"What brings you here?"
Kung hindi pa nagsalita si Don Alejandro ay baka tuluyan na kaming nalunod sa nakabibinging katahimikan dito sa apat na sulok ng kwarto na kinalalagyan. Kasalukuyang nakatayo sina Orion at Ivan sa harapan ng Don.
Habang nakayuko naman akong sumiksik sa likod ni Mister Chuya dahil sa tensyon na kanina pa namumuo sa pagitan nila. Ilang sandali pa ay pasimpleng inialis ng tatay ni Ivan ang salamin sa mga mata at itinuon ang tingin sa lalakeng katabi ng anak.
Agad akong napalunok ng laway.
"You even bought your partner in crime. Are you guys getting married or something?" sarkastiko nitong saad ngunit ni isa sa amin ay walang natawa.
Mabuti nalang talaga at humakbang palapit si Ivan at sinalubong ang tingin ng ama.
"Well, you see, my parter is a valuable visitor. Why not show him the hospitality of the Dazarencio Clan?" taas noong sagot ni Ivan.
Kapwa naman kami napa singhap noi Mister Chuya dahil doon. Dahan dahan akong napatingin sa magiging reaksyon ni Don Alejandro at ganoon na nga ang pag igting ng panga nito.
Habang si Orion naman ay payapa lang na nakatinding sa likuran ni Ivan ay talagang kinawayan pa ako ng mokong! Ngiti ngiti pa siya dyan, adik ba siya?
Pinandilatan ko ito ng mga mata ngunit agad ding nabalik sa pwesto nang mapatikhim si Don Alejandro.
"Very well then. Nathalie, kindly tour our lovely guest around. Enjoy your visit, Mister Orion Asteranza."
Agad nanlaki ang mga mata ko at nagpalipat lipat ng tingin sakanila. Anak naman talaga ng hotdog na walang sauce.
•••
In-announce na ni Don Alejandro si Orion bilang opisyal na bisita ng mansyon kaya pagka labas ng namin sa opisina ay wala nang mga nagliliparang patalim, bala o kahit mga pisikal na pag atake ang sumalubong sakanya.
Napalitan nga ito ng mga naka hilerang bodyguard doon sa grand hall. Lahat ito ay naka yuko na sakanya at halos di na nagalaw sa mga kinalalagyan. Ang mokong naman ay halos yumuko din ng paulit ulit para batiin sila isa isa!
Kaya bago pa mangalay ang mga 'yon ay hinila ko na si Orion patawid sa mga ito upang maka balik na din sila sa pagtayo ng tuwid, pati na rin sa mga pwesto nila pagkatapos. At ayon na nga, dahil mukhang mahilig siya sa damuhan ay napagdesisyunan kong dalhin siya doon, ngunit bago pa man makarating ay dinaldal na ako nito.
"Ilang taon ka nang nagta-trabaho sa mga Dazarencio?"
Seryoso ko itong hinarap. "Simula noong kinder ako at nabaldado si tatay."
Bumuntonghininga ito saka tumango. Nang maka labas sa floor to ceiling na glass window ay ako naman ang nagsalita.
"Isa ka palang Asteranza."
Sa isang iglap ay pinasadahan niya ako ng tingin habang nakataas ang mga kilay. "Hindi mo alam?"
"Malay ko ba, eh, wala namang naka lagay na apilyedo sa mga social media mo. Pero anyway, I'm sure nabalitaan mo na ang nangyari sa isa niyong kapamilya." Itinuon ko ang pansin sa mga sari saring bulaklak sa hardin.
"Hindi ka ba galit sa 'kin o sisihin manlang ako dahil sa pagkamatay ni Lia?" dagdag ko pa ngunit napasinghal lang siya.
"Bakit ko naman gagawin 'yon?"
"Kasi ako ang pinagbibintangan ni Lana? At magkapamilya kayo kaya baka nasabi na niya sa 'yo lahat ng hinanakit niya sa buhay sa 'kin?"
Bahagya siyang natawa at napagdesisyunang umupo doon bermunda grass, kaharap na swimming pool.
BINABASA MO ANG
my name is not love
Mystery / Thriller"Love doesn't exist, literature does." For the aspiring author Nathalie, what's worse than being a primary suspect is the fact that she literally made the murder ideas and designed the fictional serial killer herself, only for someone to plagiarized...