SECRET 17

446 12 0
                                    

 

Chapter 17

Tulak ko ang cart habang si Jonas ang nasa harap at namimili. Siya naman ang maalam sa ganyan, hayaan na siya.

Hinihintay ko na lang na mapunta kami sa part ng mga chocolates, wala na akong stocks. Minsan kasi nagbabaon lang ako ng chocolate pampaboost ng aking energy sa work.

"Anong pala lulutuin mo?" tanong ko.

"Ano bang gusto mo?" tanong nito kasabay ng mabilis nitong pagtingin sa akin.

"Kahit na ano, basta masarap" sagot ko na lang bago hinawakan ang isang Korean noodles na nasa shelf sa tapat ko. Hindi ko naman maintindinhan ang nasa label, kaya nilagay ko na lang sa cart, mukha namang masarap eh.

"Ano?" nakakunot na tanong ko kay Jonas ng nakataas ang isang kilay nito habang nakatingin sa noodles na inilagay ko.

"Ibalik mo iyan, hindi naman iyan healthy eh" sabi nito.

"Okay lang iyan, ako naman ang kakain eh, hindi naman ikaw." Sagot ko sabay irap na ikinailing na lang nito.

Nang makita na nito ang hinahanap niya, ay hindi na kinuha na nito ang cart mula sa akin, ngayon siya na ang nagtutulak nito habang nasa likod niya ako.

Napalingon ako sa mga dalaginding na nadaan namin dahil sa mga hagikgik nila.

"Kuya! Wasakin mo ako!"

"Tang-ina ang pogi! Patikim naman!"

"Tang'na pwede na akong mamatay!"

Napailing na lang ako nang malamang si Jonas pala ang pinag-uusapan nila.

"Anakan mo ako kuya!" medyo malakas na pagkakasabi ng isa pang babae kaya naman napalingon ako ulit at hindi lang ako, narinig din pala ni Jonas.

"Ay gago tara na!" sabi ng isa sa mga kasamahan nito, at agad namang nagsialisan ang mga babae.

"Anakan mo daw." sabi ko at bahagyang natawa bago naglakad na para mauna.

"Gago naman, ikaw na lang" sagot nito.

"Paano ko naman aanakan iyon, alam mo namang wala akong lawit" sabi ko at nagtungo na sa mga de lata.

Natawa ito kaya naman napalingon ako sa kanya.

"I mean, ikaw na lang..." sabi nito pero pinabitin pa kaya naman napakunot ang noo ko.

Lumapit ito sa akin at inilapit ang kanyang bibig sa aking tainga, sa sobrang lapit nito, nailang na ako kaya naman nailayo ko ng bahagya ang akin, pero tama lang para marinig ko pa din ang gusto niyang sabihin.

"Ikaw na lang ang.... aanakan ko" sabi nito na nagpatulala sa akin. What the hell!

Rinig ko ang pigil na tawa nito pero hindi pa din ako makagalaw sa kinatatayuan ko dahil sa sinabi nito.

Nang makabawi ay malayo na si Jonas sa akin, nasa may mga karne na ito.

Nang makalapit ako sa kanya ay hindi na ako nagsalita. Hindi pa din kasi maalis sa isip ko ang kanyang sinabi. Napapaisip na lang din ako sa mga bagay na hindi ko naman dapat iniisip.

Hindi dapat pumapasok sa isip ko ang pagkakaroon namin ng anak dahil, una, wala namang kaming relasyon at magkaibigan nga lang kami.

Hindi ko dapat iniisip o naiimagine man lang si Jonas na may buhat na baby habang kumakanta ng lullaby.

Secret Series 3: Loving, HIM [R-18] ON-GOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon