SECRET 23

387 10 0
                                    


(ABEE)

Hindi ko alam kung gaano na kapula ang mukha ko nang lumabas kami ng banyo ni Jonas. Hiyang-hiya ako kay Manager Josh, dahil nag-aalala at nag-abala ba siyang hanapin ako.

Hindi naman sa may pakialam ako sa sasabihin ng ibang tao pero manager ko pa din naman si Manager Josh, hindi lang siya kung sinong tao. Hindi naman ako manhid para hinid mahalata ang negatibong aura na bumabalot sa kanya ngayon habang nakataingin sa amin ni Jonas na sabay na lumabas ng banyo at ang kanyang braso at nakahawak sa akin beywang.

Tumikhim muna ako bago nagsalita.

"Manager Josh, pasenysa na nag-alala ka pa" sabi ko at bahagyang yumuko. Nang iballik ko ang aking tingin kay Manager ay wala na sa akin ang tingin nito, kundi na kay Jonas na, na diretso ding nakatingin sa Manager ko.

"You didn't tell me you know Mr. Fuentes, Abee" sabi ni Sir Josh ngunit hindi pa din naalis ang kanyang tingin kay Jonas.

Mukha naman tanga itong si Sir Josh, sa pagkakaalam ko alam naman niyang magkakilala na kami dahil sa nangyari sa restaurant nila Jonas na nasa tapat ng branch office namin.

"We knew each other" pabitin na sabi ni Jonas bago nagputuloy "very well" sabi nito at nagbigay ng ngito na hind ko alamkung nag uuyam o nagyayabang.

Tumingin sa akin si Manger Josh, kaya tumango na lang ako para sang-ayunan si Jonas, well in fact ay totoo naman talaga.

Ilang segundo bago tumango si Manger Josh at nagpakita ng isang ngiti bago naglahad ng kamay kay Jonas.

"Joshua Fonacier, Abee's Manager. It's a pleasure to meet you again Chef" pagpapakilala nito.

Mabilis namang tinanggap ni Jonas ang kamay nito.

"Jonas" maikling sagot lang nito bago binitawan ang kamay ni Manager.

Ilang sigundo pa sila nagkatitigan, hindi ko alam kung dahil na lang sa init ng pinagsaluhan namin ni Jonas kanina ang nararamdaman ko o may tensyong namumuo sa pagitan nilang.

"Let's go Abee" pag-aaya sa akin ni Manager.

"We have to go back, hindi pa tapos ang convention" sabi nito sa akin, well tama nga siya.

Naramdamana kong pinisil ng bahagya ni Jonas ang aking beywang bago ako binitawan.

"Sige na, balik ka muna doon, mamaya na tayo mag-usap" sabi nito sa akin saka tipid na ngumiti.

"At least alam ko ngayon kung nasaan ka." dugtong nito.

"Mauna na ako" paalam nito saka tinanguhan si Manager.

Sabay naming itong tignignan ni Si Josh hanggang sa maglaho sa aming paningin.

"Let's go" sabi ni Manager Josh.

Hanggang sa makabalik kami sa venue kung saan ginaganap ang last day ng aming ipinunta dito, parang masama na ang timpla ni Manager.

Wala naman akong paki-alam, bahala siya jan. Ang importe lang eh, matapos na ito para makatulog na ako, napagod ako kanina.

Napayuko na lang ako ng maalala ang ginawa namin ni Jonas kanina sa bangyo na pang PWD. Jusko naman, ni sa panaginip ay hindi ko inisip na kaya kong makipag siping sa pampublikong lugar. Makukurot ako sa singit ng aking Ina kapag nalaman nito ang mga pinaggagagawa ko sa buhay.

"Close pala kayo" biglang sabi ni Manager Josh pero hindi sa akin nakatingin kundi sa MC sa harap. Alam ko namang ako ang kinakausap niya kaya naman, tumikhim muna ako paaa makuha ang atensyon niya bago ako tumango.

"How?" hindi makapaniwalang tanong nito.

"We're high school friends" iyon na lang ang nasabi ko, kasi iyon naman ang totoo, alangan naman sabihin kong oo, close na close kami, lagi ngang may nangyayari sa amin eh.

Hind na ito nagtanong pa, kaya akala ko hindi na ito magsasalita pa pero ilang minuto lang, nagsalita na naman siya.

Mabuti na lang hindi niya tinatanong kung anong ginawa namin ni Jonas sa PWD bathroom.

"Kailangan nga pala nating, gumawa ng powerpoint para sa idi-discuss natin sa mga katrabaho nating hindi naka-attend nitong event" sabi nito.

Secret Series 3: Loving, HIM [R-18] ON-GOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon