong napagtanto ang isang bagay. Kung bakit pareho lang ang trato ng mga Noble Families sa 'ming nasa Meager Class at sa mga Misfits. 

    Kasi sa pagiging masama rin naman ang bagsak ng iilan sa 'ming mahihirap. Hindi ko nila-lahat pero mayroong mga taong mas gugustuhin nalang na kumapit sa patalim, at handang manggamit ng ibang tao para makaraos sa buhay. 

    Katulad ko. 

    "Matagal ka pa ba d'yan? Mag-uumpisa na tayo sa training." 

    Nabalik ako sa reyalidad dahil sa boses ni Ice Bear. Agad na akong nag hilamos at buong ngiting sinalubong ito sa labas ng CR, hinahanda ang sarili sa panibagong set ng pagsasanay. 

    Ngunit hindi katulad noon na sa labas lang ako, ngayon ay pinapasok na niya ako sa loob ng lumang City Library. Doon ko lang din nalamang siya talaga ang Library Assistant sa lugar na 'to, kahit pa wala naman talagang nagpupunta dito in the first place. 

    Saka ang hayop lang, kaya ko nga pinili ang likod na bahagi nito bilang kuta, kasi akala ko talaga inabandona na ito. Pero mukhang pursigido siya at ang iba pang staff na buhayin ulit ang lugar na 'to. At oo, may mga kasamahan siya sa loob, at matagal na nila akong pinagmamasdan mula doon sa labas! Aaasrggrr!

••• 

    Matapos ang klase nang sumunod na araw, nagmadali na akong nagtungo sa lumang City Library para sa pagsasanay. Binati ko ang librarian na si Kuya Zeth (kapatid ni Ivan) pagkapasok. At habang nag-aantay sa pagdating ni Ice Bear ay inaliw ko nalang muna ang sarili sa pakikipag-usap dito at maya maya pa'y nagliwaliw na nang tuluyan sa mga nagtataasang bookshelves. 

    Ganito naman kasi talaga palagi. Mauuna akong dumating at eksaktong makakahanap na ako ng librong pwedeng mabasa ay iniluluwa na agad  pinto si Ivan, suot ang puti niyang Ice Bear na hoodie. Sa huli ay ibabalik ko nalang din ang libro sa kinalalagyan noon at nagtatakbo na palapit kay Ivan. 

    Nagmumukha man kaming may lihim na relasyon dahil sa mga kakaunting senaryong ito, hinayaan ko nalang. Patay kasi talaga ako kay Typo kapag nahuli niya ako. Isa pa, ang mahalaga naman ay magkakaroon ako ng mas konkretong hakbang tungo sa mga plano ko sa buhay. 

    Napabuga nalang ako ng hangin at sumabay sa paglalakad niya. Aktong magsasalita na nga sana ako pantanggal lang ng katahimikan sa pagitan namin, ngunit naudlot lang din ito nang may marinig na isang boses mula sa likuran. 

    "Omg ka kuya Zoen! So totoo pala talaga ang sinabi ni Zero?" Halos magitla ako nang sugurin si Ice Bear ng isang babae. 

    Sa isang iglap ay lumapit ako para sana umawat ngunit agad ding natigilan at napatitig sa mala anghel niyang mukha. Bumagay sa maputi niyang kutis ang mahaba at kulay grey nitong buhok. Para siyang naglalakad na ulap. Ang cute. 

my name is not loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon