level twenty nine

38 5 0
                                    

Nath's POV 

    Ang akala ko ay tatahimik na ang buhay ko at tapos na ang lahat. Pero nang magpakamatay si Hecate sa kulungan, pati ang katotohanang pinaghahanap pa rin sina Helga at Harley, pakiramdam ko bumalik lang ulit ako sa umpisa. Pakiramdam ko talo pa rin ako, lalo na't ilang araw lang ay may tumulak sa 'kin sa hagdan kaya napadausdos ako't nawalan ng malay.

    Nasugod pa ako ng wala sa oras sa ospital dahil lang sa sinabuyan ako ng ketchup ng salarin. Kaya ayon at inakala ng lahat, lalo na ni Orion na patay na ako. 

   At oo, alam kong ang tanga ko naman para mahulog sa trick na 'yon, pero nangyari na e. Ang nakakaperwisyo lang ay dahil sira daw ang mga cctv sa malapit sa pinagyarihan ng insidente. Kaya heto ako ngayon at halos hindi tantnan ni Markian para lang mabantayan ako. Nakwento niya na pa sa 'kin lahat ng panghihimutok niya kay Ivan dahil sa mga bagay na hindi nito sinabi. Akala niya raw magkaibigan sila so bakit si Orion kilalang kilala kako ng mga tatay ni Ivan pero sila ni Dennis ay hindi. 

   Na kesyo ganito at kesyo ganyan. Ang dami niyang kinuda at sapat na ang lahat ng iyon para hambalusin ko siya ng hard bounded na dictionary na nahablot ko sa arm chair. Although maganda bagay naman ang pagdaldal niya sa nangyari sakanila sa Crisostomo Residence, pero ang ingay niya pa rin kasi talaga. 

   "Aray ko naman, Nathalie! Pati ba naman ikaw? Sasaktan mo rin ako?" Napayakap si Markian sa sarili ngunit sa pagkakataong iyon ay pinanliitan ko siya ng mga mata.

    "Ako pa ang nanakit? Hindi ba ikaw 'yong hindi naniwala sa 'kin noong nasa kakahuyan tayo ng Mephistopheles Town? Halos ipagtabuyan mo pa ako kahit umuulan! Bakit, hindi ba ako kasali sa mga betlog mo?" pabiro kong saad at sinadya pang idagdag 'yong infamous line ng drummer ng FDIHI. 

   Nakwento rin kasi sa'kin ni Archie na habang tumatakbo daw sina Mark papunta sakanila ay bigla nalang sumigaw si Rath habang turo ito. Siya at 'yong mga betlog niya daw, tukoy sa mga kaibigang kasama ni Markian. Tawang tawa akong pinaghahampas siya ngunit napanguso lang ito at yumuko. 

       "Hoy, anong problema mo?" kunot noong tanong ko at sinipat sipat ito. Mas lalo lang siyang ngumuso at kulang nalang ay mag uwu fingers pa na akala mo namang kina-cute niya ang pinaggagawa niya. 

     "Gago, napano ka?" Gusto kong humagalpak sa katatawa, ang kaso lang ay napakaseryoso kasi ng loko. Mukhang maiiyak na nga siya maya maya kaya hindi ko rin maiwasang mag alala. 

   "M-matagal ko na 'tong gustong sabihin, kaso hindi ako makahanap ng tyempo. Ano…s- sorry pinagdudahan kita." 

    Napapatnig ang tenga ko dahil sa narinig at tinapunan ito ng tingin. Sa pagkakataong iyon ay sinsero na niya itong hinarap at bumuntonghininga pa bago nagpatuloy. 

     

    "Hindi ako magdadahilan, hindi ako nagtiwala sa'yo at pinasisisihan ko ang bagay na 'yon. Sorry. Babawi ako." Muli itong yumuko pero agad ko na itong tinapik sa balikat. 

    "Ano ba ayos lang, naiintindhan ko naman. Kasama mo si Dennis pati si Daz at ayaw mo lang namang mapahamak sila kaya ka mas naging protective." 

   "Siyempre mas mahalaga parin ang mga kababata mo, sino ba naman ako—" 

    "Sorry na, babawi nga sabi ako!" bulalas nito at parang bata na kumapit sa manggas ko para magpayakap. Natatawa ko naman itong tinugunan at kalaunan ay inalo na rin. 

    Grabe, hindi ako makapaniwalang ang mukhang sangganong lalakeng 'to ay iyakin pala at napaka expensive.

   Pero kung tutuusin hindi rin biro ang naging sitwasyon niya nang ibilin ni Ivan ang kaligtasan ng lahat sakanya. Takot din siya, gusto niya rin sigurong umiyak at mag panic, pero kung hindi siya magpapakatatag, guguho silang lahat na naiwan. Kaya kinaya niya. 

my name is not loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon