Secret 9

687 23 2
                                    

**Short Update**

Don't forget to comment and Votes

(ABEE)

Tahimik lang kami ni Jonas habang nasa byahe papunta sa apartment ko. Hindia naman gaanong awkward, wala lang talaga akong masabi. Hindi pa din naman kami nag-uusap tungkol sa nangyari sa amin kagabi. Kailangan ba naming pag-usapan iyon?

Napabuntong hininga ako. Naiinis ako sa sarili ko dahil ang tapang-tapang ko kagabi. Wala akong pakialam sa magiging kalalabasan ng ginawa namin, ngayon para akong sinampal ng reyalidad.

Paano ang pagkakaibigan namin? Dahil sa nangyari kagabi, siguradong hindi na maibabalik ang relasyon namin na pagkakaibigan lang. Lumagpas na kami, parehas naming ginusto pero kung titignan ko naman si Jonas parang wala lang sa kanya. Bakit parang ako lang itong nagiisip masyado? Bakit parang ako lang ang apektado?

Napatingin na lang ako sa mga kasabayang sasakyan habang paminsan-minsan ay nagbubuntong hininga.

"Hey, what's wrong? Kanina ka pa nagbubuntong hininga"

Napatingin ako sa kanya. Napakabilis talaga niya akong mabasa.

Should I open the topic now? Nababagabag kasi ako, hindi matahimik ang isip ko.

"You can tell me" pag-uudyok nito. Isang beses pa akong bumuntong hininga bago nagsalita.

"May gumugulo lang sa isip ko" sabi ko at binigyan ito nang sandaling tingin bago ko ibinalik sa labas.

"Ano naman iyon? Iyon bang nanyari kagabi? Don't tell me pinagsisisihan mo iyon?" nakakunot noong tanong nito sa akin.

"No, of course not!" mabilis na sagot ko naman. Hindi ko iyon pagsisishan. Ginusto ko iyon, ginusto naming dalawa iyon.

"Good, dahil hindi ko din pinagsisisiha nang inangkin kita ng paulit-ulit. Now, tell me kung anong iniisip mo"

"It's just that..magkaibigan tayo pero ang ginawa natin ay hindi gawain ng magkaibigan lang. We don't love each other more than friends." Ang komplikado ng sitwasyon.

Humugot ito ng malalim na hininga. Even him, hindi alam kung anong gagawin sa sitwasyon namin. Kung ang tama ang pagbabasehan, dapat naming itigil at hindi na dapat pang masundan.

Sa rufok mong yan, imposible!

"Let's think first. Mag-usap na lang tayo sa susunod. Ang mahalaga muna ngayon makapagpagaling ka"

Tumango na lang ako. Kailangan ko ding mag-isip ng mabuti.

Nakita ko sa perhiperal vision ko na pasulyap-sulyap ito sa akin, kunyari na lang hindi ko napansin.

"Pupunta ako sa ospital, magpapacheck up. Gusto mo ba sumama para macheck ka na rin?"

Umiling na lang ako bilang sagot "Sa bahay na lang ako, magpapahinga"

"Huwag ka na din muna kayang pumasok sa trabaho mo, para makapagpagaling ka ng husto"

"Titignan ko pa, kung kaya ng katawan ko, papasok ako sa lunes" sabi ko. Tumango-tango naman ito. Alam naman kasi niyang ayaw na ayaw kong lumiliban sa trabaho.

Nang makarating kami sa building ng apartment ko ay bigla akong kinabahan. Okay naman ako kanina, pero ng bumama ako at bumama din si Jonas ay kumabog na ang dibdib ko.

"P-pasok ka muna, mainit dito" sabi ko at nauna nang naglakad patungo sa elevator. Sumunod naman ito sa akin at siya na din mismo ang pumindot ng floor ko.

Secret Series 3: Loving, HIM [R-18] ON-GOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon