SECRET 18

452 11 2
                                    


(JONAS)

Bakit? Isang tanong lang pero hindi ko din alam ang sagot kaya paano ko siya sasagutin. Hindi ko na din alam ang ginagawa ko. Bakit ba ako lapit ng lapit? Oo, magkaibigan naman kami, pero iba na ngayon eh. Ibang-iba na kumpara sa dati.

Isang buntong hininga pa ang aking pinakawalan bago ko naisipang tawagan si Kiel.

Hating gabi na kasi, si Jez at Jace ay may pamilya na kaya si Kiel na lang ang tinawagan ko. Alam ko namang pupuntahan pa rin ako ng dalawa pero ayaw ko namang makaistorbo pa. Malay ko ba kung nagbabantay ng anak si Jez at si Jace naman ay inaasikaso si Leennie na maselan ang pagbubuntis, kaya kailangan niyang tutukan sa pagbabantay at pagbibigay ng mga kailangan nito.

"Inom?" ito agad ang bungad nito sa akin matapos nitong sagutin ang aking tawag.

"Busy ka ba?" tanong ko na lang, baka kasi may ginawa din itong isang ito.

"Doesn't matter dude. You need someone to talk?" tanong nito.

"Sana" sabi ko na lang at napabuntong hininga na lang ako ulit.

"On my way, wait for me." sabi nito at rinig ko pa sa kabilang linya ang mga kaluskos na sa tingin ko ay dahil sa pagbangon nito sa kama.

"Saan ka pupunta?" rinig kong boses ng babae kaya naman napakunot na ang noo ko.

"Si Rhian ba iyon?" mabilis kong tanong. Kilala ko ang boses ng mga kaibigan ko at alam ko, malakas ang kutob kong si Rhian nga iyon.

"Oo, sige na hintayin mo na lang ako, magpapa-alam lang" sabi nito.

"Sure ka, hindi ako nakakaistorbo?" paninigurado ko.

"Hindi nga, saka nasaan ka ba? Sa bahay niyo o sa condo mo?" tanong nitong.

"Sa condo lang ako"

"O sige na, baba ko na, hintaying mo na lang ko. If this is about you and Abee, I'll tell Rhian to talk to Abee too" sabi nito bago ibinaba ang tawag.

Isang malalim na buntong hininga ulit ang aking pinakawalan bago nag order ng mga inumin at mga pulutan.

Dumating na ang mga alak at pagkain na inorder ko pero si Kiel hindi pa din dumadating.

Sinilip ko ang aking phone at tatawagan na sana ito ng marinig kong tumunog ang aking doorbell kaya naman mabilis ko itong pinagbuksan.

"Anong nangyari?" tanong agad nito pagka-pasok sa unit ko.

Hindi ako sumagot hanggat hindi kami nakakaupo sa may sala. Isa pa, iniisip ko kung ano isasagot ko sa tanong niya.

"Magkwento ka na nga lang, wala ka naman atang balak sagutin ang tanong ko."

Mabilis kong nagbukas ng isang bote at iniabot sa kanya, nagbukas pa ako ng isa para naman sa akin. Tumagay muna ako bago napabuntong hininga.

"Ano na?" tanong na naman nito.

Nilalaro ko ang bote sa kamay ko bago nagumpisang magkwento.

"She went here one night. Nakainom siya, noon iyon, noong nalaman niyang niloko siya ng ex niyang gago" pag-kwento ko bago tumagay ulit.

"Nadatnan ko lang siya diyan sa harap ng unit, hinintay niya ako dahil gusto niya daw ng kausap. I envited her and then uminom ulit kami. Hindi naman namin namalayan na malalasing kaming dalawa tapos ayun...." Tumagay ulit ako pagkatapos kong magsalita.

Secret Series 3: Loving, HIM [R-18] ON-GOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon