SECRET 20

417 11 8
                                    


(ABEE)

This is the last day of our seminar. Hindi ko naman sana ito tatanggapin pero kinailangan ko ang lumayo kahit sandali para makapag isip. Simula ng dumating kami dito hindi ko pa din binubuksan ang phone ko at alam kong pagbalik ko kailangan kong manghingi ng sorry sa mga kaibigan ko. Alam kong nag-aalala na ang mga iyon dahil sa pag-alis ko ng wala man lang pasabi.

Iniisip ko din, dahil ito naman na ang huling araw ng aming seminar, pwede din siguro akong mag stay pa ng kahit dalawang araw pa, makikusap na lang ako kay Sir Josh.

Mabilis akong nagready upang makapunta na sa function hall ng hotel kung saan ginaganap ang mga activities namin para sa seminar na ito. Mabuti na din pala at tinanggap ko, nakalayo at nakakapag isip naman at may natututunan pa.

Ilang segundo ko pang sinipat na sarili ko sa salamin bago nagdesisyong lumabas ng aking kwarto. Alas otso ang umpisa ng seminar pero alas syete pa lang, balak ko kasing sumaglit muna sa coffee shop na nasa tabi ng buffet area.

Pagkabukas ko ng pinto ng aking hotel room ay bumungad agad sa akin ang manager namin na nag-aayos ng butones ng suot nitong long sleeves.

"Good Morning" nakangiting bati nito sa akin.

Kahit gulat, ay pinilit kong ngumiti para bumati.

"Good morning din po Manager, ano pong ginagawa niyo dito sa harap ng room ko?" diretsang tanong ko.

"Sinandya talaga kita dito, actually kakatok na nga sana ako eh, naunahan mo lang akong magbukas ng pinto" sabi nito bago nagkamot ng kanyang batok.

Napatango na lang ako, siguro aayain niya akong sabay na kaming pumunta sa venue pero sobrang aga pa naman, mag bre-breakfast nga muna sana ako eh.

"Aayain sana kita para sabay na tayo mag breakfast" sabi nito.

"So let's go, gutom na ako" sabi nito saka ako tinalikuran at naglakad na patungo sa may elevator.

Hindi na lang ako nagsalita dahil, wala naman an akong magagawa, nariyan na siya.

Mabilis ko na lang na isinara ang pinto ng aking hotel room at malalaki ang hakbang na lumapit kay Manager na nag-aabang na sa harap ng elevator.

Katahimikan ang namayani sa aming dalawa, hindi ko naman kasi alam ang sasabihin ko.

"Saan mo gustong kumain?" tanong nito sa akin ng makarating sa ground floor ang elevator.

"Coffee and pancake po sana, doon na lang sa may coffee shop" sabi ko sabay turo sa original na balak kong kainan kanina.

Siya lang naman makikisabay, balak ko naman na talagang mag breakfast dito.

"Upo ka na, ako na o-order" sabi nito at iminuwestra sa akin ang aming table na nasa labas lang ng shop. Ito ay nasa harap ng hindi kalayuang dagat.

Ipinikit ko ang akin mga mata kasabay ng panglinghap ko ng sariwang hangin. Iba talaga ang amoy ng hangin lalo na kapag malapit ang dagat. Isama mo pa ang napakabangong aroma ng kape at ng mga inihahain nila para sa almusal.

Ninamnam ko lang ang sariwang hangin, kahit na ginusto kong mag-isa lang sana ngayong kumain ng mapayapa, enjoy ko na lang. Maayos din namang kausap si Manager, kaya go na lang ng go. Susulitin ko na ang mga araw na walang nanggugulo sa akin na Jonas dahil kapag bumalik ako ng Maynila, panigurado nandiyan na naman siya.

Napamulat ako ng maupo na si Manager sa harap ko.

"Mukhang ang lalim ng iniisip mo ha" sabi nito.

Hindi ako nagsalita at tinignan lamang siya bago ko ibinalik ang tingin ko sa dagat. Pasenyahan na alng kung nagmumukha akong maldita pagdating sa kanya.

Saka lang ako tumingin sa kanya ng dumating na ang aming mga pagkain. Wala akong imik na kumain at mukhang naramdaman ni Manager Josh iyon at tahimik na lang din itong kumain.

Nang matapos kaming kumain ay dumiretso na kami sa hall kung saan ginaganap ang event. Last day naman na ngayon, kaunti na lang ang mga topic, mas marami na ang mga presentation ng cultural dance at kung ano-ano pang mga kantahan at sayawan.

Nang mag-umpisa nang mag serve ng pagkain, bigla na lang tinawag ng MC ang aming atensyon. Hindi ko alam kung bakit, ilang munto pa ang nakalipas pero hindi pa din sinasabi ng MC ang dahilan kung bakit kailangan nito ng atensyon namin. Hanggang sa matapos ang pagseserved ng pagkain at nag umpisa ng kumain ang mga kalahok sa event na ito.

"Ladies and gentlemen. Sorry to interup you lunch. Mabilis lang po ito. Tuloy-tuloy lang po ang pagkain, kung nagugutom na talaga" pagbibiro nito saka tumawa, kaya natawa na lang din ang ibang mga guest.

"Anyway, hindi ko na patatagalin pa at baka ako na ang inyong kagatin" umani ulit ng tawa mula sa madla dahil sa sinabi nito.

"We have an unexpected guest. I'll do the honor to introduce him. Galing ang pamilya nito sa angkan ng mga magagaling magluto. Kilala sila sa larangan na iyon, at alam ko, kilalang-kilala niyo ang kanyang mga magulang. Sigurado rin ako na karamihan sa inyo nakakain na sa kanilang restautant, eh sino ba naman hindi, tinatangkilik naman kasi ang masarap nilang mga putahe. This person, sikat din ito lalo na sa mga binibini, ang gwapo ba naman eh"

Ang lahat ng atensyon ngayon ay nasa MC na. Ang iba naman ay parang giraffe na humahaba ang mga leeg para tignan o hanapin ang tinutukoy ng MC.

"Most of you don't know, ang pamilya nila ay isa sa mga organizer nitong event. They are partnered with different financial organization. Sila din ang naghanda ng pagkain na nakahain ngayon sa ating mga mesa. Ready na ba kayo?" sabi ng MC. May iilang sumagot at ang iba naman ay walang pakialam, gaya ko.

Ipinagpatuloy ko na lang ang aking pagkain pero nakikinig pa din naman ako sa sinasabi ng MC.

Nag drumroll muna, nakitingin na din ako sa harapan dahil bigla na tumahimik sa bandang harapan. Uminom muna ako ng tubig para mapababa ang huli kong isinubo.

"Let us all welcome. Chef Jonas Fuentes"

"Acck! *cough*" Nang marinig ko ang pangalan ng taong nilalayuan ko ay tuloy-tuloy na lang akong nasamid.

Why is he here? 

Secret Series 3: Loving, HIM [R-18] ON-GOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon