-3rd Person's POV-
Matapos mag-sketch ng klase ay break na. Lumabas si Gail upang pumunta sa library..Yung library kasi ay malapit lamang sa Student Council Room pati narin ang CR ng boys..
Katabi naman ng cr ng boys ang cr ng girls.Habang lumalakad sya sa hallway ay napadaan sya sa cr ng boys at may narinig syang umungol mula dito..
-Gail's POV-
Napailing na lamang ako ng narinig kong may naguusap na babae at lalake sa may Cr ng boys..
Nilock pa talaga nila ah? Tsk, tsk.
"Sigurista"-tanging nasabi ko at umiling.--
Dali-dali kong kinuha ang librong kailangan ko at lumabas ng library..
Pero nakita kong biglang lumabas ng CR si Jonas kaya nagtago ako sa may gilid..
Pawis na pawis ito at dali daling tumakbo sa room namin na malapit lamang sa Student Council Room..
Anong nangyari? Tila may masamang nangyari.. Kinukutuban ako.. May hindi tama..
"Hoy!"-sabay kalbit sakin ni Jaria na akin namang ikinagulat..
Kasama nya ang grupo ni Lovely na kinabibilangan ni Steph.
"Anong ginagawa mo dyan Gail? Ini-stalk mo yata yung crush mo eh? Hahaha!"-wika ni Lovely at natawa ang buong grupo nya pati na si Jaria..
"Wala ka bang balak kumain? Break na oh!"-sabi naman ni Jaria.
Maya maya'y pumasok naman sa Cr ay si Keano at narinig naming sumigaw si Jonas na "Tawagin mo ang principal Keano!"
Dali-dali namang tumakbo si Keano papunta sa kinaroroonan namin at tila ba hindi nya kami napansin... Hinabol ni Jaria si Keano at hinigit ito sa kanyang braso."Anong nangyari Keano?"
"Si Westley..."-sabay tanggal ng pagkakahawak ni Jaria sa kanyang braso.
Hinayaan ni Jaria si Keano at tumakbo si Jaria sa may cr ng boys..
Sumunod naman kami..
--Nagulat kami ng makita si Westley na walang buhay sa lap ni Jonas.. Puno ito ng dugo.. May baril sya sa kanyang noo na siguradong ikinamatay nya..
"Anong nangyari?"-ang tanong ni Jaria
"Pumunta akong banyo, kaya lang nakalock yung pintuan... Pinilit kong buksan, kaso nakalock.. Tumakbo ako sa may security guard para sana kunin susi ng banyo, ngunit nagbreak din yung mga guard natin.. Nung nakuha ko susi ng banyo sa ating janitor, binuksan ko ito at tumambad sa harapan ko yung katawan ni Westley.. Tumakbo ako at tinawag si Keano..""Bakit naman si Keano pa ang tinawagan mo?"-mausisang tanong ni Steph.
"Sya lang ang nasa room nung time na yun eh, kasi break time nga natin.. At sya'y naiwan dahil natutulog sya"-sabay tungo nya at pumatak ang kanyang mga luha.."Tila tayo'y inuubos nila.. Anong gagawin natin?"-nag-aalalang tanong ni Jonas.
At may nakita akong kwintas na 4 leaves clover sa may paanan ni Westley. Teka-- nakita ko na yun ah? Kanino ko nga ba nakita yun?"Tumawag kayo ng pulis"-biglang sambit ni Mr. Ashton na kakarating lamang..
"Opo Sir.."-at tumawag naman ng pulis si Lovely
.Lumabas ng cr si Lovely para tumawag.
Maya maya'y nagsalita si Mr. Ashton.
"Sino ang may gawa sa kanya nyan? May nakaaway ba sya?"-tanong nya sa amin..
"Wala po kaming ideya Mr. Ashton.. Nakita na lamang namin syang nakahilata sa sahig.."-sagot ni Keano na naiiyak na dahil sa sinapit ng kanyang matalik na kaibigan.
"Bumalik na kayo sa room ninyo at huwag nyong ikalat sa buong school ang nangyare.. Ayokong masira ang reputasyon ko at ng aking pinakamamahal na paaralan.."-tonong naguutos na tila ba hindi namin kayang suwayin..
--At kami nga ay bumalik na sa aming room..
************************************************************************************************************
BINABASA MO ANG
Light into Darkness(The Beginning of the End)
Mystery / ThrillerINTRODUCTION The Winchester Massacre was the day it all started, the day the revenge started. Ashton Winchester was the only one who survived the massacre. He build a Boarding School in the Winchester Mansion and create a family of his own. Little d...