Secret 16

1K 30 18
                                    

PS. PLEASE READ THE PREVIOUS CHAPTERS PARA MA-REFRESH SA UTAK NIYO ANG MGS SCENES HAHA

*Short UD lang. Miss ko na Babes ko HAHA

(ABEE)

Inihatid ako ni Jonas sa trabaho, hindi pa din kasi naaayos ang kotse ko eh. Sakto naman sa S&B Restaurant Makati branch siya pupunta, iyong nasa harap ng bankong pinagtra-trabahuhan ko.

"Susunduin kita mamaya, ako maghahatid sayo" sabi nito na ikinailing ko.

"Huwag na, mag ta-taxi na lang ako" sabi ko saka bumaba ng kotse niya.

Nagulat ako ng bumaba din ito.

"Huwag kang makulit! Ako maghahatid sayo" sabi nito saka ulit sumakay sa kanyang sasakyan at dumiretso sa may parking ng kanilang resto.

Napairap na lang ako dahil sa pamimiilit niya. Ihahatid? Fine! Makakatipid pa ako.

Binati ako ng guard ng makapasok ako.

"Godd afternoon Abee, okay ka na ba?" tanong agad ni Nerie sa akin.

"Oo, maayos na ako" sagot ko na lang.

"Si Manager" bulong ni Nerie kaya naman napatingin ako sa lalaking palapit na sa aming pwesto.

"In my office Abee, I want to talk to you" sabi nito saka naglakad na ulit paalis.

Nagkatingin na lang kami ni Nerie bago ako tumayo at naglakad na papunta sa opisina ni Manager.

Humugot muna ako ng malalim na hininga bago kumatok ng tatlong beses bago binuksan ang pinto.

"Please sit dow" sabi nito at iminuwestra ang upuan sa harap ng kanyang table.

Naupo naman ako. Bakit ba kasi kailangan pa akong ipatawag? Ano ba sasabihin niya? Paguusapan namin?

"Kamusta pakiramdam mo?" masuyong tanong nito.

"Okay naman na po ako"

Tumango-tango ito saka pinagsalikop ang kanyang mga palad bago ipinatong sa kanyang mesa.

"Sana hindi ka na lang muna pumasok. Gusto mo bang ihatid na kita para makapagpahinga ka pa?" tanong nito.

Nagulat ako sa suhestiyon nito. Prang ang creepy naman ng ganoon. Kahit pa sabihing nagmamagandang loob lang siya.

"Uh hindi na po, salamat na lang. Okay naman na ako" sagot ko dito.

Ito lang naman yata ang sasabihin niya, pinatawag pa ako dito.

Tumango-tango ito at nakita ko sa kanyang mga mata ang pagkadismaya.

"Sige, kung may maramdamn ka, magsabi ka lang. Ayaw ko lang na nahihirapan ang mga employees dito" sabi nito.

Tumayo na ako, mukhang wala naman na siyang sasabihin eh.

"Sige po.. balik na ako sa trabaho" pagpapaalam ko.

"Sige" sagot namn nito.

Paglalabas ko sa office ng manager namin ay halos lahat ng empleyado ay nakatingin sa akin. Iniyuko ko na lang ang ulo ko dahil sa hiya. Lagi na lang.

Ang mga tingin naman kasi nila ay parang may ginawa akong masama. Alam ko namang napapansin na din nila na lagi akong kinakausap ng manager namin. Strick ito pero tila sa akin ay hindi. Alam kong hindi naman sila tanga para hindi mapansin ang mga tingin sa akin si Manager. Alam kong alam nila na may guso ito sa akin.

Napatingin ako sa gawi ni Anne. Masama na naman ang tingin nito sa akin. Alam ko kasing may gusto siya sa manager namin pero kahit anong gawin niyang pagpapapansin ay wala pa ring nangyayari.

Inirapan lang ako nito saka bumalik sa kanyang trabaho. Naalala ko tuloy ang alok sa aking ni Manager na pagsama sa kanya sa seminar sa Batangas, alam ko kasing gusto iyon ni Anne.

Wala naman akong gusto kay Josh kaya baka maki-usap na lang ako sa kanya na si Anne na lang ang isama.

Lumipas ang maghapon. Alas singko na nang mag-out kami. Niyaya pa nila akong mag dinner pero tumanggi na ako, gusto ko na lang humiga at magpahinga. Hindi ko alam pero pagod na pagod ako ngayon. Siguro dahil na din sa mga naririnig ko sa opisina.

Nang makalabas ako ng bangko ay agad kong natampal ang noo ko, wala nga pala akong kotse, nasa talyer pa.

Napatingin ako sa harap ko, sa restaurant nila Jonas.

Inilabas ko na lang ang phone ko, magbo-book na lang ako ng grab.

Nakatutok ako sa phone ko ng bigla na lang may bumusina kaya nagulat ako, nahulog pa ang phone ko.

Bumaba si Jonas mula sa driver seat at agad na sinamaan ko ito ng tingin bago ko pinulot ag phone ko.

"Sorry" sabi nito bago binuksan ang pinto ng front seat.

"Sakay na, ano hinihintay mo? pasko?" tanong nito saka tumawa.

Naglakad ako palapit dito saka ko siya sinikmurahan, napayuko ito kaya naman may ngiti akong sumakay ng kotse.

"Fvck! Amazona talaga" rinig kong turan nito.

"May sinasabi ka?" nakataas ang kilay na tanong nito.

Mabilis naman itong umiling bago isinara ang pinto saka lumulan sa driver seat.

"Oh anong mukha iyan?" tanong niya nang makapagsuot ng seatbelth.

"Mukhang ito?" tanong ko sabay turo sa mukha ko. "MA.GAN.DA!" mariing sabi ko.

Napatawa naman ito. "Taas ng confidence ah, sure ka ba?" sabi nito saka humalakhak.

Gago ba siya?. Buang ata eh.

"Ulul ka, alam ko naman nagagandahan ka sa akin eh" mayabang na sabi ko na ikitingin siya sa akin na parang hindi makapaniwala sa sinabi ko.

"WOW!! Iba talaga, alam mo, gutom lang iyan" sabi nito saka pinatakbo ang sasakyan.

"Anong meron sa ref mo?" tanong nito sa akin.

"yelo" pabalang kong sagot.

"Tsk! Ano nga? Magluluto ako" sabi nito. Doon ako napatingin sa kanya.

"Talaga?" paninigurado ko. "Oo nga, kung wala kang stocks, daan muna tayo sa grocery store" sabi nito.

"May langgunisa naman sa ref tapos manok yata" sabi ko pero hindi sigurado.

"Daan na nga lang tayo." Sabi nito bago kinabig ang manibela paliko.

Tumango na lang ako, kailangan ko na din namang mag grocery.

Nang makarating sa grocery ay hindi na muna ako bumaba, naiirita ako sa coat ko eh kaya naman tinanggal ko na ito. White long sleeve na lang ang suot ko na naka tuck-in sa itim na skirt.

"oh bakit ka naghuhbad, hindi pwede dito uy!" sabi nito sa akin bago tumingin sa paligid.

"Gag0! Manyak ka talaga!" inis na sabi ko.

"Asar ka na naman, may regla ka siguro" sabi nito na lalong nagpatindi ng inis ko.

"Ewan ko sayo!" singhal ko dito saka nagmadaling lumabas ng kotse. 

Secret Series 3: Loving, HIM [R-18] ON-GOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon