SECRET 28

808 18 9
                                    

*JUSMEE PAHIRAPAN SA PAGUPDATE T-T! PASENSYA NA 

(ABEE)

Patakbo akong lumapit sa sasakyan ni Jonas ng pumarada ito sa harap ng bangko. Sobrang excited ako sa ibabalita ito, kanina kasi naganap ang meeting nila with the Director and producer para sa kanyang sariling cooking show. Hindi ko alam kung ano napag-usapan, ayaw pa kasi sabihin sa akin kanina sa tawag.

Hindi na nga din pala ako gumagamit ng sasakyan kahit maayos na iyong sasakyan ko, gusto ni Jonas na sinusundo na lang ako, pabor din naman iyon sa akin. Nagmamaneho na lang ako kapg kailangan talaga at hindi siya pwede.

Dalawang buwan na din pala ang nakalipas simula ng maging kami, naalala ko pa na puro tukso ang inabot namin mula sa aming mga kaibiga, lalo na kay Judy. Ang gagang iyong kahit napakalayo, ang lakas pa ding mang-asar. Magpadala ba naman ng bulaklak para i-congratulate kami. Sobrang na-appreciate naman namin ni Jonas iyon ang kaso, ang walang hiyang baklita, yung pinadalang bulaklak ay yung pang-patay, na nakalagay pa sa parang standee niya tapos ang ribbon matingkad na kulay pink na may lining sa gilid na black. Sinong hindi maaasar doon? Nakakaloka, makukurot ko talaga iyon sa singit kapag umuwi na dito sa Pilipinas.

"Baby" masayang bati ko pagkasakay ko ng sasakyan.

He immediately scoots me and give me a soft kiss on my lips then he also kissed me on my forehead. Shit! kinikilig ako.

"Kamusta araw ng mahal ko?" tanong nito.

"Okay naman, wala masyandong mga clients" sagot ko naman saka ko isinuot nag seatbelt.

"Ikaw kamusta ang meeting?" tanong ko. Mataman akong nakatingin sa kanyan hanggang sa paandarin na nito ang sasakyan.

"Okay naman, ifi-finalized na ang mga schedule kung kailan magsisimula, then I'll have my photoshoot para sa pag-adverstise and kung ano-ano pang preparation na kailangan" sabi naman nito.

Medyo nalungkot ako dahil sigurado magiging busy siya.

"Edi magiging busy ka na niyan?" tanong ko naman.

"Medyo, pero syempre ikaw pa din ang priority ko" sabi naman nito kaya kahit anong pigil ko sa ngiti ko hindi ko nagawa.

"Okay lang naman iyang work ang unahin mo minsan, naiintindihan ko naman po" sabi ko. Syempre pabebe muna tayo. Huwag pahalata na gustong-guto ko na ako ang priority.

"Sa bahay pala tayo uuwi Baby" sabi nito. Napakunot naman ang noo ko dahil hindi niya ako ininform agad.

Mabilis kong kinalkal ang bag ko para makapag freshen up man lang, ayaw ko naman humarap kila tita na sobrang haggard ang itsura dahil galing sa trabaho.

"Sus, nag-aayos pa, para namang hindi ka pa ni Mommy nakahiga sa bed ko tapos nakanganga pa" sabi nito sabay tumawa ng malakas. Ang lakas mang-asar, ang sarap itapon sa ilog pasig. Sinamaan ko lang ito ng tingin bago nagpatuloy sa pag-aayos.

"Maganda ka na, kahit wala iyang mga kolorete na yan" seryosong sabi nito pero ang tingin ay nasa daanan. Hinintay ko na may kasunod na pang-aasar pero wala.

"Seryoso baby, mas okay nga natural lang po eh" sabi naman nito bago pumasok ang sasakyan sa kanilang subdivision.

"Thank you" sabi ko, muntik pa akong maiyak dahil na touch talaga ang puso ko.

Ngayon ko unti-unting nasasabing nasa tamang tao na ako. (Sana ol)

Siya lang ang lalaking nagsasabi sa akin na maganda ako, naboboost niya ang confidence ko. Binabago niya ang tingin ko sa sarili ko, patungo sa ikinakaganda nito. Sa kanya ko nararamdamang enough ako, hindi katulad sa mga ex kong gago.

"Bakit pala tayo nandito?" tanong ko naman.

"Nagluto kasi si Mommy, imbitahin ka daw. Gusto atang magpasikat sa girlfriend ko eh" sabi nito saka kami bumaba ng sasakyan.

Naku, nakakahiya naman. Kung sakali ngang si Jonas na, nakakahiya naman sa biyenan ko na hindi man lang ako ganun kagaling magluto.

"Huwag mong sabihing ngayon ka pa mahihiya kay Mommy, you've known each other since highschool tayo Baby" sabi nito at bahagyang natawa.

"Iba na kasi ngayon eh" sagot ko naman.

Dumiretso kami sa kusina kung saan naroon ang kanyang mga magulang. Nandito rin ang Daddy niya, kaya naman mabilis akong lumapit at bumati.

"Anak" sabi ni Tita, bago ako niyakap. Napahinto ako dahil doon, hinaplos ng sobra ang puso ko. Kakaibang saya ang nararamdaman ko dahil tanggap nila ako, itinuturing nila akong anak at parte na ng pamilyang ito.

"Will you spend the night here?" tanong nito.

Agad kaming nagtinginan ni Jonas, wala naman na akong pasok bukas so okay lang sa akin.

"Okay lang ba sayo?" tanong ni Jonas sa akin. Mabilis naman akong tumango, okay lang naman kasi sa akin.

"Great! Actually mag ce-celebrate kasi tayo dahil sa magiging cooking show ni Jonas" sabi sa akin ng Daddy nito.

"Sige na, ihahanda na namin ang pagkain, umakyat na kayo para makapagbihis, kumuha ka na lang anakng dami sa closet ko, maraming kasya kay Abee doon na hindi pa gamit" sabi ni Tita.

"Hindi na Mom, damit ko na lang po" sabi naman ng kulugo.

Pumanhik na kami sa kanyang kwarto para naman makapagbihis na. Sa totoo lang gustong-gusto ko ng magshower. Nanlalagkit na nga ako, kakabwisit din kasi kanina sa opisina. Si Anne, kung ano-ano na naman ang sinasabi dahil lang sa inabutan ako ng brownies ni Manager Josh, eh lahat naman kasi nun magbibigyan. Ako ang nas-stress kay Anne dahil feeling ko hindi siya masaya sa buhay niya na laging namumuna ng kapwa at puro inggit ang nakikita ko sa mga mata niya.

Pagkapasok pa lang namin sa kwato ay mabilis ng pumalibot ang mga braso ni Jonas sa akin at mabilis akong ginawaran ng mainit na halik. Sino ba naman ako para tumanggi.

"Baby" pagsusumamo nito. Naku po, alam ko na.

"Hinihintay tayo ng parents mo, umayos ka." sabi ko at mabilis nahumiwalay sa kanya.

Nag pout lang ito sa akin at parang bata na hindi binilhan ng gusto na naglakad patungo sa closet niya para kumuha ng damit.

Napabuntong hininga na lang ako at napailing. Lumapit ako sa kanya saka ko ito niyakap mula sa likuran at binulungan sa tenga.

"I can be your desert" bulong ko na nagpatigil sa kanya.

Bago pa ito makasagot ay kinuha ko na sa kamay nito ang isang t-shirt niya at boxer bago nagtungo sa banyo para makapag-shower. Mabilis kong nilock ang pinto dahil alam kong papasok lang siya. Sigurado hindi kami makakalabas ng walang nangyayari, parehas pa naman kaming walang control sa mga sarili namin kapag magkasama kami sa isang kulob na lugar.

"Baby, papasukin mo na ako" pagmamaktol nito sa labas ng banyo habang kumakatok.

"Tumigil ka, tapos na ako, sandali" sabi ko at mabilis na isinuot ang damit. Binilisan ko na lang talaga para wala na siyang magagawa.

Nang buksan ko ang pinto, naroon na siya sa may kama nakaupo at nakasimangot. Binelatan ko lang ito bago sumampa sa kama. Kinuha naman nito ang kanyang damit at mabilis na naglakad papuntang banyo.

"Palitan mo pala iyang t-shirt, nakikita yang boxer ko. Iyung pull over na lang Baby, para abot hanggang kalahati ng tuhod mo at matakpan yang boxer" sabi nito. Mabilis naman akong tumango ay sinipat ang pull over mitong kulay puti.

Nahiga ako sa kama habang naghihintay kay Jonas, hindi ko namalayang nakaidlip na pala ako at ginising na lang ni Jonas ng bababa na kami.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 06, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Secret Series 3: Loving, HIM [R-18] ON-GOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon