Secret 11

681 25 5
                                    

**Don't forget to comments and Vote Love Yah Babes*

(ABEE)

Itinakip ko ang aking unan sa aking mukha bago ako nagpakawala ng isang matinis ng tili. Fuck!! Ang init pa din ng pakiramdam ko. Damn Jonas.

Hindi ko alam kung bakit tumakbo ako papasok dito sa kwarto ko matapos niya akong walang habas na halikan para gisingin. Tapos kung ano-ano pang sinasabi ng hinayupak! Hindi ba niya alam na lalo akong nag-iinit sa mga pinagsasabi niya.

Nahigit ko ang aking hininga ng makarinig ng katok sa pinto. "Abee, lumabas ka na diyan kakain na tayo"

"Sandali!!"

Humarapa ako sa may vanity mirror ko, kitang-kita ko ang sobrang pula kong mukha.

Okay Abee, calm down.

Ilang beses pa akong huminga ng malalim bago nagpasyang lumabas ng kwarto.

Dumiretso ako sa kusina at doon nadatnan ko si Jonas na nakaupo na sa harap ng hapag. Hindi ako makatingin ng direstso dito, nahihiya kasi ako.

Bakit ka pa mahihiya, nakakita na niya ang lahat sa iyo!

Tahimik lang ako kumain, hindi ko naman kasi alam ang sasabihin ko.

"Nagbago na pala ang plano para bukas" sabi nito kaya naman napataingin na ako dito.

"Hindi na daw mag-iinuman, dinner na lang daw sa SB (Sit & Burp restaurant)"

Tumango-tango ako. Iyon ang pangalan ng Restaurant Chain nila Jonas.

"Ikaw ba ang magluluto?" tanong ko. Kapag kasi kumakain kami sa restaurant nila ay siya palagi ang nagluluto.

"Yup, anong gusto mo? Huwag mong sabihing adobo na naman" natatawang sabi nito. Napairap na lang ako ng wala sa oras. Ano naman kasi kung adobo ulit? Paborito ko iyon eh.

"Ikaw na ang bahala, basta masarap" sabi ko at patuloy sa pagkain. Kinuha nito ang milktea sa mesa at siya na ang naglagay ng straw. Inilagay niya ito malapit sa akin.

"Lagi naman masarap ang luto ko ah, pero may alam akong mas masarap" nakangising sabi nito.

Napakunot ang noo ko. "Oh edi ayun ang ihain mo bukas" sabi ko.

Lalong nakunot ang noo ko ng tumawa ito.

"Oh Abee, you want to eat me?" natatawang tanong nito. Tinignan ko ito ng masama ng ma-realized kung ano ang ibig niyang sabihin.

"Maghulos-dili ka nga!! Kadiri 'to!!" sigaw ko sa kanya. Ang hinayupak tawa ng tawa.

"Oy!! Totoo naman ah, masarap ako! huwag mo i-deny, alam mong totoo!" sabi nito na lalong nagpagigil sa akin. Fuck my mind for agreeing with what he just said.

"Alam mo, lumayas ka na! Nagdidilim na ang paningin ko, baka masapak na talaga kita!" sigaw ko dito.

"Palalayasin mo ako? Matapos kitang ipagluto at bilhan ng milktea!" nagdrama pa ang loko.

"Ewan ko sayo!" inirapan ko ito saka ipinagpatuloy ang pagkain. Hindi ko na lang ito pinansin, mabuti na lang sobrang sarap nitong adobo niya kundi baka nawalan na talaga ako ng gana.

Napatingin ako sa kanyan ng may mag-ring. Inilabas nito ang kanyang phone. Itinaas nito ang kanyang phone, telling me that he will answer it. Tumango na lang ako at nagpokus sa pagkain.

"Mom" natigil ako sa pagnguya ng marinig ang sinabi nito. So, mommy niya ang tumawag.

Sikat ang mommy nito. May sarili itong cooking show noon. Fan na fan nga ang mommy ko eh.

Secret Series 3: Loving, HIM [R-18] ON-GOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon