Secret 4

797 24 4
                                    


(ABEE)

Tahimik lang kaming dalawa. Hindi pa din kasi ako makapaniwala na may Erectile Dysfunction si Jonas, at kung mayroon paano? May nangyari sa amin.

"U-Uuwi na ako" pagbasag ko sa katahimikan.

"Kaya mo na ba?" tanong nito.

Hindi ako nakasagot dahil kahit ako hindi ko alam. Kaunting galaw ko lang parang hinihiwa na ang pechay ko.

"Dito ka na muna, mag-isa ka lang din naman sa apartment mo. Walang tutulong sayo" sabi nito. Nakakainis na tama ito, ni pagtayo sa kama ay hindi ko magawa. Kaya nga umahon ako sa may bathtub kanina dahil gusto ko nang umuwi, pero hindi ko pala kaya.

Nang tumunog ang doorbell ay nagkatinginan kami ni Jonas.

"Iyong pagkain na yata iyon, titignan ko lang" sabi nito at lumabas na.

Nang makalabas ito at napatitig na lang ako sa labas ng bintana.

I didn't know that Jonas is having a hard time too. Akala ko wala itong prinoproblema, iyon pala mayroon din. Hindi nga talaga natin alam kung may itinatagong mabigat na problema o pinagdadaanan ang mga tao sa paligid natin unless they really want to share it.

We did it. I had sex with him. Paano kung mabuntis ako? Sa kaisipang iyon ay para na akong mawawalan ng hininga.

"Hey, kain muna tayo" sabi nito ata inilapag sa kama ang tray na may pagkain na.

"What if mabuntis ako?" wala sa sarili kong tanong sa kanya. Natigilan din ito.

"uhhh hindi naman siguro, it's your first time" sabi nito pero bakas din ang kaba sa kayang mukha.

"Go to the drug store, ask for an after sex pill" sabi ko dito. Mabuti ng sigurado, dahil magkakandaleche ang buhay naming dalawa kapag nabuntis ako.

Tumango ito at agad na tumayo. Nang makaalis ito ay kumain na lang ako. Nang makita ko kasi ang pagkain ay bigla na lang kumalam ang tiyan ko, puro pa naman alak ang laman.

Nang matapos kumain ay wala na akong nagawa. Tumunganga na lang ako habang naghihintay kay Jonas. Hindi ko nga alam kung saang planeta ba iyon bumili, napakatagal naman niya.

Nahiga ako sa kama at napatitig na lang sa kisame. Pilit na tinangtanggap na wala na ang virginity ko, na hindi na iyon maibababalik kahit umiyak pa ako ng dugo.

Isa pang iniisip ko ay ang inamin ni Jonas. He was diagnosed with erectile dysfunction, at pinagdadaaan na niya iyon sa loob ng tatlong taon. Akala ko talaga, paniwalang-paniwala naman ako, hindi lang pala ako kundi kami, paniwala kami na wala itong pinagdadaan maliban na lang sa broken hearted pa din siya. Ang sabi naman nito ay nakamoved on siya so, siguro iyon na lang ang problema niya na sa tingin ko ay magaling na din, nakapag sex na nga kami eh.

Napatingin ako sa pinto ng bumukas iyon at pumasok si Jonas.

"Sorry natagalan, eto oh inumin mo na" sabi nito at iniabot sa akin ang gamot. Dahan-dahan akong naupo sa kama dahil ang kirot talaga ng pagkababae ko. Tama nga ang sabi ni Rhian, masakit sa umpisa pero hindi ko naman inasahan na ganito, ni hindi ako makalakad.

Nagsalin ito ng tubig sa baso galing sa may pitsel na nasa may night stand at inabot sa akin.

"Kamusta pakiramdam ng ano mo?" tanong nito at nginuso ang aking pagkababae. Nag-init ang mukha ko dahil sa tanong nito, nakakahiya naman kasi.

"Masakit" maikling sagot ko.

"May binili din akong pain reliever, inumin mo na din para mabawasan naman iyong sakit" sabi nito. Sinunod ang gusto nito at napatingin sa paper bag na itinabi nito.

Secret Series 3: Loving, HIM [R-18] ON-GOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon