"Young Master andito ka lang pala!" agad kong bulalas nang matagpuan siyang mag-isang naka upo sa bench.Kamuntikan ko pa itong mayakap dahil sa pagkaka halo-halo ng emosyon, ngunit mabuti naman at napigilan ko ang sarili kahit pa halos ilang sentimentro nalang ang layo namin sa isa't isa.
Habol ang hiningang umupo ko sa kanyang tabi at akmang magsalita na sana, ngunit ganoon nalang ang pag-awang ng labi nang mapagtantong nakatitig pa rin ito sa kulay abong kalangitan.
Ni hindi nga niya pinansin ang prisensya ko at sa isang iglap ay muling bumigat ang pakiramdam. Lalo pa at oo nga pala't kahapon lang inilibing ang nanay niya.
Kaya ayon, imbes na mag-ingay pa ay dahan dahan nalang din akong sumandal sa bench at binantayan siya. Hindi na nga rin ako pumasok sa mga sumunod ko pang mga klase at bumuntot nalang ng bumontot sakanya kahit pa hindi naman niya ako madalas kausapin.
Ganoon din ang ginawa ko kinabukasan, maging sa mga sumunod pang mga araw. Maliban kasi sa gusto ko siyang damayan, ayoko rin itong tantanan lalo pa't baka siya na nga ang susunod na magiging biktima ng Manslaughter wanna be killer. At kailangan kong mahuli ang nilalang na 'yon sa lalong madaling panahon.
"Kurt, feeling ko ang creepy ni Nathalie ngayon."
"Ngayon mo lang napansin? Matagal na siyang parang takas sa horror movie, Rob."
"I mean, tignan mo oh, siya na 'tong habol ng habol kay Typo samantalang tinatakbuhan niya nga yan dati."
"Character development?"
"Nope. Sa tingin ko may plano nanaman siya sa pinsan natin. Alam mo rin naman iyong si Typo, napaka uto-uto."
Napasinghal ako dahil sa narinig at gusto na sanang sugurin iyong dalawang ugok, ngunit nang mapagtantong hindi ko nga pala dapat inilalagay ang sarili ko sa mga unecesarry na sitwasyon. Mas pinili ko nalang na ayusin ang frame ng suot na salamin at idaan sa buntong hininga ang lahat. Ang kaso lang ay mali ako, madami pa pala akong mariring.
"Wow, ang judgemental mo naman Robbie. Para nagpapaka 'boyfriend' lang siya kay Typo e."
"Exactly! Kaya nga nakakabahala. Because her role is to be a submissive pet girlfriend and not a fierce overprotective boyfriend! Kita mo pati sa labas ng boys restroom naka bantay siya kay Typo! Partida palagi pang nagdadala ng gunting, what in the name of fuck!"
Bahagyang nanlaki ang mga mata ko at agad na napatingin sa hawak na sa pastel pink na gunting. Like seriously, anong kinakatakot ni Rob sa sandata ko eh, hello kity themed na nga!
Aktong dudumugin ko na talaga sila loob kahit bigla silang natahimik, ngunit agad din natigilan nang iluwa na nang pintuan si Typo palabas. As usual, matamlay pa rin.
"Young Master!" bati ko nalang dito at binalewala na 'yong banas ko sa dalawa.
Ngunit isang matamlay na tango lang ang itinugon niya dito at dire-diretso na sa paghakbang, kaya kahit pinagtitnginan ako ng ibang mga miyembro ng Dazarencio Clan ay taas noo lang akong sumunod sakanya patungo sa meeting area.
Andito kasi kami ngayon sa first mansion ng mga Dazarencio kung saan ginaganap ang meeting ng mga head ng bawat pamilya (sina Don Alejandro, at ang mga kapatid/pinsan niyang lalake) pati na ng mga taga pagmana o Young Masters na sila Typo at mga pinsan niya.
Masyadong naalarma ang mga ito dahil sa pagkamatay ni Doña Celeste kaya napagdesisyunan nilang magdaos ng pagtitipon. At athough hindi okay si Typo ay isinama niya parin ako kaya heto ako't susundan siya ng susundan kahit saan siya magpunta. Malay mo naman may makuha ang lead tungko-
BINABASA MO ANG
my name is not love
Mystery / Thriller"Love doesn't exist, literature does." For the aspiring author Nathalie, what's worse than being a primary suspect is the fact that she literally made the murder ideas and designed the fictional serial killer herself, only for someone to plagiarized...