SECRET 26

415 14 7
                                    

**HINDI KO ALAM MAGPAKILIG! HAHAHA NALOLOKA AKO DITO SA CHAPTER NA ITO**

(ABEE)

We ended up snuggling on the bed all day as we can't get enough of each other. Wala pala talagang balak tumigil si Jonas hanggat hindi sumasakit ang katawan at pagkababae ko. Hindi ko alam kung saan niya nakukuha ang lakas niya para sa napakaraming rounds.

Tumingin ako sa wall clock ng hotel room at nakitang mag-aalas singko na nang hapon, kaya naman pala nagugutom na ako, hindi man lang kami nakapagtanghalian.

Dahan-dahan kong inalis ang braso ni Jonas na nakayakap sa akin. Pinagmasdan ko pa ng ilang segundo ang napakagwapo nitong mukha bago bumangon saka pinulot ang aking mga damit na nagkalat.

Lalabas lang ako saglit para bumili ng pagkain. Bumalik muna ako sa sarili kong hotel room dahil naroon ang mga gamit ko. Matapos maligo ay, naghanda na ako para bumama upang makabili ng pagkain. Ayaw ko naman mag-order ng hotel food, I am craving for some avocado, kaya maghahap din ako ng shake sa labas o kahit anong pagkain basta may avocado.

When I open my door, bumungad agad sa akin si Sir Josh na dala na ang mga gamit nito.

Napakunot ang kanyang noo na nakatingin sa akin.

"Bakit ganyang ang suot mo?" tanong nito sa akin.

Napatingin naman ako sa suot ko at iniisip kung anong mali sa maong na short at pastel blue na tshirt.

"Bakit po?" iyon na lang ang nasabi ko dahil sa kalituhan.

"I texted you, sabi ko alas singko ang alis natin dahil one of the director will come to our branch for visit"

Nakagat ko ang ibabang labi ko dahil hindi ko alam ang isasagot ko. Hindi ko pa naman checheck ang phone ko simula kagabi, lowbatt na nga ata eh.

Awkward akong napatingin kay Sir Josh. Mukha ng humihingi ng dispensa.

"Pasensya na Sir, hindi ko pa po nachecheck ang phone ko simula kagabi" sabi ko at bahagyang napayuko. Jusko naman, nakakaloka, puro kasi ako landi.

Pero bakit kasama pa akong babalik? Saturday na ngayon, day off ko na nga dapat eh.

Bumuntong hininga ito.

"Anong balak mo? You can pack your things; I can wait" sabi nito.

Mabilis naman akong umiling dahil wala pa naman akong balak umalis at iwan ang boyfriend ko.

Shit! Boyfriend. That sounds good.

"Umm kasi Sir hindi pa po sana ako uuwi, mag extend po ako until tomorrow at saka day off ko naman na po, gusto ko pa po magrelax" paliwanang ko saka ako ngumiti.

Napatango ito ng dahan-dahan, hindi ko pwedeng lokohin ang sarili ko, kita ko ang inis at pagkadismaya sa mukha nito.

"Well kung ganon, paano ka uuwi?" tanong ulit niton "Commute? I can pick you up tomorrow afternoon since ako naman ang kasama mong nagpunta dito and sasakyan ko naman ang ginamita natin" sabi nito.

Hindi ko pinahalatang nagulat ako sa sinasabi nito. Parang ang creepy naman ni Sir Josh. Ipinagsawalang bahala ko na lang, baka talagang concern lang naman siya.

"Huwag na po Sir Josh, ako na pong bahala sa sarili ko, kaya ko na po" magalang na lang na sagot ko, para naman hindi nakakahiyang mag turn down ng offer.

"Is it because of Mr. Fuentes?" tanong nito.

Hindi ko nagustuhan ang tono ng pagtatanong nito. Mabuti na lang napigilian ko pa ang mapataas ng kilay.

Secret Series 3: Loving, HIM [R-18] ON-GOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon