level nine

89 4 0
                                    

***

three years later

***

Dear Young Master,

Kamusta na ho kayo? Pinapakain ba kayo ng maayos diyan? Inaalagaan po ba kayo ng mabuti? Sana naman oo, dahil malalagyan ko ho ata talaga ng butiki ang kape ni Don Alejandro kapag nalaman kong hindi ka nata-trato ng maayos. Hindi po ako nagbibiro.

Saka alam niyo ho bang lumayas si Kurt sa bahay nila at lumipat na sa Funereal High? Si Rob naman po, hindi naman siya naglayas o ano, pero sa Funeral na rin ho siya nag-aaral ngayon. Kapwa po sila kumuha ng strand na STEM at 'yon na po ang huli kong balita sa kanila. Masyado po kasing nagkakagulo sa Dazarencio Clan ngayon at ang dami ng nadadamay.

Tungkol naman po sa pagpatay kay Doña Celeste, hanggang ngayon po hindi pa rin natutunton ng mga pulis 'ang babaeng nagpanggap na bodyguard, pero hayaan niyo po Young Master, hindi naman ako tumigil sa pag-iimbestiga. Alam kong hindi ko dapat sinasabi ito sa inyo pero kayo po dapat ang susunod na mamamatay kung ang Manslaughter wanna be nga ang may gawa. Kaso buhay pa naman po kayo 'di ba?

Wala na rin naman pong ibang namatay these past few years. Kaya hindi na rin talaga ako sigurado kung talagang bi-nase ng killer sa istorya ko ang pagpaslang niya o kakabasa ko lang talaga ito ng mga patayan na istorya. Pero Young Master, kung hindi si Manslaughterer wanna be, e bakit nagkatotoo din 'yong kwintas 'di ba? Hay ewan ko nalang talaga, pero malalaman ko rin ang lahat, pangako.

Kailangan ko lang talagang mahanap 'yong nilalang na naka itim na leather jacket dahil isa siya sa mga lead ko. Masyadong maingat si Ivan kasi at oo nga pala ayaw niyong binabanggit ko ang isang 'yon. At oo nga din pala at sinabi niyo sa huli niyong sulat na hindi ka interesado sa mga kaganapan sa pamilya mo at magkwento lang kako ako ng mga magandang nangyari sa buhay ko.

Kaso wala pa rin naman po masyadong magandang nangyari sa buhay ko ngayong Senior High na ako. Nagkahiwalay nga kami ng mga kaibigan kong sina Hope at Archie dahil pareho silang nag ABM at alam naman nating lahat na hindi ako pwede doon. Kaya heto't naging kaklase ko pa si Rui. Hayop na 'yan.

Ni hindi ko nga alam kung bakit siya napadpad sa HUMSS e' wala naman siyang humanity at mas lalong mukhang wala naman siyang pakialam sa sanlibutan. Pagtatawanan niya lang lahat at hindi ko nga rin alam kung bakit ko siya sinasali sa sulat na 'to, at mas lalong hindi ko alam kung bakit nagsusulat pa rin ako para sa 'yo kahit wala namang isa sa mga 'to ang makakarating sa kung nasaan ka man.

**

Napabuga ako ng hangin at tinitigan ang huling katagang isinulat. Hindi ko maiwasang manlumo dahil halos tatlong taon na rin pala simula nang pinaalis si Typo. Pinagbawalan pa itong gumamit ng kahit na anong gadgets kaya ang tanging paraan lang upang magkaroon kami ng koneksyon sa kanya ay sa pamamagitan ng family nurse na nagbabantay dito, at sa mga sulat ni Typo na ipinapadala niya sa Local Post Office nila na siyang nakararating sa 'min.

Pero ang lahat ng mga sulat na 'yon ay naka direkta lang sa akin, kaya taos puso ko ring tinutugunan hanggang sa nakakakaya ko. Hanggang sa malaman iyon ni Don Alejandro at pinakita sa 'kin ang video footage kung saan nakaratay ang baldado kong tatay, at ang mga aparatos sa tabi nito na napaka dali niya lang mabubunot kapag sinuway ko si Don Alejandro.

Kaya ayon at ang pagpapalitan namin noon ng mensahe ni Typo ay unti-unti nang natigil. Noong una ay nagpapatuloy pa rin siya sa pagpapadala ng sulat kahit hindi na ako tumutugon. Nakakadurog ng puso kasi alam kong sa mga sulat na 'yon nalang kumukuha si Typo ng lakas ng loob para lumaban tapos ipagkakait pa ni Don Alejandro sakanya.

my name is not loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon