SECRET 24

397 14 5
                                    


(JONAS)

Sobrang pagod na ako ngayong araw, gusto ko na lang yakapin ang Baby ko para makapagpahinga na.

Mabilis akong nagshower at nagpalit ng damit, galing kasi ako sa kabilang bayan para sa isang meeting, isinabay ko na lang iyon pagpunta ko dito sa Batangas, plano kasi namin mag-tayo ng isang branch dito.

Kinuha ko ang phone ko sa may kama at nagmadaling lumabas ng aking kwarto. Nakakuha ako ng spare card ng room ni Abee, dahil kaklase namin noong highschool ang Manager ng Hotel na ito. Kilala niya kami ni Abee at ipinaliwanag ko na lang na susurpresahin ko si Abee, kahit hindi naman magtanong iyon, may konklusyon na siya sa amin ni Abee.

Bago ko iswipe ang key card, sinubukan ko munang buksan ang pinto, naninigurado lang na laging naglolock si Abee ng pinto. Nagulat ako ng bumukas iyon kaya naman mabilis akong pumasok.

Nang madatnan kong hinihila nito ang kanyang Manager mula sa pagkakahiga, bigla na lang na blangko ang utak ko at ang hindi maipaliwanag na galit at inis ay bigla na lang namuo sa akin.

Putang!na!!!!! Hindi ko alam pero pakiramdam ko trinaydor ako. Pakiramdam ko magiging demonyo ako dahil sa galit na nararamdaman ko. Sobrang daming mura ang paulit-ulit sa isip ko habang palapit sa elevator. Kailangan kong lumayo sa kanila.

Selos ba ito? Siguro nga, nakakagago naman kasi.

Pagod ako, gusto ko lang yakapin si Abee pero iyon ang madadatnan ko. Anong ginagawa nung lalaking iyon sa kwarto niya ng ganoong oras, tapos nakahiga pa sa sofa? Nagpapahila pa para makatayo?

Nadatnan ko na lan ang sarili ko dito sa restobar sa baba ng hotel.

"Another one please" sabi ko sa bartender ng maubos ko na naman ang isang shot ng vodka.

Mabilis naman itong tumalima at sinunod ang order ko. Sa bawat pagrefill nito sa baso ko ay agad ko itong iniinom ng diretso. Wala akong pakialam kung malasing agad ako, iyon ang kailangan ko para makakatulog na lang ako dahil sa kalasingan at hindi na magiisip ng kung ano-ano pa.

"Sir, nakarami ka po, lasing ka na po" sabi sa aking ng bartender.

"Hindi paaa!, sang shot fahh!" sabi ko rito.

I know what I am doing. Medyo nahihilo lang ako.

"Tama na po, tumawag na po ako ng bellboy, para maalalayan po kayo papunta sa room niyo po" sabi ng, sino ba yun?

Dahil naririndi na ako sa boses nito ay tumayo na ako, pero bigla akong nahilo.

Iminuwestra ko ang aking kamay na huwag na akong tulungan, kaya ko naman mag-isa.

"Ako na pong bahala." sabi ng isang babae mula sa likod ko. Bakit parang pamilyar ang boses nay un?

(ABEE)

Hindi ko agad nasundan si Jonas ng pabalag nitong isinara ang pinto ng hotel room ko. Hindi ko alam kung paano ako mag-rereak sa reaksyon nito dahil sa nadatnan niyang tagpo. Malinis naman na ang konsensya ko kasi wala namin kaming ginagawang masama ni Manager.

"Aalis na ako, pasensya na" sabi ni Manager bago dinampot ang kanyang mga gamit.

Napaupo na lang ako safa at tinanguhan si Manager. Kita ko naman sa mukha nito nagusto niyang magtanong, pero mas pinili na lang nitong hindi, mabuti naman dahil hindi ko naman alam ang isasagot ko sa kanya.

Hindi ko alam kung ilang minuto pa akong tumunganga habang nakaupo sa sofa. Iniisip ko kung anong sasabihin ko kay Jonas. Hindi ko naman kailangang magpaliwanag pero feeling ko kailangan, reaskyon pa lang nito nababahala na ako, paano ako makakatulog?

Secret Series 3: Loving, HIM [R-18] ON-GOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon