Chapter 25

12 2 0
                                    

-3rd Person's POV-





"Isakay na natin ang mga bangkay."-wika ng isang ambulance nurse sa kasamang nyang A.N din.



"Di dapat ganito ang Workshop."-paghagulgol naman ng teacher na si Mam Gell sa balikat ni Sir Zean.



"Shhhh. Di natin inasahan ang mga nangyari."-pag-aalo ng kanyang kapwa guro sa kanya.



Maya-maya ay nag-announce ang guro ng Section-B.

"Uuwi na tayo at ipaaalam sa Principal ang mga nangyari. Pumunta na kayo sa mga bus na naghihintay sa labas ng gubat."-at nanguna ito sa paglalakad.



Kinausap naman ni Gail si Jaria habang naglalakad.

"Jai, nakita mo ba ang mga letra?"-misteryosong wika nito na ikinagulat naman ng kanyang kaibigan.



"Oo, nakakapagtaka nga eh. Tila may gustong iparating."-sagot naman nya.



"Jai, maaari bang tabi tayo sa bus mamaya.. May importante akong sasabihin."-at tumango ang kanyang kaibigan.




Nang makalapit na ang mga lahat ng estudyante sa kani-kanilang mga bus ay agad-agad silang pumasok dito. Takot na baka may mangyari nanaman sa oras ng kanilang pag-alis.



"Nas, tabi muna kayo ni Janella, mag-uusap lang kami ni Gail."-wika ni Jaria sa kanyang kaibigang malapit ng maging ka-ibigan.



At pagod na tumango si Jonas; pagod sya sa mga nangyari..

"Ano? Game na?"-tanong naman ng kaibigan nyang si Gail..



"Oo."-at nagsimulang magsalita si Gail.



Kumuha ito ng papel at ballpen; nagsulat ito.


D E A T

"Di ba una is D E A T ang mga letra sa unang mga bangkay?"-pag-uumpisa nito.



"Oo, tapos A H M. Nung una nga, feel ko may kakaiba dyan.. Iniisip ko kung ano ba yang mga letrang yan.. Hinintay kong matapos yung patayan at nakabuo ako ng salita."-pabulong na pagpapaliwanag ni Jaria sa kanyang kaibigan.



"Tama, ano ang iyong nabuo?"-tanong naman ni Gail.

Light into Darkness(The Beginning of the End)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon