SECRET 27

379 13 3
                                    

VERY SHORT UPDATE 


(JONAS)

I was smiling like an idiot while driving. Wala lang, sobrang saya ko lang ngayon. Ito iyong mga araw na sigurado akong hindi ko makakalimutan.

Nakabalik na nga pala kami galing Batangas, ngayon pauwi na dahil sinundo ko si Abee galing sa work.

"Porah kang anga!" nakakunot ang noong sabi ni Abee habang puno ang bibig ng fries. Ayaw ko sanang pakainin ng galing sa fastfood pero mapilit, hindi ko naman matititis yan kung nagpapaawa na. Wala akong laban.

"Tsk, huwag magsalita kapag puno ang bibig Baby" pagsita ko naman.

Uminom muna ito sa kanyang coke float bago huminga ng malalim.

"Daming alam" bulong na naman nito, rinig ko naman.

"Kasi po, baka mabulunan ka, I am just thinking about your safety" pagpapaliwanang ko. Inirapan lang ako nito saka nagpatuloy sa pagkain.

Nang mag green light na ay mabilis kong pinatakbo ang sasakyan. Pagod din ako, nagcater kasi kami kanina sa restaurant ng mga Executive ng isang company para sa kanilang lunch meeting.

"Ahhh" sabi ni Abee saka inumang sa akin ang tatlong pirasong fries.

Mabilis ko naman iyong sinubo at nginuya.

"Bakit tatlong piraso? Para ba I love you?" tanong ko dito pero as expected, irap na naman ang natanggap ko. Nakagat ko na lang ang aking ibabang labi dahil sa ngiti na pinipigilan ko. Ewan ko ba, sinusungitan na nga ako, kinikilig pa.

"Sungit!" bulong ko na lang bago sinindihan ang radio sa kotse.

(Passenger Seat- Stephen Speaks)

Dahan-dahan kong sinabayana ang kanta at hindi mapigilang mapatingin sa babaeng nasa tabi ko. It's already 6 PM, her face is glowing by the lights coming from outside.

Sinasabayan ko lang ang kanta habang nagmamaneho, nang tumingin ako pabalik kay Abee ay bigla na lang akong nabahala dahil umiiyak na ito habang may fries pa sa bibig.

"Baby what's wrong?" tanong ko saka ko inabot ang kanyang mukha para punasan ang kanyang mga luha.

Nagpabalik-balik ang tingin ko sa daan at kay Abee, hindi ko pwedeng itigil ang sasakyan dahil nasa highway, mag ca-cause kami ng traffic kapag nagkataon.

"Angg—pa—nget ng boses mo" sabi lang nito saka pinunasan ang sariling luha bago nagpatuloy sa pakain.

Napamaang na lang akosa sinabi nito. Alam ko namang hindi kagandahan ang boses ko pero grabe naman yung iiyak siya dahil doon.

"Grabee ka naman sa akin Baby, ganun na ba talaga kapangit?" seryosong tanong ko pero hindi naman siya sumagot at naghikab lang.

Tumahimik na lang ako hanggang marating namin ang apartment nito.

May dala na akong pagkain galing sa resto, iiinit na lang.

Dumiretso ako sa kusina habang si Abee naman ay sa kwarto. Alam kong antok na antok na iyon kaya naman minadali ko na ang paghahain.

Nang matapos, mabilis akong sumunod kay Abee na nasa shower.

"Baby, let me in." pagkatok ko sa pinto.

Nang marinig ko ang pag unlock ng pinto at mabilis akong pumasok at naghubad ng damit. Patapos naman na siya ng pumasok ako.

Iniwasan kong mapatingin kay Abee at mabilisang ligo lang ang ginawa ko. Nauna na itong lumabas ng banyo, at sabi ko mauna na din siyang kumain pero sabay na lang daw kami.

(ABEE)

WOOOOHHHHO That was hard, not looking at him. Nakailang hingang malalim pa ako para mapakalma ang sarili ko simula ng lumabas ako ng banyo.

Gustom lang ito, ikakain ko na lang. Dumiretso na ako sa kusina at nakitang handa na ang dinner, kakakain ko nga lang ng fries pero gutom pa din ako. Dahil wala pa naman si Jonas, binuksan ko muna ang aking treasure cupboard kung saan matatagpuan ang aking mga Lemon square cheesecakes.

I am so happy seeing all my fav food in an arranged manner. Kumuha ako ng tatlo at naupo muna sa may sala, saka ko binuksan ang TV.

Nasa cooking show ang channel kung saan ang Mommy nito ang Chef.

I can't wait to see my man on the TV, doing his passion. I'll be the supportive girlfriend.

Saktong pagkasubo ko ng huling parte ng ikatlong cheesecake ko ay siyang paglabas naman ni Jonas mula sa kwarto.

"Lord busog na po ako" He is wearing a grey boxer short and a white sando.

Nakagat ko ang ibabang labi ko saka ko ito pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa. I'm so lucky, he's mine.

"Bakit kumain ka pa ng cheesecake madi-dinner tayo eh" sabi nito. "Edi busog ka na niyan, tatlo pa kinain mo" sabi nito.

"Oo busog na ako" sabi ko habang tinitignan pa din ang kabuuan nito.

Jusmeeee, hindi ka ganyan Abee, anong nangyayari, bakit gusto kong manyak.

"You're watching Mom" sabi nito at saka natawa.

"Galing ng Mommy mo" sabi ko na lang at saka ibinalik ang tingin sa TV.

"Saka mo na siya panoorin, kung gusto mo live pa eh, halika na kumain na tayo, kain ka kahit kaunti" sabi nito.

I pouted my lips at nagulat na lang ako ng bigla na lang ako nitong hinalikan.

"Huwag ka magpacute sa akin, kakain ka o kakainin kita?" tanong nito.

Napaawang ang mga labi ko dahil sa sinabi nito, hindi rin ako agad nakasagot dahil sa gulat. Jusmee, malala na itong si Jonas, hindi naman ito ganito dati.

Tumawa ito ng malakas kaya naman napairap na lang ako, mang-aasar na naman iyan eh.

"Ayiiiee, hindi agad nakasagot, gusto niya. Madali naman akong kausap Baby, magsabi ka lang" sabi nito saka ako kinindatan na parang tambay lang sa kanto.

Hinampas ko ito ng throw pillow bago tumayo para pumunta na sa kusina. Pagod na ako, gusto ko na lang magpainga.

"Kumain na nga tayo, inaantok na ako" sabi ko na lang, pero ang totoo hindi na nawala sa isip ko ang sinabi niya.

Pwede bang parehas, pagkatapos kumain ako naman kakainin niya. FVCK!! ABEEGAIL QUIJANO ANG KALAT MO! 

Secret Series 3: Loving, HIM [R-18] ON-GOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon