SECRET 19

401 10 1
                                    

(JONAS)

Nakakailang katok na ako sa pinto ng apartment ni Abee pero wala pa ding nagbubukas. Inilabas ko ulit ang aking cellphone para tawagan ito pero mukhang nakapatay.

Kinatok ko pa ng ilang beses ang pinto, mas malakas sa mga nauna kanina kaya naman may nagbukas na ng pintuan sa kabilang unit.

"Ang aga-aga pa po, pwede po huwag maingay." sabi ng isang babae.

"Pasensya na." paghingi ko ng paumanhin dahil sa pagkakaistorbo nito.

"Wala iyong nakatira diyan, umalis kagabi may dalang maleta." sabi nito.

Napakunot nag aking noo, si Abee aalis, saan naman pupunta? May trabaho nga iyong ngayon kaya ko siya sinusundo.

"Saan daw pupunta?" tanong ko.

"Aba, hindi ko alam." sabi nito at pumasok na ulit sa kanyang unit.

Napabuntong hininga na lang ako. Iniisip ko kung saan nagpunta si Abee. Bakit siya aalis? Wala man lang pasabi? Iniiwasan niya ba ako?

Umalis na din ako agad. Ang dami kong tanong sa isip ko.

Agad kong tinawagan ang mga kaibigan namin para tanungin kung alam ba nila kung saan nagpunta si Abee. Nakakadismaya lang na lahat sila hindi alam kung saan nagpunta si Abee. Kahit si Rhian ay hindi nito alam.

Dalawang araw lang kami hindi nag-usap, bigla na lang siyang mawawala ng parang bula. Lahat kami sinubukang kontakin si Abee pero ni isa sa amin walang nagtagumpay.

Imbis na pumasok sa trabaho, tumambay na lang ako kila Eris dahil hindi din naman ako makakapagtrabaho kung may iniisip ako. Delikado din, baka kung ano pang mangyari sa akin sa kusina.

"Jonas, halika muna at kumain." pag-aaya sa akin ni Eris. Hindi ko napansin na gabi ng pala at oras na ng hapunan.

Si Jez na pumasok lang saglit sa opisina, hindi ko namalayang nakauwi na.

"Tito, let's eat! Let's eat!" pag-aaya sa akin ni Lard habang pilit na hinihila ang kamay ko.

"Okay okay" sabi ko saka ko ito binuhat patungo sa kusina nila.

"I want to sit on your lap Tito." sabi nito kaya naman kinandong ko.

"Anak, you're already a big boy to sit on your Tito's lap. How is he going to eat?" sabi ni Eris na pinagsisilbihan ang asawa nila. Sana all.

"Hayaan mo na, minsan lang naman ako dito" sabi ko naman kay Eris.

Masaya ang aming pagsasalo ng dinner. Tuwang-tuwa nga ako dahil madaldal na si Lard, nakakapagsalita na din ng piling mga Tagalog na salita.

Matapos ang dinner ay pumanhik na sina Eris at Lard sa itaas, at naiwan kami ni Jez sa kusina.

"Magliligpit na po ako Sir" sabi ng isa sa mga kasambahay nila kaya naman ay inaya ako ni Jez sa kanilang pool area.

"Pakidalhan kami ng alak" utos nito sa isa pa nilang kasambahay.

"Sige po Sir, pati pulutan na din po ba? Ano pong gusto niyo?"

"Sisig na lang" sabi nito bago kami naglakad patungong pool area.

Pagkaupo namin, agad akong napatanong kay Jez.

"Wala ka na sigurong mahihiling pa?" sabi ko saka ako tumingin sa kalangitan, na ni isang bituin wala akong makita.

"Huh?" nakakunot ang noo na tanong nito.

"I mean, sobrang bless mo bro. May mapagmahal kang asawa, sobrang bait pa. May dalawa kang anak na sobrang proud sayo, kitang-kita naman kay Lard kanina kung paano ka nito ipagmayabang sa akin. Sure din akong super proud si Eris sayo, and then your daughter, she will look up to you like her prince charming that will do anything to protect her form harm. See, sana all" sabi ko na lang.

"Alam mo namang bago ako nagkaroon ng kung anong meron ako ngayon, sobrang hirap at pagtitiis pa ang pinagdaanan ko, namin ni Eris. Totoo ang sabi nila na may kapalit na ginhawa lahat ng paghihirap na dinaranas mo" sabi nito,

Sabay kaming napatingin sa kanyang phone nang tumunog iyon.

"Oh great, I know where Abee is." nakangising sabi nito habang iwinawagayway sa harap ko ang kanyang phone.

Agad akong naging alerto at napaayos ng aking upo. Fvck! I need to know where she is.

"Alam ko namang gustong-gusto mo na siyang makita, kaya ginamitan ko na ng connection." sabi nito sa akin.

"I respect Abee's decision kung bakit siya umalis, ayon lang din ang gusto kong hingin sayo. Sasabihin ko pero, kaibigan ko din si Abee, may rason naman siya kung bakit bigla na lang siyang umalis at hindi tayo hinahayaang kontakin siya" sabi nito.

Mabilis lang ang pagtango ko, gustong-gusto ko lang talagang malaman kung nasaan siya ngayon, kung safe ba siya o ano.

"She's in Batangas bro, ayon dito may Seminar na dinaluhan" mabilis na sabi nito.

Napabuntong hininga na lang ako, bakit hindi man lang siya nagsabi sa akin, o kaya kahit kanino sa aming mga kaibigan.

"Pupuntahan mo?" tanong nito sa akin.

Hindi akoagad nakasagot dahil kung kaninang gustong-gusto ko siyang mahanap para makita, dahil sa sinabi ni Jez napaisip na ako.

Siguro nga kailangan kong irespeto ang hindi pagsasabi ni Abee kung saan siya pupunta, siguro maghihntay na lang ako kapag bumalik siya saka ko siya kakauspin.

"Hindi ko alam" iyong na lang ang naisagot ko.

Tugmango-tango naman si Jez.

"Nagkausap naman na kayo ni Kiel, malaki ka na, kaya mo na sarili mo. Simulan mo na magisip kung ano talaga ang gusto mong mangyari sa buhay mo." Sabi nito.

Mahabang katahimikan lang ang namayani sa amin hanggang sa dumating ang inumin at pulutan.

Hindi pa nakakalahati ang aming iniinom ay bigla na lang akong napatayo.

"I want to see her, so bad" hindi ko namalayang naibulalas ko na.

"You got it bro, goodluck" nakangiting sabi sa kain ni Jez.

"I need to go! Thanks man. I owe you one" sabi ko kay Jez bago nakipag fist bump dito.

"Go, I'll send you the exact address" sabi nito kaya naman mabilis na akong kumilos para makauwi at makakuha ng mga damit. Bago pa ako makauwi sa condo ko ay nakuha ko na ang eksaktong kinaroon ni Abee.



Mabilis akong nakapagbooked sa hotel kung saan tumutuloy si Abee. Inihanda ko na lahat ng kailangan ko dahil plano kong magstay doon hanggang nadoon siya.

Alas onse na nang makaasis ako ng Manila. Madaling araw na panigurado ako makakarating ng Batangas.

Matapos nag mahabang byahe ay nakarating naman ako ng ligtas sa hotel sa Batangas, kahit na nakainom ako. Hindi naman din ako magdra-drive kung alam kong hindi ko kaya.

Nagshower lang ako at agad ding nakatulog, bukas ko na hahanapin si Abee, ang mahalaga mas malapit na ako ngayon sa kanya. 

Secret Series 3: Loving, HIM [R-18] ON-GOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon