SECRET 25

455 17 3
                                    


(JONAS)

Naalimpungatan ako dahil sa sikat ng araw. Nahilot ko ang aking ulo dahil sobrang sakit nito, sinubukan ko ding imulat ang aking mga mata pero agad ko din itong naipikit dahil sobra ang liwanag.

Ilang segundo pa akong nakapikit dahil sa hilo, napasobra ako ng inom kagabi. Inilibot ko ang pangingin ko sa hotel room ko, umaasa na makikita ang babaeng nasa isip ko ngayon, pero nadismaya lang ako dahil wala siya.

Pero bakit wala siya? Sa pagkakaalala ko ay nandito siya kagabi, I got mad pero ang alam ko okay na kami eh. Baka bumalik na sa room niya. Hindi naman siguro iyon makikipag kita sa Manager niyang panget.

Ilang minuto pa akong nanatili sa kama kahit gusto ko nang bumangon para manghingi ng sorry kay Abee at para na din makita siya.

Napatingin ako sa pinto ng ang hinahanap kong babae ay pumaok sa hotel room ko na may dalang paper bag na mukang pagkain at may kape din galing ng starbucks.

"Good Morning" bati nito sa akin na may ngiti sa kanyang mga labi.

Agad na sumilay ang aking ngiti at mabilis na bumangon sa kama para yakapin ito.

"Baby ko" parang bata na sabi ko. Hindi ko iyon sinadya dahil kahit ako ay nagulat din sa way ng pagsasalita ko.

Bahagya itong natawa kaya naman humiwalay ako at saka siya sinimangutan.

"Kumain muna tayo, may gamot din akong dala, sigurado akong masakit iyang ulo mo. Napakarami mo naman kasing ininom eh" sabi nito na parang nanay na nagsesermon sa anak.

"Sorry po Inay" pagbibiro ko, agad akong lumayo sa kanyang ng ambahan ako nito ng hampas.

Nagtawanan na lang kaming dalawa bago nito inayos ang dala nitong pagkain. Kinuha ko ang isang kape at maingat na sumimsim.

Habang kumakain ay itinanong ko na sa kanya ang kanina ko pa iniisip. Sa sobrang kalasingan ko, hindi ko alam kung may sinabi ba akong mahal ko siya o nanaginip lang ako.

"Did I say something stupid last night?" tanong ko dito. Nasamid ito kaya mabilis kong hinimas ang kanyang likod para maginhawahan saka ko siya inabutan ng tubig.

I think I know the answer.

"Ummmm sa pagkakaalala ko, wala naman" sabi nito matapos magpunas ng bibig.

Tumango na lang ako at tumahimik hanggang sa matapos kami. Iniisip ko kung anong gagawin ko, I should do something right? Baka kasi maunahan pa ako ng kung sinong shokoy diyan sa tabi-tabi.

Inaya ko si Abee sa terrace ng aking hotel room. Mataas na ang sikat ng araw, pero malamig ang simoy ng hangin. Tanaw ang dagat mula dito sa kinuupuan namin.

Hawak namin pareho ang baso ng aming mga kape.

"I'm sorry" sabi ko saka ako tumingin sa mga mata nito.

"Ayos lang" sagot nito saka sumimsim sa kanyang kape. Napangiti ako ng ihangin ang buhok nito, litaw na litaw ang kanyang ganda. Sinubukan din siyang kunin ni Judy as model pero ayaw niya, hindi daw iyon para sa kanya.

"Your Boss mo" pag-uumpisa ko.

"Anong meron sa kanya?" tanong nito.

"He likes you" I said as matter of fact.

Hindi siya sumagaot pero tumango siya.

"So you already know" sabi ko ulit.

"Yeah" maikling sagot nito.

Secret Series 3: Loving, HIM [R-18] ON-GOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon