Secret 8

797 26 2
                                    

Dont forget to comments and votes. Thanks Muaahhhh!!!!

(JONAS)

Naalimpungatan ako ng maramdaman nanginginig si Abee. Agad akong napabangon at sinuri ito. Napamura ako ng maramdamang mainit ito. Agad kong pinatay ang aircon at kinumutan ito. Ang lakas pa rin ng ulan dahil sa bagyo kaya lalong malamig ang panahon.

Tinignan ko kung anong oras na at nakitang alas-tres pa lang ng madaling araw.

Nagtungo ako sa closet at kumuha ng tshirt, boxer at jacket.

"Abee, wake up" tinapik-tapik ko ito ngunit ungol lang ang kanyang sinagot at mas lalong binalot ng kumot ang kanyang sarili.

"Let me dress you baby" sabi ko rito at dahan-dahang tinanggal ang kumot na nakabalot sa kanya. Mabuti naman at pumayag ito. I gulped when I saw her nakedness. Fvck!! Umayos ka Jonas!! Nilalagnat na iyong tao pinagnanasaan mo pa!

Mabilisan ko itong sinuotan ng damit at jacket saka ko ulit ito kinumutan. Kinuha ko ang thermometer sa may first aid kit sa banyo at agad na sinukat ang temperature nito. Napamura na lang ako dahil sa taas ng lagnat nito.

Kumuha ako ng gamot para sana ipainom pero hindi pa ito kumakain kaya naman lumabas na ako at natungo sa kusina upang ipaghanda ito ng lugaw.

Mabilis lang akong natapos. Ang maga galaw ko ay nagmamadali, hindi ko ng namalawyang natataranta na ako.

Dala ang niluto kong pagkain ay nagtungo ako ulit sa kwarto. Naawa ako kay Abee dahil nanginginig ito sa lamig. Ibinaba ko may night stand ang pagkain at inumin saka sinubukan ulit itong gisingin.

"Abee, wake up. Kain ka ng kaunti para makainom ka ng gamot" sabi ko. She slowly opens her eyes. She really looks weak.

"Kain ka saglit, pinaghanda kita" sabi ko dito pero umiling lang ito saka ulit ipinakit ang mga mata.

"Please Abee, kailangan mo kasing uminom ng gamot, sige na huwag na matigas ang ulo" sabi ko dito habang hinahaplos ang kanyang mukha. She's so hot.

"xzksduaf"

"What?" tanong ko ng hindi ko maintindihan ang sinasabi nito. She was just murmuring.

Inilapit ko ang tainga ko sa bibig nito para maintindihan ang kanyang sinsabi "don't want...eat" sabi nito.

"Abee, kahit kaunti lang, tapos inom ka na ng gamot" pamimilit ko dito. Slowly, she opens her eyes again.

"Please" pagsususmamo ko dito, para lang makainom ito ng gamot.

Dahan-dahan itong tumango, kaya naman ay inalalayan ko itong makabangon. Pinasandal ko ito sa headboard ng kama at inayos ang pagkakakumot dito.

"Ano nararamdaman mo?" tanong ko.

"Masakit katawan ko, pati ulo" mahinang usal nito.

"I'm sorry, I 've been so rough" sabi ko pero umiling lang ito.

"It's okay" sabi nito at tipid akong nginitian "Ginusto ko naman" namamaos na sabi pa nito.

Napabuntong hininga ako saka ko kinuha ang pagkain. Hinihipan ko muna bago ko isinusubo sa kanya upang hindi ito mapaso.

"Ahhh" sabi ko sako ko inumang sa kanyang bibig ang kutsara. Nakakalahati pa lang nito ang pagkain sa mangkok pero ayaw na nito.

"Oh sige, inumin mo itong gamot" sabi ko at ako na din ang naglagay sa bibig nito ng gamot saka ko ito pinainom ng maligamgam na tubig.

"A-anong oras na?" tanong nito

Secret Series 3: Loving, HIM [R-18] ON-GOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon